LEA GAYLE'S POV
"What?! No Way!"
Padabog akong umupo sa couch ng office ko.
「 Pero Gayle naman, it's a big opportunity di mo pwedeng i-give up yun basta basta atsaka-」
"Atsaka what? Well that's not an opportunity for me, okay na sana kung sa ibang company pa eh huwag lang sa corp niya." Inis na pageexplain ko sakanya.
Hinilot ko ang aking sintido dahil sobra akong nas-stress sa mga sinasabi ng Auntie ko.
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok.
"Who's there?" Pagtatanong ko kung sino man ang nasa labas.
"Goodafternoon Chef Lea, this is Julia" oh ang secretary ko lang pala.
"Come in." Sabi ko sakaniya at pumasok na nga siya, i raise my brow para sign na magsalita siya.
"I'm sorry for inconvenience, kailangan na daw po kayo sa kusina, the visitors is on the way, handa naman na po ang lahat." she said saka iniyuko ang ulo.
"Okay, you may go, susunod na agad ako" tumayo na ako para mag ayos ng sarili, nilabas ko ang aking make up kit para mag retouch, pagkatapos noon ay sinuot ko na ang white apron at toque saka lumabas ng office.
Pagkarating ko roon ay bumungad sa akin ang ibang mga cook doon at nag hahain na.
"Where's Seannah?" I asked Julia, my secretary.
"Uhmm she said she's on her way na po." She answered politely.
Si Seannah ang naging katulong ko para lumago ang business ko, she's my partner and she's also a CEO on her own company, she's also my bestfriend. Sa aming magkakabarkada, successful kaming lahat. Sobrang dami ring nangyari at pinagdaanan bago umabot sa ganito.
Tumango na lang ako at tiningnan ang mga putaheng nakahain, I suddenly smirked when i saw the adobo. Agad din nawala ang ngisi ko ng pumasok na ang mga bisita.
Unang pumasok si Seannah with her secretary, sumunod na ang mga hindi ko kilalang mga tao pero sure akong taga ibang company 'yon.
They're here para tikman ang mga dishes namin just because pumipili sila ng company na pwede nilang maging kapartner to serve foods on their staffs, employees and some vip customers.
Halos malaglag ang puso ko sa kaba nang makita ko ang huling pumasok. Nagtama ang aming mata pero agad niya rin iyong iniwas. Napakagat ako ng labi dahil naalala ko kung bakit ako naiinis kanina at isa rin nga pala siya sa mga bisita ngayon.
I never expected this, ang alam ko ay dineclained niya ang proposal ni Auntie, sinend lang ni Auntie ang email nila kanina tapos andito na siya agad ngayon? lol, what a pain in the ass.
Lahat sila'y umupo na, tumikhim ako bago magsalita.
"Good afternoon everyone, thank you for being here today, I'm so glad to see you everyone come here. My name is Ma. Lea Gayle Mendoza and I am the executive chef and the owner of Bliss Dip Company, y'all can start eating. And we hope you enjoy the foods, enjoy eating!" I proudly smiled, cause why not coconut, I am a successful entrepreneur and I also achieve my dream job.
Halos matawa nama ako ng makita ko siyang unang kumuha ng adobo, wala paring nagbabago paborito parin niyang kainin yun.
He never change at all, tinitigan ko lamang siya.
Lucas Akiro Lopez.
The man that i love.
He promised 5 years ago, that he will stay with me hanggang sa maging chef na ako but i guess it just a promise that meant to be broken.
The pain and those tears may dry up, but the feelings of heart will always remain.
FIVE YEARS AGO
Sumakay ako ng jeep papuntang school, alas otso ng umaga pa ang pasok and it's only 6:53 in the morning medyo malayo malayo kasi samin 'ang school at dahil ulirang mag-aaral ako kailangan di ako malate.
"Bayad nga po, pakisuyo po." Sabi ko at pinaabot ang bayad sa malapit sa akin.
"Saan toh?" Tanong ni Manong Driver.
"Isang Atienza University nga po, isang estudyante po." sabi ko syempre kailangan sabihing estudyante para may discount, hihi. Bigla na namang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag.
It's Seannah, my bestfriend since elementary days.
"Oh?" bungad kong sagot sakaniya.
「sungit ng bungad, may regla ka gorl?」
"Bobita, wala ang aga aga naman kasi e nambubulabog ka na."
「 yes alam kong maaga ka at nakasakay ka na sa jeep ngayon, wait mo ko later, sabay tayo pumasok. 」
"Hay naku oo na, kilala mo talaga ako hmpk, sa 7/11 nalang tayo magkita at inaantok ako."
「 okii, labyu mwamwa chupchup 」
Halos mangiwi ako dahil sobrang cringe ng babaeng 'to jusmeyo. Umidlip muna ako dahil kaunti pa lang naman ang sakay, at malayo pa nga ang school.
