chapter 61

1163 Words

Pagmulat ko ng mata, ilang segundo munang hindi nagre-register sa utak ko kung nasaan ako. May malambot na liwanag na dumadaloy mula sa kurtina, tumatama sa sahig at sa mga dingding na puti’t tahimik—at sa loob ng ilang t***k ng puso, parang ibang mundo ang kinalagyan ko. Tahimik. Hindi ‘yong tahimik na nakakabingi—kundi ‘yong uri ng katahimikan na parang hinihintay ka muna bago gumalaw ang araw. At saka ko naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Mainit. Malambot. Humihinga nang mabagal at pantay. Nikkie. Nakahiga pa siya sa akin, mahigpit pa rin ang yakap niya na parang kahit tulog, may takot pa rin na baka mawala ako kapag bumitaw siya. Ang mukha niya ay nakatagilid sa dibdib ko, ang buhok niyang medyo magulo ay nakalapat sa balat ko, at bawat hinga niya ay nararamdaman ko hanggang buto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD