Chapter 2

2485 Words
LEA GAYLE'S POV "Gayleee..." Tawag sa akin ni Seannah. "Oh?" sagot ko rito ng hindi tinatapunan ng tingin dahil busy akong tapusin ang peta ko. "Inom us." Hingal na sabi ni Yvette halatang tumakbo papunta rito galing kabilang building. "Ano, G?" Tanong ni Seannah na nakahalukipkip habang iaantay ang sagot ko. "Sige lang, It's been a while." sagot ko saka inayos ang gamit ko, legal age naman kaming tatlo so wala sigurong masama kung paminsan minsan, lamnadiz. Pumunta muna kami ng 7/11 dahil bibili muna raw ng pagkain si Yvette. "KKB ba tayo?" Tanong ko. "Ofcourse sis." sagot ni Seannah, napakakuripot talaga ng mga toh. Sumakay na kami sa kotse ni Yvette at dumaan kami ng alfamart. "Ako sa drinks." taas kamay pang saad ni Seannah. "Ayusin mo ha" sabat ni Yvette. "Yes po Architect Andrez!" Saad niya at sumaludo pa. "Tayo sa food." Sabi ni Yvette at tumingin sa akin, bumaba na kami ng kotse at namili roon. "Oy bruha? Seryoso ka mare? Hard drinks 'yan mare, jusko may pasok pa tayo bukas sa saturday kana mag gaganiyan." sabat ko ng makita kong kumuha ng hard drinks si Seannah. Umirap pa 'to at binalik ang mga 'yon bumili nalang siya ng non-alcoholic wine at binayaran na rin namin. "Saan tayo iinom?" Pagtatanong ko kahit alam ko na ang sagot. "Shunga ba you? Saan pa ba? Edi sa unit mo malamang." Expected answer coming from Seannah. "Na naman, bawal makalat ah, iba-ban ko talaga kayo." Pag-wawarning ko sakanila. Nang makarating kami sa unit ko ay dali dali nilang nilapag yung mga pinamili namin pati na rin ang mga gamit nila. "Dito nalang rin kami matulog ah ang ganda kasi talaga ng view rito kapag gabi." Sabi ni Yvette habang nakatingin sa bintana. "Syempre Tagaytay ata 'toh." Proud kong sabi saka taas babang kilay pa. "Inuman naaaaa " saka binigyan ako ng malaking baso ni Seannah at pinuno niya yon. "Lezzgooo." Umupo na kami at sinimulan nang magkasiyahan kahit kami lang tatlo. "Besh buntis na ata ako." Sabi ni Seannah habang sumusuka sa lababo. "Boba, walang papatol sa'yo HA HA." sabat naman ni Yvette na naka higa na sa carpet. "Pareho kayong boba, ininom niyo yung hard drinks sabi ko naman e huwag diba, pa tanga tanga niyo 'yan napapala niyo, para saan pa ang nabiling non alcoholic drinks" panenermon ko sakanila kasi akala ko nabalik ni Seannah ang kinuha niya may itinago pala. Inayos ko na ang unit ko dahil sa sobrang kalat, hinila ko na rin sila Seannah at Yvette sa kwarto ko at pinahiga, master's bedroom naman 'yon kaya malaki at malawak din ang kama. Pagkatapos noon ay nagkape na muna ako saka nag online. Halos mahulog ang cellphone ko kakavibrate sa rami ng message ni Lucas sa akin. Lucas ◕ active now Lucas : Ingat sa pag uwi. Lucas : Daming gorls dito sis ang haharot nila. Lucas : Bumibili ako ng gamot rn. Lea : Lucas, I'm here, kakatapos ko lang mag submit ng mga kailangan isubmit. Lucas : imissyou Iba ang impact sa akin ng 'imissyou' ni Lucas hays ewan ko ba, bakit ka ba kasi ganyan Lucas masyado ka namang pafall eh, panindigan mo dapat ako. Lea : Kakatapos lang namin mag inom, bagsak mga kainuman ko. Lucas : hbu? Lea : Tipsy. Lucas : Can I call? Lea : Number o dito sa mess? Lucas : Messenger ofcourse as usual, 2 years na tayo magkaibigan, until now di mo pa din binibigay number mo, masyado kang papeym, preny. Lucas Akiro Lopez is calling.. "Hello" 「 hi 」 His voice is too manly and deep ang husky pa parang bagong gising lang siya dahil sa boses niya. "Kakagising mo lang ba?" Pagtatanong ko sakaniya. 