Chapter 3

2389 Words
LEA GAYLE'S POV Pagkatapos ako ihatid ni Joshua, uminom agad ako ng tubig. Hindi parin mawala sa isip ko yung nakita ko sa mall kanina, sure na sure ako na si Lucas 'yon. Lea : Hey, nasa Fora ka kanina? Huminga ako ng malalim at uminom uli ng tubig, pumunta ako sa kama at umupo. Lucas : Nope, why? So? Hindi nga? Sino yung nakita ko? Baka namalikmata lang ako, since sa picture ko pa lang siya nakikita. Lea : Ah wala nvm. Tumayo na ako at nag ayos it's already 7pm, sa condo raw ni Seannah kami mag iinom ngayon, she also invites her boyfriend's friends. Ayos na rin 'yon the more the merrier. Sinuot ko ang black fitted dress ko at sandals, nag lagay ako ng make up at nude matte lipstick. I also curl my hair and viola I'm done preparing. Nag chat na ako sa gc to inform them na I'm on my way. Nauna si Andrei doon dahil dun pala siya pumunta kanina. Bumaba na ako at umalis. "OMG you're here naaa." Seannah giggles. "Ay hindi wala pa, doppleganger ko lang talaga 'to." pambabara ko "Che! What evah." she rolled her eyes saka ako hinila papasok. Malaki naman 'tong condo niya, umupo ako sa couch at tinitingnan ang mga tao ron. Karamihan sakanila ay hindi ko kilala siguro ito ang mga kaibigan 'to ng bf niya. "Hey." May lumapit sa aking, aminin na natin na isa siyang 'cute guy.' "Hi" bati ko pabalik. "I'm James, you?" Simpleng pagpapakilala niya. "I'm Gayle." pagpapakilala ko rin saka nakipag shake hands. "I like your dress." saad niya saka tumingin sa may bandang dibdib ko. Bakla ba 'to? o manyak? "Uhm thanks?" Alangan kong sagot. Sinubukan niya akong akbayan pero biglang nag ring ang phone ko. Nice one Lucas! Lucas is calling you... "Sorry, excuse me, sasagutin ko muna 'to." sabi ko saka tumayo at lumipat ng pwesto. "Hi" sagot ko. 「 where are you? 」 "Naka Seannah mag iinom why?" 「 Ah , Ano oras ka uuwi? 」 "I don't know pa e." 「 Keep safe, and drink responsibly 」 Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya daig niya pa si Daddy and isa pa hindi na ako bata noh. "Yes sir." saka ko inend ang call. "C'mon Gayle let's get drunk whoO.o" saad ni Seannah saka binigay sakin ang tequila. Kinuha ko ito at pumunta kela Andrei. "Uy bakla" bati saakin ni Andrei. "Lasing na ba 'yang si Seannah?" Tanong ni Yvette. Nagkibit balikat nalang ako, mukha namang lasing na e. "Wait lang mga bakla may hot guy oh" saad ni Yvette. "Luh pusanggala pulandit ka na ngayon ha." sabat ni Andrei. "Bobita ngayon lang 'to sabi nga nila grab the opportunity na agad diba." sagot ni Yvette saka naglakad papunta roon sa sinasabi niyang hot guy kuno. Napailing nalang ako at uminom. "Besh are you shure you're not drunk yet?" Tanong ni Seannah saakin. "Hmm tipsy lang, tipsy." sagot ko saka tumawa ng mahina halos masuka ako dahil umiikot paningin ko. Agad akong humawak sa hindi ko kilalang lalaki. "Lumilindol ba?" Tanong ko sakaniya pero blur na siya kaya hindi ko maaninag. "Miss you're already wasted." saad niya saka tinulungan akong tumayo. "Lol, I'm not wasted HAHAHA" "Bro, adiyan na siya. Ibigay mo na si Gayle sakaniya." Naramdaman kong may humawak saaking isa pang lalaki, hmm he smell so good. "You! Hard headed." panenermon niya. "Mamamo hard headed, shino ka ba? Hindi kita maaninag eh." saad ko at pilit tinitingnan ang mukha niya. Pinitik niya naman ang noo ko, at dahil sa nasusuka na ako pinili ko nalang matulog. Bahala siya riyan, i feel safe with him kung sino man siya. Kinapa kapa ko ang higaan ko, malambot. Niyakap ko ang unan saka minulat ang mga mata ko. "Ah sh!t what the heck ang sakit." napahawak ako sa ulo ko sobrang sakit. Napatingin ako sa paligid ko. Nasa condo na pala ako, Wait? Put Tank In A? Paano ako nakauwi rito mag isa? Isip... isip... brainstorm! punyeta sanaol si Jimmy Neutron, ni isa wala akong maalala. Tumayo ako at pumunta sa lababo at sumuka, nag hilamos na ako at nag mumog. Napatingin ako sa kalendaryo, 1 week nalang graduation na namin, College na ako. Pumunta na ako sa kitchen at nag toast ng bread at kumain, pagkatapos niyan tinapos ko ang kailangan tapusin. Napatingin ako sa clock, 3pm na pala. Lucas : Gawa mo? Lea : Wala na, natapos na lahat ng mga ginagawa ko. Lucas : Pahinga kana. Lea : Nagpapahinga na ako rn. Lucas : Kamusta pakiramdam mo? Napatigil ako ng mabasa ko 'yon, I suddenly felt weird. Lea : Ayos na naman, bakit mo naitanong? Lucas : Sabi ng friend mo sa akin you're really wasted kagabi. Lea : Ah HAHAHA naniwala ka don?, scam 'yon. Tipsy lang ako 'no. Napakamot ako sa batok ko ano ba namang palusot 'to. Lucas : Tipsy huh? Lea : Psh, Edi 'wag ka maniwala nagtanong ka pa. Nilapag ko ang phone ko at nag nood nalang ng movies ang boring ng life dito, ang boring mag-isa. Biglang nag ring ang phone ko, tumatawag si mommy. "Hi, Mom." Bungad ko. 「 Maria, we need to talk to you 」 Tanging sila mommy lamang ang hinahayaan kong tumawag sa akin ng Maria. "Para saan po?" 「 basta we talk about it here, later, papasundo ka namin dyan 」 "Oh, okay sige po." Inend na ni mommy ang call kaya nag ayos na ako. I wear something formal. Pagkababa ko ay saktong nandito na ang susundo sa akin. Nakarating na kami sa Silang which is kala mommy andito ang main house namin eh. "Maria." sinalubong ako ni mommy ng yakap atsaka hinalikan ang pisngi ko. "Hi Mom." I gave her a small smile. Pumasok na kami at nakita ko sila Auntie at ang pinsan ko. "Ma. Lea Gayle Mendoza." Bati saakin ng cousin ko. "Hello Patrick Luis Mendoza." Napangisi ako ng makita kong nag iba ang aura niya he really don't like calling by his full name, same lang kami, gantihan lang yan mare. "Hi." bati nung kasama ng pinsan ko. I just gave her a look, saka umupo. "Maria, next week graduation mo na, napag desisyonan namin na sa AMU ka ipasok sa college." paninimula ni mommy na ikinakunot ng noo ko. "AMU?" Naguguluhan ako saan ba yang AMU? gusto ko sa Atienza padin dito sa Manila. "Atienza Mindanao University." sagot ni Auntie. Agad nanlaki ang mata ko, luh ang layo noon sa Atienza Manila ah, sobrang layo as in. Parehas lang naman na Atienza bakit sa probinsiya pa, wala akong kilala doon. "Wait what? So saan ako mag sstay niyan?" Tanong ko kay Mommy. "May apartment ang daddy mo roon at pwede ka rin mag stay sa Auntie mo" pagpapaliwanag ni Mommy. "Saan banda yung AMU?" Curious ako eh, wala din naman akong magagawa once na magdesisyon na sila. "Bukidnon." sabat ng pinsan ko. "Bakit ko kailangan pang lumipat? Same school lang naman ah ibang place nga lang." Tanong ko kay mommy. "For some reasons." nag kibit balikat siya. Tumango tango na lang ako dahil wala na akong magagawa kapag si Mommy na ang nagdesisyon. Afer that nag dinner na kami saka hinatid ulit ako pabalik sa condo ko. Agad akong nag open para iinform ang mga kaibigan ko. Lea : bijjes, may sasabihin ako:( Yvette : what is it? Seannah : ano yun? Bat sad ka? Andrei : what's the tea sis? Lea : lilipat ako ng bukidnon after graduation:((( Andrei : wtf Seryoso? Seannah : eh? Hala! Bakit!? Yvette : sad naman sama ako:< Lea : Doon daw ako mag cocollege, Ewan ko biglaan nga eh, same school namam diff. Place nga lang baka about business din to? Seannah : baka nga Andrei : kabayo Yvette : pinagsasabi mo bakla? Lea : nabanggit ni daddy na magpapatayo sila ng resort dun e. Seannah : bibisita na ba kami? HAHAHA Andrei : boba sis wala pa naman, magpapatayo palang. Andrei : o gusto mong ikaw nalang ang i patayo Seannah : che bakla Andrei : che babae Yvette : sent a photo. ╰─►3 HAHA reacts Lea : Bwiset ka talaga HAHAHAHA Seannah : handang pagtawanan talaga eh maging masaya lang aaang atmosphere. She sacrified her dignity just to make us smile HSHSHSHS she sent one of her funny stolen photo. Yvette : kayo kasi ni bakla eh, atsaka tbh nalulungkot lang naman ako sa sinabi ni Gayle, sis hindi ako sanay na di tayo kumpleto ngayon na nga lang uli eh kasi dumating si bakla eh, basa na naman ng isa tapos si Gayle pa. UwU Seannah : oh pasensya na, same lang tayong lahat sis. Andrei : agree:( Lea : Aww, kakatouch naman Yve balak ko sanang magrebelde para sainyo kaso knowing me, mabait ako. Andrei : oh mabait naman pala si bakla, wala bang pa despidida diyan? Lea: fine sa papa doms tayo after graduation. Seannah : yun oh, sagot mo lahat? Lea : malamang boba, kung ayaw niyo edi wag madali lang akong kausap Yvette : yown pagpalain ka nawa. Andrei : dabest Nag out na ako saka naghalf bath pagkatapos noon ay nakatulog na agad ako. ✩ ˚✧ ˚ ✩ Nagising ako around 8:45 am dahil mag go-grocery ako pumunta ako ng alfamart at bumili ng mga ingredients para sa aking lulutuin pagkatapos nun ay bumalik na ako ng condo. I cooked kare-kare, tinext ko ang mga kulugo kong mga kaibigan para kumain sa unit ko coz y not coconut. ✩ ˚✧ ˚ ✩ Ilang days na nagdaan at isang araw nalang graduation na namin nag ka roon kami ng pictorial. "Siztur" tawag saakin ni Andrei. "Oh, Bakit?" Sagot ko rito habang naka tingin sa laptop. "Sama kami." humawak pa sa braso ko. "Baliw bawal, saka uuwi rin naman ako dito kapag summer." Natatawa ko na lang saad. Agad lumapit si Yvette saakin. "Diba malapit don si Teo? Tingnan mo ron tapos sabihin mo saakin ano itsura sa personal." Nag taas baba pa ang mga kilay niya. "Pake ko sa ex mo, ikaw pumunta mag meet nalang kayo." Pambabarang sagot ko "Ih Ayoko tanga may girlfriend na nga ata 'yon." pagdadahilan niya. "May girlfriend na pala eh move on move on din" sagot ko sakanya. "Sinetch itey na ex mo gorl?" Tanong ni Andrei. "Mateo Guevero" sagot naman ni Seannah. "YiEee Mahal mo pa gorl?" Pang aasar na dagdag ni Seannah. "Mga tanga may jowa na 'yon." saad niya saka tumayo. "Luh ang layo ng sagot sa tanong, inulit mo pa ang sinabi mo kanina." sabat ko saka umiling iling. "Indenial." sabay na sabi nila Seannah at Andrei. Tawa ako ng tawa sa expression ni Yvette halatang guilty si tanga. Marupok ka gorl? Biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Lucas. "Hi, napatawag ka?" Bungad ko 「 bawal? 」 "Hindi naman, may sinabi ba ako?" 「 may flight ako ngayon 」 "Pauwi?" 「 Oo 」 "Ingat ka besh." 「 tss, Thank you 」 Inend ko na ang call at niyayang kumain ang mga bwisita ko. After nila kumain dito ay umuwi na sila agad. Bukas na ang graduation namin kaya natulog na rin ako. ✩ ˚✧ ˚ ✩ Minamake upan na ako habang kinucurl ng Auntie ko ang buhok ko. Medyo wavy ang kinalabasan niya. After noon ay pumunta na agad kami sa university. "Congratulations!!!" Bati sa aming lahat. "Uy congrats saatin." bati ni Andrei. "Hoy ehem papa doms." pagpaparinig ni Seannah. "Oo na teka, saglit lang." lumapit ako kala Mommy. "Mommy, pupunta kami ng papa doms doon na kami mag cecelebrate." pagpapaalam ko, tinanguan naman ako ni Mommy. "Ingat kayo sweetie, congrats uli, pasabi din sa mga kaibigan mo na congrats magpatuloy pa silang maging mabuting kaibigan sayo." Nakangiting saad ni Mommy niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge. "Salamat Mommy, Ingat rin kayo." Binigay niya na sa akin ang wallet ko, hinubad ko ang aking toga saka bumalik kala Andrei. "Arat naaaa" hinila na kami ni Yvette. "Cheers" "Cheers" "College na tayo guys pero dugyot pa rin kayo hahaha." pang aasar ni Seannah "Mama mo dugyot." sabat ko at nagtawanan lang kami. "Sana mag ka boyfriend na ng totoo si Seannah!, cheers!" Saad ni Andrei at nagtawanan na naman kami. "Cheers!!" San mig lang Inorder namin at foods, puro fries ang tinarget ko. Bawal masyadong mag lasing kasi may flight ako bukas sabay sabay kami ni Auntie, si Daddy andon na kahapon pa. After namin mag saya ay umuwi na rin kami agad, 8pm na rin mag aayos pako ng mga gamit ko. Pagkabalik ko ng condo ay nag impake agad ako saka natulog. Nagising naman ako kinaumagahan sa tunog ng phone ko. Si Auntie lang pala tumatawag. "Oh, hello Auntie." bungad ko. 「 Ready ka na ba? Magayos ka na kasi susundin na kita 」 "Roger that." pinatay ko ang tawag saka nagasikaso at naligo na. Nag suot ako ng puff sleeve crop top at maong short at white adidas shoes, saka sinuot ang sling bag ko at hinila ang maleta. Bumaba nako ng building, at nakita ko na si Auntie naghihintay sa loob ng kotse. Bumiyahe na kami papuntang airport, sobrang boring sa byahe kaya tinext ko nalang si Lucas. Lea : Hoy It took 5 minutes bago siya nakapag reply . Lucas : Kakatapos ko lang mag gym, bakit? Lea : Nothing papunta na akong Bukidnon. Lucas : Wow, really? Lea : Oo Bakit? Lucas : Nothing, keep safe :)) Umidlip na muna ako. Nagising ako sa tapik ng auntie ko. "Labas na diyan." agad akong tumayo at sumunod sakaniya. Nag antay kami ng 20 mins bago maka punta sa eroplano. First time kong sumakay dito agad akong tumingin sa bintana ng maramdaman kong lumilipad na. Mukha akong tangang manghang mangha sa nakikita ko. Medyo mahaba raw ang byahe kaya natulog nalang ulit ako. "We're here." panggigising ni Auntie saakin halos masilaw ako ng makalabas kami ng eroplano. Hindi ako sanay sa init dito, sumakay ulit kami sa van para makarating sa Valencia. Lea : Nasa Bukidnon na kami Lucas : Nice Lea : Mamamo nice "Andito na tayo" masayang saad ni Auntie. Agad akong tumingin sa paligid, ang ganda pati bahay ni Auntie ang ganda. Nag unat unat ako saka lumabas ng van, huminga ako ng malalim. "WELCOME TO BUKIDNON"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD