"Ilabas ninyo ang babae na iyan; ayoko na muli pa siya makita dito,“ utos ko sa mga tauhan ko na ngayon ay nasa loob na ng aking opisina. “Declan? bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Mahal na mahal kita at alam mo iyan. Matagal na kita gusto, pero bakit kailangan mo ito gawin sa akin?“ “Dahil hindi isang tulad mo ang nais ko. Wala ka sa kalinkingan ng babae nais ko makasama habang buhay.“ "Ang arte mo naman, Declan. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo na ikaw ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo, ganoon ba?“ inis na wika nito sa akin. Mabuti nga at pumapatol pa ako sayo, noh! Sa ganda at sexy kong ito, magagawa mo pa akong tanggihan? Pera lang naman ang meron ka ehhh, pero hindi ka naman ganoon kagwapuhan, at kung tutuusin, sobrang boring mo at madali lang kita ipagpalit sa iba." “Tal

