Kinabukasan ay nagising ako ng wala na sa tabi ko si Declan. Kaya Dahan-dahang bumangon ako mula sa aking pagkahiga sa kama. Wala pa rin ako kahit na anong saplot sa aking katawan kaya ginamit ko na lang ang kulay puting kumot para itakip ito sa akin . At nang matapos ay saka ako naglakad patungo sa banyo para maligo. Nagtagal lang ako ng ilang minuto bago ako lumabas doon at naghanap ng pwede kong isuot. Ilang paper bag ang aking nakita sa isang upuan kaya agad ko binuksan iyon. Alam ko na para sa akin iyon dahil puro damit pang babae ang laman noon. Tumambad sa aking harapan ang ilang pares ng damit na mukhang nanggaling pa sa mamahaling clothing store. Agad akong napangiti nang may makita pa akong ilang pares ng underwear . Kumuha ako ng isang bra at halos mapangiti ako ng makita

