Nang magising ako ay napansin ko na nasa isang silid na ako . Patay ang ilaw at ang tanging nagsilbing ilaw ko lang ay lampshade na nasa aking tabi. Agad akong bumangon doon para magtungo sa banyo para umihi, at naghugas ng kamay sa sink at naghilamos. Matapos noon ay bumalik na ako sa silid ni Declan at muli kong binuhay ang ilaw. Inilibot ko ang mata ko sa buong silid hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang table kung nasaan ang aking cellphone. Tiningnan ko ang oras at doon ko lang napansin na 8:00 na pala ng gabi. Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap ko si Declan, pero wala siya doon kaya naisipan ko na lang na puntahan siya sa office. Napangiti ako nang makita na nasa harapan siya ng office table niya habang abala ito sa kanyang trabaho. Napatikhim ako kaya nabaling ang

