Matapos ng aking trabaho, nagtungo na kami sa bar kung saan gaganapin ang party ni Denver. Tulad ng sinabi ni Denver, isinama ko ang kaibigan ko si Cloe sa party na iyon. Pagpasok namin doon ay ilang magkakapareha ang sumalubong sa amin. Malalakas na amoy ng alak at sigarilyo na aming nalalanghap ng sandaling iyon. Hanggang sa makapasok kami sa isang VIP room kung saan naroroon ang ilan sa kasamahan namin, doctor at nurse. Agad nabaling ang tingin nila sa amin kaya nilapitan agad kami ni Denver. Medyo may tama na ito ng alak dahil kanina pa raw sila na ririto kasama ang ilang mga doctor. Maging ang mga kasama nila ay lasing narin. “Buti at nakarating kayo dito; akala ko ay hindi na kayo makakarating.“ “Pasensya kana, medyo marami kasing pasyente ang dumating kaya hindi agad kami n