Nagising ako dahil sumisikip na, napatingin ako sa relo ko it's already 7:24 in the morning. Lumingon lingon pa ako para tingnan kung nasaan na kami at baka lumagpas ako.
"Oh Atienza, Atienza" saad ni manong kaya agad akong bumaba. Pumasok na ako sa gate at dumiretso sa 7/11 para hintayin ang bruha.
Seannah Francisco ◕ active now
Lea: hoy asan ka na?
Seannah Francisco: here sa may likod.
Lea: K.
Naglakad na ako papalapit sakaniya ng may makabunggo saakin.
"Sorry." saad niya saka lumabas ng 7/11 what a weirdo.
"Seannah Francisco." tawag ko sakaniya kaya lumingon agad siya at patakbong lumapit sa akin.
"Tagal mo ha hmpk daming gwapings kanina, yung isa hiningi sss name ko" kinikilig niya pang sabi.
"HAHA, igoghost ka rin niyan tulad ni Raphael ba yun?" sabi ko saka ngumisi, lumabas na kami ng 7/11 at pumunta sa room kung saan ang first subject namin, same kaming tvl ang strand ni Seannah.
"Uy pssst Lea." tawag sakin ni Seannah kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Nagchat si Yvette, sabay sabay daw tayo mag lunch." bulong na sabi niya kasi nagtuturo na ang prof.
Tinanguan ko lang siya at nakinig na uli.
Lunch time na kaya hinila ako ni Seannah papuntang cafeteria, nakita namin doon si Yvette na nag lalaptop mag-isa.
"Future Architect. Andrez." tawag ko kay Yvette kaya agad 'tong napatingin sa amin at kumaway.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Seannah sakaniya.
"Tinatapos ko lang ang plate ko." sagot niya saka niligpit ang mga gamit niya. Habang kumakain nag uusap tong dalawa about sa jowa jowa nila.
"Ikaw ba Gayle? may jowabels ka na?o natitipuhan man lang?" tanong ni Yvette agad akong nag make face at umiling.
"Mas focus 'yan ngayon sa pag aaral, isipin mo yun? maharot 'yan nung highschool tayo diba HAHAHA." saad ni Seannah.
"Lol nagsalita ang hindi maharot, ilan nga ang naging jowa mo? ah lagpas bente nga pala" pang aasar ko.
"Hoy flings lang 'yon 'no saka dalawa lang sineryoso ko." pagdedefend niya pa sa sarili niya.
"Kaya pala iniyakan mo silang lahat." pang aasar naman ni Yvette.
"Hoy! pinagtutulungan niyo na ako e, che! Mga fake friends." bumusangot ang mukha niya saka kumain na lang.
Napatawa nalang kami ng sabay ni Yvette.
"So bakit nga wala kang boyfriend? himala ata ah." tanong ni Yvette, i just rolled my eyes saka siya sinagot.
"I'm a changed woman " proud ko pang sabi.
Sabay na umiling si Seannah at Yvette.
"Scammer." sabay na sabi nila.
"Oh share niyo lang?" irita kong pambabara.
"Sus busy 'yan sa crush niya na nakilala sa internet lang." sabi ni Seannah.
"Agree, as always, hirap niyan dai baka sa huli saktan ka lang niyan." gatong ni Yvette, umirap na lang ako at hindi na nagsalita.
Natapos na kami kumain at bumalik sa building, binigyan kami ng peta ni prof. at this friday na agad ang pasahan, lumabas na ako ng building at inopen ang cellphone ko.
Lucas ◕ active now
Hmmm, online siya pero hindi man lang nag chachat.
Lucas is my boy bestfriend since grade 10 two years na kaming magkaibigan and i meet him in the internet, and hindi ko na maipagkakailang gusto ko na siya kahit na di pa talaga kami nagkikita sa personal at unti lang alam ko sakanya ewan ko ba yung feelings ko toward him bigla ko na lang naramdaman iyon, but hindi muna ako aamin. Ayokong masira ang friendship namin at may hiya pa naman ako sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim at chinat siya.
Lea : Lucas.
Lucas : Nag online ka na rin sa wakas.
Lea : Aba inantay mo pa talagang ako ang unang mag chat ah.
Lucas : Mukhang busy ka eh.
Lea : Hindi
Lucas : Weh? sus, scam ka Ma. Lea.
Lea : Hinding hindi ka nagkakamali HAHAHA.
Lucas : Tamo parang tanga 'to.
Lea : Tinatawag na ako nila Seannah mamaya nalang pala ulit bye!
Lucas : Sige bye.
Napahagikhik ako ng tawa dahil kay Lucas, napatingin ako sa may baba ng building dahil pakiramdam ko ay may nanonood saakin.
"Hoy bilisan mo diyan bruha." At walang pasabi ay hinila na ako ni Seannah.
Napatingin ako sa paligid ligid ko, walang tao.
"Weird"