LEA GAYLE'S POV
Pinuntahan namin ni Auntie ang apartment na tutuluyan ko, nilibot niya rin ako rito sa Valencia pero hindi ko parin makabisa ang mga daan na sinasabi niya, okay na 'yon uso naman waze diba.
"Pasok ka na, mamimili lang ako ng grocery tapos yung kotse mo ipapasabay ko na rin sa grocery si manong Peter na ang magdadala dito ng lahat ng kailangan mo." She explained.
Tumango nalang ako bilang tugon at pumasok ako at nilibot ang tingin, malaki rin pala dito at maganda may aircon na.
Agad akong pumunta sa kwarto, isang master's bed at may desk na rin doon kung saan pwede ako mag aral. May salamin sa may corner ng kwarto ko at may mga fake plants sa may gilid ng bintana. Beige ang kulay ng pintura kaya napaka aliwalas tingnan.
Agad akong nag open ng telegram.
Lea : I'm here na.
Andrei : sana all :((
Yvette : Ingat ka riyan miss kana agad namin :((
Seannah : uwi kana iinom pa tayo.
Napatawa ako napaka alak lover talaga neto ni Seannah, sabagay mataas naman ang alcohol tolerance niya. Sakto lang yung saakin.
Seannah : andito sila ngayon FaceTime tayo.
Lea : sige sige
Sinagot ko ang tawag ni Yvette at bumungad saakin si Seannah, nag aagawan pa sila sa isang cellphone.
「 we miss you na 」maluluhang sambit ni Seannah.
「 Ingat ka riyan, balitaan mo'ko kapag may gwapings pupunta talaga ako jan asap 」saad naman ni Andrei
Bakla talaga tong bwiset na toh.
"Oo na, mag ingat rin kayo diyaan chat chat nalang tayo." sabi ko at nagsitanguan naman sila.
Kwinento ko sakanila ang buong byahe ko, amd expected bored na bored sila sa kwento ko.
"Oh siya maliligo na ulit ako at matutulog na. Tama na kakainom Seannah ha mamamatay ka ng maaga niyan tamo." Panenermon ko kay Seannah.
「 minsan nalang mahal ko pa buhay ko noh pati rin si Rocco 」 sabi niya saka kumaway na silang tatlo.
Nag out na rin ako pagkatapos noon. Niligpit ko lahat ng gamit ko, nilagay ko sa walk in closet ang mga damit ko. In-arangge ko ng maayos ang sandals and shoes ko. Pagkatapos noon ay nag half bath nalang ako at nag suot ng ternong hello kitty na pang tulog.
Nakareceive ako ng text kay manong Peter. Nasa labas na raw ang mga kailangan ko, kaya pinapasok ko sakaniya ang mga groceries. Sobrang dami naman nito as in kompleto na lahat ng kakailanganin ko pwede ko na patirahin asawa ko dito. Jk wala nga akong jowa asawa pa kaya.
Biglang sumagi sa isip ko si Lucas, kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya.
"Hii" bungad ko sakaniya.
「 hello Lea, kamusta? 」
"Nasa Valencia na, ayos naman nahinga pa rin." sagot ko habang inaayos ang mga groceries.
「 Good to know then, nakapag enroll kana ba? 」
"Mag tetake pa ako ng entrance exam." nilagay ko ang itlog sa mini tray saka nilagay sa ref.
「 ah, 」
"Ahtdog"
「 I want to meet you in person 」 he suddenly said.
"Same, pero parang lagi naman kita nakikita nung nasa Tagaytay pa ako ewan ko ba kung namamalikmata lang ako o ano."
「 wow, sana all baka spirit ko 'yon or doppleganger 」 He joked.
"Mamamo spirit at doppleganger." inayos ko ang mga toyo, mantika at iba pang mga pang luto.
「 pero seryoso, gusto na kita makita 」
"Pero sabi mo diba? after ko mag graduate ng college" Pag papaalala ko sakaniya.
「 nag babago isip ko e 」
"Wow hahaha sana all may isip."
「 shut up 」pikon na sagot niya sa akin kaya humagalpak ako ng tawa.
"Ampanget mo mag sss, iisa lang ang picture. Sa i********: naman puro aesthetic feeds mo."
「 mas panget ka 」
"Oh tapos sher mo lang." niligpit ko na ang mga paper bags.
「 May kailangan pa akong tapusin, Goodnight na 」pagpapaalam niya.
"Okie dokie, Goodnight."
Inend ko na ang call at nag luto ng dinner ko, ako lang naman kakain kaya pancit canton nalang muna with boiled egg. Kumuha ako ng coke for drinks, heaven!
After ko kumain napagdesisyunan ko nang matulog.
Kinaumagahan lumabas ako para mag jogging it's so nice being here in Valencia pagkatapos ay pumunta ako ng Jollibee para doon nalang kumain dahil tinatamad ako mag luto.
