Declan’s POV Nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang patuloy siyang humahagulgol. Ang bawat panginginig ng balikat niya ay parang kutsilyong unti-unting tumatarak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang malaman ang ginawa niya o ang makita siyang humugulhol sa harapan ko. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin. Ngunit nangingibabaw sa akin ang takot—takot na kapag hinawakan ko siya, hindi ko na siya bibitawan. “Nikkie…” mahina kong tawag, halos pabulong. Pero hindi niya ako tinignan. Mas lalo lang lumakas ang iyak niya, parang wala na siyang ibang alam gawin kundi ilabas ang lahat ng sakit na naipon sa kanya. At doon ko napagtanto… hindi lang ako ang nasaktan. Hindi lang ako ang naghirap. Siya rin. At mas malala. Dahan-dahan akong lumapit. Para ak

