“Wag mo tanggalin iyan, habang hindi pa nanunumbalik ang lakas mo,” malamig na wika nito sa akin hanggang sa mapadako ang tingin ko sa kanya. Agad ako natigilan sa pagtatangka kong pagtanggal ng swero sa aking kamay nang marinig ko ang sinabi nito sa akin. Halos magpatakan ang mga luha sa aking mata nang muli ko siyang makita. Hindi niya alam kung gaano ako nangulila nang umalis siya kaya ngayon narito na siya sa aking harapan. Nais kong ipakita sa kanya kung gaano ko siya na-miss. Ngunit tila may mali sa mga tingin nito sa akin ngayon. Ganoon paman ay pinilit ko pa rin na magsalita. Kahit medyo nanginginig ang aking boses dahil sa mga luha na nagpatakan sa aking mga mata. “Nakabalik kana, hindi mo alam kung gaano ako naghintay sa muli mong pagbabalik. Kung ganoon hindi panaginip