「 yes, kamusta ka? 」 "I'm fine."a sagot ko saka kinagat ang lower lip ko. 「 your voice sounds like a chipmunk 」 "Nang aasar ka ba?" Irita kong tanong. 「 HAHAHA yes, chill, your voice is actually so angelic ibang iba sa ugali mo 」 "Luh anong connect." pambabara ko. Tumawa lang siya, luh boang wala naman talagang connect eh. 「 where are you? 」 "Nasa unit ko, ikaw ba?" 「 Vacation, nasa lola ko 」 "Ahh" 「 it's already 11pm you should sleep na 」 "Hmmm" humikab ako "Tama ka nga, binanggit mo kasi." 「 goodnight 」 "Goodnight" 「 sleep well and have a sweet dreams」 Pinatay ko na ang tawag saka pumunta sa kwarto at humiga sa gitna ni Seannah at Yvette. Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko, at agad ko tong pinatay. Randam ko ang mabibigat na kamay sa may tummy ko, nakayakap pala ang dalawa sa akin. Agad kong dinahan dahang inalis ang mga kamay nila at tumayo. Pumunta ako ng kitchen at tiningnan ang refrigerator, kinuha ko ang tatlong itlog at tocino, nag saing na rin ako at naghanda ng toasted bread at nilagyan ng nutella. Pagkatapos lutuin ang mga 'yon ay hinanda ko na. Pumunta ulit ako ng kwarto para gisingin ang dalawa. "Hoy mga señorita, bangon na po at malate pa tayo nito." pag gigising ko sakanila, binuksan ko ang kurtina para matamaan sila ng sikat ng araw. "Ano na mga mare at inday gising na sabi." saad ko saka pumunta nalang muna sa CR para maligo. Paglabas ko ay nakaupo sila sa sofa at kumakain ng tinapay at nagkakape. "Grabe sakit ng ulo ko." Pagreteklamo ni Seannah. "Sino ba namang tangang iinom ng hard drinks e alam namang maaga pa ang pasok kinabukasan?" Panenermon ko. "Ako slight lang." sabat naman ni Yvette. "Slight na tanga?, nice, tanga ka pa rin"urat kong sabi at umirap pa. "Bilisan niyo na magasikaso at 7:14 na malayo layo pa ang biyahe natin papuntang Atienza." Asar kong saad sakanila dahil bibihira lang ako malate lalo na pag gantong nga sitwasyon. "9:30 am start ng Class natin ngayon Gayle." saad ni Seannah. "Kahit na, ikaw ba Yve?" Tanong ko kay Yvette. "8:30 am" sagot niya at nagkamot pa ng ulo. "See, oh siya mag si asikaso na kayo, at sabay sabay na tayong papasok." sabi ko saka kumain na. Pagkatapos ko kumain at mag toothbrush ay pumasok na ako sa kwarto at isinuot ang uniform ko, dinala ko lahat ng gagamitin para sa lulutuin namin mamaya. Nag ayos na rin ako ng sarili at blinower ko ang buhok ko saka nag suot ng Contact lense na may grado dahil malabo na ang mga mata ko. Nag lagay ako ng primer at light blush on at nag kilay saka nag liptint. Mukha na akong tao, jk pagkalabas ko ng kwarto ay naka ayos na rin sila. Bumaba na kami ng unit at saka pumunta sa parking lot. "Saan muna kayo mamaya?" Tanong ni Yvette ng makasakay kami sa kotse. "Cafeteria." sagot ni Seannah. "Tatapusin ko yung peta mamaya na ipapasa e." sagot ko "Btw tapos mo na ba ang peta mo?" Tanong ko kay Seannah. Tumango lang to saka umidlip halatang may hangover pa. Beep.. Lucas: Goodmorning, Ingat sa school :)) -lucassuperduperpogi Wow himala nag first move na, pero saan niya kaya nakuha number ko?Medyo napangiwi ako sa watermark ng text niya ah. Lea: Teka nga, Saan mo naman nakuha ang number ko? parang kagabi lang di mo alam ang number ko ah? Lucas: Sikretong malupet bawal ibulong. Lea: Malupet talaga kapag blinock ko number mo, gusto mo yun? Lucas: Joke lang e, hinulaan ko lang boss. Lea: Liar, pinagloloko mo ba ako Lucas? Gusto mo sapak through text?! Tinago ko na ang phone ko at bumaba ng kotse ni Yvette kasi ipapark niya pa yon at pupunta na rin sa building niya. Tinapos ko na ang peta ko, 8:53 am na kaya naglakad na kami papuntang building. Sabay sabay naming pinasa ang peta at nag lunch na. "Gayle, may gusto raw kumausap sayo." tawag saakin ng kablock mate ko. "Sino yan? Di ako nagpapautang." Pabirong tanong ko, natawa siya at nagkibit balikat na lang at tumuro sa may pintuan. Lumabas ako at bumungad saakin ang hindi ko kilalang lalaki. "Hi" bati niya saakin. Moreno, matangkad tapos gwapo at matangos ang ilong at naka brace tapos makapal ang kilay. "Hello?" Alangan kong bati. "I'm Joshua, you can call me Owa, Crimonology." saka niya inabot ang kamay niya. Tinanggap ko naman 'to. "Lea Gayle, just call me what you want." pagpapakilala ko rin dito. "Nga pala ano kasi uhmmm, may favor sana ako." kamot batok niya pang sabi. "Ah ano 'yon?" Pagtatanong ko "Free ka ba tomorrow?" Pagtatanong naman niya, ayos toh ah. "Uh umaga? Oo pero gabi hindi mag iinuma-" He cut me off. "Umaga, sige umaga sa Fora Mall nalang tayo mag kita bye, thank you." saad niya saka nagmamadaling umalis. Naiwan akong nakanganga. "Hoy sino 'yon?" Tanong ni Seannah. Nag kibit balikat nalang ako. Bumaba kami ng building para mag lunch, habang kumakain ako pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. "Oy teh yung guy na gwapo oh tinititigan ka." sabat ni Yvette. Tumingin ako at tama nga siya, siya pala nakatingin saakin agad 'tong kumaway sa akin pero binigyan ko lang ng tipid na ngiti. "Feeling ko type ka non." bulong na saad ni Seannah. "Feeling ko rin." gatong naman ni Yvette. "Baka friendly lang naman." Pag dedefend ko ayoko rin maging assumera noh, hirap pa naman magmukhang tanga. Nagpresent na kami ng aming niluto, nagluto kami ng cupcake at okay naman kinalabasan saktong sakto lang tapos masarap pa, pagkatapos noon ay bumaba na ako ng building mag isa dahil sabi ni Seannah pupunta lang siya saglit sa library. "Hey, Gayle." tawag saakin ni Joshua. "Oh, ikaw pala." saad ko saka tiningnan siya. "Tuloy bukas ha, 10 am." sabi nito na tila naeexcite pa. "Ah oo sige." pagpayag ko with tango tango pa. "Asan friends mo?" Pagtatanong niya na nakakunot pa ang noo. "Ah yung isa, nasa library may kinuha lang saglit. Yung isa naman nasa parking lot na." sagot ko sa tanong niya. "Sasabay ka sakanila? I can give you a ride." pagpepresenta niya na ipinagtaka ko naman. "Oo e, pasensya na thank you nalang" mabait na sagot ko, patient lang Lea. "Sayang naman, osige see you tomorrow." Pamamaalam niya na disappointed pa saka pumasok sa kotse niya at umalis. "Uyy may date siya yieeee." pang aasar ni Yvette. "Boba hindi date 'yon" pagdedepensa ko. "Boba it's a date" biglang sabat ni Seannah saka sumakay sa kotse. Lucas Pangit is calling you... "Hello" 「 Hi Lea」 "Napatawag ka?" 「 I just missed your voice 」 "Ampochi parang tanga." Sabi ko at kinagat ang lower lip ko para pigilan ang pag ngiti. 「 I'm dead serious 」 "Oh hi dead serious nice to meet you I'm Gayle." Pagpapakilala ko na halatang nang aasar. 「 tsk where's Lea and Maria, anyways asan ka? 」 "Lol I'm Lea Gayle, Yvette's Car." 「 oh really? as far as i know last time i checked your birth certificate your name wads Maria Lea Gayle Mendoza? Anyways keepsafe. 」 "Aba ang kapal magsasabi na nga lang ng keepsafe kailangan pang mangasar yawit ka rin ano? Sabing don't use my first name." i said na may pagkairita sa boses. 