My gosh future chef ka tapos tamad, ayos yan Maria uunlad ka sa katamaran mo.
Umorder na ako ng pagkain at umupo sa dulo.
"Can I sit here?" Tanong ng guy saakin kaya napatigil ako sa pagkain para tingnan siya.
"Oh sure." pagtugon ko sakaniya.
He smiled at me saka umupo at inayos ang food niya.
"Btw I'm Callen." pagpapakilala niya.
"I'm Gayle."
"Nice to meet you." ngumiti siya saakin kaya nginitian ko lang din siya.
"Ikaw yung kasama ni tita Isabel diba?" Pagtatanong niya.
Tita Isabel? Tita niya ang Auntie ko?
"Tita mo rin si Auntie?" I asked.
"Oh, nope she's my mom's friend I just call her tita." pageexplain niya.
Tumango tango ako bago magsalita ulit.
"Ah, yes Auntie ko siya." Sabi ko.
"Bagong lipat ka?" Tanong niya ulit.
"Oo e, dito ako mag ccollege" pagkekwento ko naman.
"AMU?" Tanong niya kaya na patingin ako sakaniya.
"Yep," with tango tango pa ako.
"Nice, same tayo, 2nd year na ako sa pasukan." pagkekwento naman niya.
"Ohh, anong course mo?" I asked.
"BSc Architecture, Ikaw ba?"
Ohh nice Architect same sila ni Yve.
"BShrm." I answered while munching.
"Ohh nice mag chef ka niyan?" Tanong niya.
Tumango lang ako at inubos na namin ang foods namin saka lumabas.
"Nice to meet you, see you sa pasukan." he said saka nag wave saakin.
Tinanguan ko lang siya at sumakay na sa kotse.
Months passed, sobrang boring ng life ko. Wala ang mga friends ko dito mukha tuloy akong loner. Hindi rin naman ako masiyadong friendly eh atsaka mapili ako sa kaibigan kaya ayan unti lang sila.
Almost a week nalang ay mag sstart na ang college life ko. Busy na rin palagi sila Seannah minsan nalang kami magkausap usap. I want to go back in Tagaytay, i pouted.
Nakapag take na ako ng entrance exam at enrolled na ako roon, may mga gamit na rin ako kasi ni ready na ni Auntie Isabel lahat.
Lumabas ako para mag lakad lakad lang mamaya mamimili ako ng make ups ko.
Muntikan ko ng mahulog ang phone ko ng mabangga ako ng isang lalaki. Halos mamamatay ako sa kaba dahil akala ko masisira ang phone ko, iPhone pa naman 'to maganda nga pero sobrang mahal kaya nganga pag nasira.
"I'm sorry miss, my fault." paghingi niya ng tawad.
Tinapunan ko lang siya ng tingin at naglakad na ulit. Kainis naman, lahat nalang ba ng tao weirdo ngayon?, huminga ako ng malalim at bumalik na sa kotse.
Bigla namang tumawag si Lucas sa'kin.
"Oh" bungad ko.
「 Are you okay? 」Tanong agad niya agad naman nangunot ang noo ko dahil don.
"Uh, pro'lly?"
「 tss it is yes or no? 」
"Ofcourse yes, Bakit naman magiging no diba?"
「 good to hear that 」
"Bakit kaba napatawag?"
「 boring dito 」
"Dito rin"
「 yie same vibes 」pagbibiro niya.
"Che Mamamo same vibes HAHAHAHA "
「 HAHAHAHA 」
"Bibili ako ng mga make-up, ikaw gusto mo bilhan din kita?"
「 no thanks sizt I'm contented with mah beautiful face 」 pabakla niya pang sabi.
"Yuck beautiful daw, bakla mo!" pang aasar ko
「 excuse me babae lang ba pwedeng maging maganda eh mas maganda pa nga ako sayo 」
"Ha?" Kunwari e nabibingi ako sa sinabi niya.
「 panget m- 」
"How you like that!" Halos humagalpak ako ng tawa.
「 nye nye blink ka na niyan 」 saad niya.
"Tagal na, Jisoo biased kaya ito."
「 keep safe mag drive ka ng ayos mamaya kana mag phone ha 」 warning niya pa saakin.
"Yes boss bye" Sabi ko saka pinatay ang call.
Pumunta ako ng watsons at bumili ng skin care at make-up pagkatapos noon ay umuwi na ako at nag luto ng adobo, my favorite.
Pagkatapos ko kumain ay nag linis na ako ng katawan at natulog.
Busy sila Seannah nung nakaraan kaya hindi ko sila makausap, pasukan na bukas buset huhu hindi pa ako ready. Gusto ko kakausap sina Seannah kaya tumawag ako sakaniya.
「 hi!!! 」 bungad ni Seannah na basang basa ang buhok.
"Asan kayo?" I asked.
「 pool! 」she answered saka kumuha ng towel.
"Hapon na ah,"
「 masaya naman maligo ng hapon, sayang wala ka ngayon dito mas masaya sana 」 she said with teary eye.
"Tsk babalik din ako diyan sa summer."
Biglang sumulpot si Andrei na may tanduay na hawak.
「 Hi, Gayle! 」 bati niya saakin saka nag wave.
"I miss you guys."
「 goodluck sayo tomorrow! Makipag kaibigan ka ha. 」 Yvette said.
「 true, para hindi ka mukhang loner 」Seannah added.
Tumango tango ako as a response.
Kumuha ako ng chips sa cabinet at coke saka inopen ang laptop ko at nag nextflix.
Nagising ako sa sinag ng araw, nakatulog pala ako dito sa couch. Tumingin ako sa clock, it's already 7:30 in the morning. Tumayo na ako para maligo, blinower ko ang buhok ko saka plinantsa. Sinuot ko ang fuschia pink na tshirt at jeans tinuck in ko saka sinuot ang fila kong sapatos. Kumain muna ako bago mag ayos ng mukha.
Lucas is calling you...
"Hello?" Sumubo ako ng bread.
「 Goodluck 」 bungad niya.
"Thank youuu."
「 sige na eat well, tumawag lang talaga ako para igoodluck ka 」 he said saka tumawa ng mahina.
Inend ko na ang call at nag toothbrush saka nag skin care muna, I put light make up saka I curled my eyelashes at sinuot ang contact lense ko. Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim, kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng apartment at sumakay sa kotse ko.
I used my waze para makarating sa AMU, pagkapasok ko roon ay hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag libot libot ako at hinanap ang department building ko.
I don't know how to speak bisaya pero dahil matatalino naman sila, nag eenglish naman sila.
Nang makarating ako sa building namin ay tingnan ko ang schedule ko, hinanap ko na ang room ko.
Nakabunggo pa ako dahil busy ako tumingin sa paligid, nanlaki ang mata ko ng makitang kasama ang professor ko sa nabunggo ko.
"Oh my, I'm sorry prof." Paghingi ko ng tawad at nag bow pa ako because I felt embarrassed.
Nameet ko ang prof namin no'ng nag entrance exam ako at nag pasa ng mga requirements, kaya kilala ko na siya mabait naman siya.
"It's okay, Gayle." Ngiti niya sa akin.
"Ms. Ma. Lea Gayle Mendoza?" He suddenly called my full name na iknagulat ko.
"Magkakilala kayo?" Professor asked him, he nodded, wait what? how?
"Ikaw Gayle? Do you know him?" Tanong naman saakin.
Agad akong umiling dahil hindi ko siya kilala.
"Hindi ko po siya kilala." tumingin ako sa lalaki naka ngiti siya saakin.
"Bakit mo siya kilala Akiro?" Takang tanong ni prof sakaniya maski ako nga ay nagtataka.
Ngumisi lang siya.
"Ah by the way Gayle this is Akiro." pag papakilala ni prof saakin.
"Hi GAYLE, I'm Lucas Akiro Lopez." he smirked while emphasizing my third name.
Omg, Akiro? Wait what-? Lucas!?
"LUCAS??!" I exclaimed.
"The one and only, Lucas." he chuckled.
Hala, seryoso ba toh? Bakit iba ang itsura niya sa nagiisang picture niya sa sss, kaya ba ako nagkakamali tuwing inaakala kong nasa Tagaytay siya? No, kamukha nga niya sadyang matagal na ang picture niya bago siya makilala.
"Mauna na ako prof." Pamamaalam niya at tumango naman si prof saka siya umalis.
"Gayle, Tara na at maguumpisa na ang klase."
Para akong nastarstruck, agad akong sumunod kay prof nang maglakad siya.
Lunch time na at hinahanap ko pa rin si Lucas, pumunta ako sa sa gazebo at nakita ko siyang naka upo roon.
"Lucas!" Tawag ko agad dito kaya tumingin agad siya at ngumiti.
"Lea."
"Weh ikaw talaga 'yan?" I asked in amusement.
"Oo why?" Kumamot pa siya sa batok.
"Ambilis mo naman mag glow up, iba pala itsura mo sa malapitan." Sabi ko saka umupo.
"Are you happy?" He suddenly asked.
"Malamang! Nakita na kita matapos ang dalawang taon, Sinong hindi matutuwa roon." i answered excitedly.
"Good to hear that." lumapit siya saakin at ngumiti.
"Anong year ka na ulit?" I asked.
"2nd year." he answered and looked at me.
"And-" he stopped.
"And?" I asked in confusion, pabitin bitin pa bitinin ko toh eh.
"I'm your senior."
Nagulat naman ako sa katotohanan dahil buong akala ko ay same grade lang kami.