Today is the first day of the Christmas break. Hindi na rin kami nag-christmas party sa school dahil ayaw ng mga kaklase ko't magastos lang naman daw. Kaya heto kami ni Williams at nasa mall para mag-grocery. Bukas na kasi ang alis namin papunta sa resort nila sa Batangas, kaya kailangan na naming mamili ng mga kailangan. Ang bilis talaga ng takbo ng panahon, parang kailan lang ay unang araw pa lang ng eskwela. Para kaming mag-asawa na namimili ng mga kailangan sa bahay—oh my gosh! Why did I even think of him as my husband? "You want this?" Tanong niya at ipinakita sa akin ang toblerone. Halos mga chocolates pa lang ang nailalagay namin sa cart, wala pa iyong mga kailangan namin sa aming mga katawan, at ibang snacks. Iyon lang naman ang bibilhin namin dahil sabi niya may bantay naman