「 Your name suits you well, you're beautiful like your name 」 "Pft, ako na nga lang yes sir kami pa ba magiingat kami." Biglang singit ni Seannah. 「 W-wait what? Naka loud speak 'to? 」 "Oo bobu HAHAHA" 「 damn it 」 "Damn it ka rin nangangailangan ka ba ng damit? Ano taghirap ka na?" Pang-aasar ko pa. 「 Sige na ingat kayo bye 」 Agad niyang In-end ang call nahiya ata HAHAHA natawa namin kaming tatlo. Bigla naman akong napasulyap nalang sa labas at pagkatapos chineck ko ang f*******: ko. May new friend request, chineck ko at si owa ata 'to. Inaccept ko na baka sabihin hindi ako nang aaccept. Nagulat ako ng tumunog ang phone ko. Joshua Kyle Garcia : 10 am :)) Sineen ko nalang dahil tinatamad ako mag reply. Masyado sitang excited at nakailang ulit yung totoo, anong habol niya sa akin? Pagkahatid sa akin nila Yvette at Seannah ay agad silang nag paalam para umuwi sa sari sariling lungga. Pagkapasok ko ay nagluto ako ng adobo at naglaba ng mga damit ko, tumawag si Dad at sinabing bukas darating ang binili nilang kotse para saakin. Nag open ako sa telegram para icheck mga chats nila sa gc. Andrei : oy guyz pauwi na ako galing dasma saan pwede umuwi :(( Yvette : bakit ngayon ka lang? Seannah : Kay Gayle ka nalang mag isa lang naman lagi yan sa unit niya. Lea : Pwede ka dito gabi na alam ko namang si Andrea ka pag gabi atsaka ayaw naman kitang makita sa lansangan matulog. Andrei : punyeta ka ghorl pero thankyou otw na ako. Lea : ay ngayon na pala? Andrei : tanga oo kailan mo gusto sa susunod na bukas? salubungin moko maya maya. Lea : Awts gege sure kang di mo plinano toh ah, mukgang readyng ready ka ah. Nag out nako saka naghalf bath muna baka maya maya e darating na si Andrei, nagsuot na ako ng short tas oversize tshirt, nilock ko ang unit ko saka bumaba. Pagbaba ko e saktong dating naman ni Andrei sinalubong ko si bakla. "I miss you baklaaa." saad ko at niyakap pa siya. "Namiss din kita pero tara na pumasok na tayo inaantok na ako huehue." pabebe niya pang sagot. Sumakay na kami ng elevator at pumasok sa unit ko, doon siya sa guest room dumiretso at ako namang mabait sa bwisita ay natulog na rin ako pagkatapos. ■ Naligo na ako 9:20 am na at naalala ko na mag kikita nga pala kami ni Joshua, pagkatapos ko maligo ay nag ayos na muna ako. Nag light make up ako, primer tapos light blush at nag curl din ako ng eyelash at nag kilay tapos nag liptint. Sinuot ko yung white sando top at ang high waisted short maong at nag white fila shoes ako. Sinuot ko na ang contact lense ko saka bumaba ng unit. Dinala ko na ang susi aalis din daw kasi si Andrei eh. Nasa baba na ang kotse ko dinala ng katulong ni dad. Nag aral ako mag drive noon kaya marunong ako at isa pa meron nakong license. Nag drive nako papuntang Fora ng makarating doon, agad kong inopen ang messenger ko. Lea : Asan ka na? Joshua Kyle Garcia : Second floor po. Tumaas ako papuntang second floor at nakita ko siya roon naka tayo naka polo plain tapos short at naka shoes. Tumingin 'to saakin at kumaway, lumapit ako sakaniya. "Bumili ako ng ticket nood muna tayo sa sine." yaya niya sa akin. Pagkatapos namin mag sine ay bumili muna ako ng fries and drinks sa tabi noon saka kami bumaba para mag libot at mamili. Habang naguusap kami ni Joshua, na patingin ako sa labas. Agad nanlaki ang mata ko sa nakita ko, di ako maaring magkamali. "Lucas"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD