LEA GAYLE'S POV
"Congrats Group 2!"
Agad nanlaki ang mata ko ng makakuha kami ng matataas na points sa sinerve na dish ng aming grupo.6
"Congrats satin Gayle!!" I smiled to them.
Lumabas na ako at pumunta sa Cafeteria para mag refill ng tubig. Hinubad ko ang apron, mask and hair net ko.
Pinupunasan ko ang noo ko, sobrang init pinagpapawisan na ako.
"Sorry ha, init na init ka ata. Hot ko kasi." Biglang sulpot ni Lucas saka tumikhim.
Bigla akong nasamid at mamatay-matay ako kakaubo.
"Oh are you okay?" Lumapit siya saka hinagod ang likod ko.
"Bwiset ka, may sa demonyong dila ka ata eh." pinunasan ko ang labi ko.
"Grabe, harsh mo naman. Hindi ba pwedeng honest lang?" He smirked at me.
"Honest daw edi wow mamamo honest" naglakad ako papunta sa bench at umupo roon.
"Hays kapagod." nag unat unat siya saka nag dekwatro pa.
"Sobra" hinilot ko ang batok ko.
"Gusto ko nalang yumaman bigla at hindi na mag aral." he said while looking at the sky.
"Libre naman mangarap ng gising, push mo 'yan engineer." Sabi ko at tinawanan siya.
"Grabe, engineer agad baka mamaya hindi matuloy excited ka kasi masiyado." tumawa siya ng mahina.
Napatingin ako sa babaeng papalapit sa amin, short hair tapos may katangkaran, chinita girl tapos maganda. Nevermind, mas maganda ako.
"Hi Akiro" bati niya kay Lucas saka ako tinapunan ng matalim tingin.
Hm I don't like her attitude.
"Uy Cloui Ikaw pala." ngumiti si Lucas saka tumayo.
"Ah Cloui, this is Ma- I mean Gayle, BShrm, 1st year." pagpapakilala ni Lucas saakin.
"And Gayle, this is Cloui. BSc Architecture, 2nd year." nilahad ko ang kamay ko pero hindi niya ito kinuha tumingin lang siya kay Lucas.
"We need to talk later, Akiro" she said saka nag walk out.
She's familiar hm. ah, oo siya yung kasama ni Patrick sa Silang. I thought she's my cousin's girlfriend, good to know na hindi. Geez ayoko ng ganiyang babae ang magiging parte ng pamilya ko no.
I smiled awkwardly.
"Pag pasensiyahan mo na 'yon Lea ha? Maldita talaga 'yon pero mabait naman." he explained.
"She likes you, right?" Tiningnan ko siya.
"Oo" he answered awkwardly.
"Ohh, sana all hahaha." Naglakad na ako pabalik sa building ko at iniwan siyang mag-isa bigla naman siyang sumunod.
"Lea, sabay tayo umuwi mamaya." nilingon ko agad siya.
"I have my car."
"Edi sayo ako sasakay, sige na abangan kita mamaya ah bye." he said saka naglakad papalayo.
Nagpatuloy naman na uli ako sa paglalakad ng mapalingon ako sa lalaking nakahulog ng towel niya, agad akong lumapit at pinulot 'yon.
"Uh, excuse me? sayo ata 'to." pag aagaw ko ng atensyon sa lalaking nakatalikod sa akin.
Mukha pa siyang nagulat at siningkitan agad ako ng mata, chinito siya kaya parang wala ng mata.
Medyo natawa ako sa reaction niya.
"Gayle?"
"Kilala mo 'yan dude?" Sabat ng isa niyang kasama.
"Oo, nag meet na kami dati sa may jollibee eh." pag kekwento niya sa kasama niya.
Ah, so siya si Callen, hindi ko na matandaan ang mukha niya kasi isang beses ko palang siya nakita.
"Salamat sa pagpulot." kinuha na niya ang towel niya.
"Btw mga dude, siya nga pala si Gayle. Gayle, mga kablockmates ko."
I just smiled at them saka kumaway na rin bilang sign na aalis na ako.
Pagkabalik ko sa building ay saktong dating ng next prof namin. After niya magturo ay lunch time na.
Pumunta ako sa cafeteria para doon kumain, nakita ko si Lucas kaya agad akong lumapit.
"Kakain ka na? Sabay tayo." umakbay agad ako sakaniya.
Pagkapasok namin ng Cafeteria ay may ilang tumingin saamin, wow pati pala dito may mga chismosa.
Pero hindi naman maiiwasan, gwapo naman si Lucas. I'm 100% sure na marami dito ay nag kakagusto sakaniya.
He's so talented kaya, saka Engineering pa si kuya mo. Pasok sa standards ng karamihan, kaya bet ko rin ito eh HAHAHA.
Natatawa ako sa naiisip ko jusmeyo marimar anlandi mo masyado Maria, umiling iling nalang ako at umayos ng upo saka kumain.
"Pahingi akooo." para akong batang nanghihingi ng Cake.
"Say Ahhh" pang uuto ni Lucas.
Dahil dakila naman akong uto uto, ngumanga ako.
Nilapit niya ang kutsara sa may bibig ko saka binawi ulit.
Sumimangot ako sakaniya, tss annoying.
"Gusto mo?" He teased.
"Oo gusto ko, mamatay ka na." Asar na sagot ko sakaniya.
"Bili ka." he chuckles.
I just rolled my eyes, naiwan ko ang wallet ko sa bag ko at nasa room 'yon. Naawa naman siya at binigyan pa rin ako.
Uwian na at gaya ng sinabi ni Lucas inantay nga niya ako sa baba ng building namin.
Lumapit ako sakaniya, agad niya akong inakbayan, pumunta na kami kung saan nakapark ang kotse ko.
"Miss ko na sila Seannah." I suddenly miss them hays inom sana joke.
Miss ko na sa tagaytay.
"Tawagan mo."
"Mamaya na pag ka uwi, nga pala ano gagawin mo sa apartment ko?" I asked.
"Syempre mag didinner."he answered casually.
"Wow ha kapal ng mukha, bahay mo?" I smiled sarcastically.
"May manipis bang mukha, kasi kung manipis mukha mo untu kurot ko lanh diyan lawlaw na yan." he shot back at kukurotin na sana niya ang pisnge ko ng tabigin ko ang kamay niya, tinawanan niya na lang ako.
Nang makarating kami ay nauna pang pumasok sa apartment ko, feel na feel mo talaga gorl?
I rolled my eyes nang humiga siya sa couch, hinagis ko sakaniya ang bag ko.
"Aray naman." reklamo niya.
"Sorry, sinasadya!" i shout.
"Mapanakit." he shot back.
"Mapanakit." I mocked him.
Nag bihis muna ako saka nag ayos at pumunta sa kitchen, nag bun ako ng hair at nag ternong pantulog ulit.
Nag luto ako ng adobong baboy.
"Hmm ang bangooo." lumapit agad siya ng maamoy ang adobo.
"Oh kain na hampaslupa." i joked.
He rolled his eyes saka nag sandok. I opened my iPad saka tinawagan sila Seannah.
「 hi leaaa, we miss youuu 」 bungad ni Seannah.
「 super miss ka na namin 」Yvette added.
"Di ko kayo miss, miss ko lang na uminom." biro ko saka tumawa ng mahina.
"Lasinggera." sabat ni Lucas saka pinitik ang noo ko.
"Hindi kaya, I drink responsibly kaya." depensa ko sakanya.
「 hoy! hala ka gorl sino kausap mo jan? May multo? 」Tanong agad ni Andrei
Narinig nila si Lucas.
「 boylet mo? ikaw ah saglit ka lang diyan may jowa ka na agad 」 sabat ni Yvette.
Agad akong umiling, tumawa lang si Lucas, ang saya mo diyan ah.
"Si Lucas, yung internet bff ko, nag kita kami sa university, andito lang siya ngayon para makikain lang." kwento ko sanila.
「 oh nice 」
Seannah said while smiling.
「 Hoy Lucas alagaan mo diyan si Gayle namin! ] Andrei said.
"You don't need to tell me, ofcourse, i'll take care of her." Lucas answered saka ginulo ang buhok ko at ngumiti sa akin, tila naman nakaramdam ako ng mga paru-parung anggugulo sa loob ko.
At dahil dun pumunta ako sa couch saka nakipagkwentuhan kela
Yvette. Habang si Lucas, sobrang tagal niya kumain para siyang pagong.
Nagpaalam na sila kasi may gagawin pa raw kaya nag out na rin ako, napatingin ako kay Lucas. Naghuhugas siya ng mga pinagkainan.
"Sipag naman." tinaas baba ko pa ang kilay ko.
"Compliment ba 'yan? thank you anyways." he said.
I just rolled my eyes saka bumalik don sa couch, sumunod na siya saka umupo sa tabi ko.
"Alas siete na ng gabi hindi kapa ba uuwi?" I asked baka mapano siya eh kung mas late pa siya uuwi.
"Kabilang baranggay lang naman ako nakatira, don't worry too much." he pat my head.
Tumango lang ako.
"Busy ka tomorrow??" He asked.
"Hindi naman, why?"
"Gala tayo, mall. " he said saka ngumiti saakin.
Ang gwapo niya ngumiti, may matangos siyang ilong tapos may kissable lips. Napalunok ako ng mapatingin sa labi niya, tumigil ka Maria ayan ka na naman.
Nag tama ang mata namin, sobrang lakas ng t***k ng puso ko, hindi ko maalis yung paningin ko sakaniya.
"Ano, g?" He asked again.
Napakurap ako ng makabalik sa reyalidad.
"Ah s-sige." napakamot ako ng batok saka umiwas ng tingin.
Nagkwentuhan lang kami ni Lucas, nag get to know each other pa kami saka niya napagdesisyunan umuwi. Hinatid ko naman siya hanggang labas lang.
"Ingat ka." Sabi ko saka ngumiti sakaniya.
Lumapit siya saakin saka hinalikan sa noo.
"Yes boss, see you tomorrow. I'll pick you up." kumaway na siya saka naglakad papalayo, habang ako naestatwa sa puwesto ko.
Agad akong napahawak sa noo ko.
Oh. My. Gosh. He-
He just kissed my forehead!!
Patakbo akong bumalik sa apartment at uminom ng tubig. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Normal pa ba 'to?
Huminga ako ng malalim saka pumunta ng kwarto at nakatulog.
✩ ˚✧ ˚ ✩
Nagising ako sa ringtone ko, aga aga nambubulabog.
"Oh, sino ba toh aga aga pa ah." Sabi ko sa kung sino man ang tumawag saakin at minulat ko ang left eye ko.
「 it's already 8 a.m Maria Lea Gayle Mendoza, mag ayos kana at sa jollibee na tayo mag breakfast i'll be right there at 9am no buts 」 Lucas said saka inend ang call.
Agad akong napamulat at tumayo, oo nga pala gagala kami ni Lucas ngayon medyo pahiya pa siguro ako ng hindi kilala sino ang natawag. Tumingin tingin pa ako sa paligid ng walang dahilan at pumasok na ng CR para maligo.
Medyo cinurl ko sa dulo ang hair ko and it look so nice to me. I put some make-up pero light lang as always, para naman hindi ako magmukhang yaya ng gwapong makakasama ko mamaya. I curled my eyelashes at pumili na ng susuotin.
I wear my black tank top at maong skirt saka sinuot ang sandal na binili ko galing Baguio.
Pagkalabas ko ay saktong dating lang ni Lucas, he bought his own car. Sumakay na ako at umupo sa shotgun seat.
"You look so gorgeous today." compliment niya I don't know how to reply so i just smile at him, ang aga aga nagpapakilig ka na naman.
Pagkarating namin ng jollibee ay dumiretso na kami sa counter wala pang gaanong tao.
"Ano gusto mo?" He asked.
"I want you." Hindi ko alam how and why pero bigla nalang lumabas 'yan sa bibig ko na siyang ikinagulat ko pakiramdam ko naman bigla akong namula.
"Hindi mo naman ako makakain Lea, pero pwede rin pag uwi na-" I cut him off.
"What I mean I want you to choose, ikaw na bahala." defend ko agad, hayss goodjob sa braincells ko biglang gumana.
Natawa pa ang cashier saamin, dahil nahihiya ako humanap ako ng pwesto at umupo na ako saka nireservan siya.
It took a minuted at pumunta na siya dito dala ang mga order.
"Bakit tubig lang ang drinks?" I asked him.
"Mag tubig ka muna at bawal ang coke sa umaga." He chuckles.
"Anubayan andaya." I rolled my eyes.
"May U.T.I. ka." pagpapaala niya, dami naman nitong alam sa'kin.
"Whatever." I started eating my food.
While eating we just talked about nonsense things.
"Ano ethnicities mo?" I asked him.
"I'm half Filipino, half Spanish." he answered casually.
"Mom or Dad side?" I asked him again.
"Dad side, how about you? Hindi ka rin mukhang pure filipino eh." he asked.
"I'm half Filipino, half Arabian. My mom is an Arabian." I answered.
Tinapos na namin ang pagkain at niyaya niya ako manood ng sine.
Sobrang awkward ng feeling ko sa loob ng sinehan, daig pa ang isang dalaga na kasama manood ang buong pamilya, dahil puro kissing scene ang andon. Nacurious tuloy ako kung ano bang pakiramdam ng hinahalikan, ano na naman ba pinag iisip mo Maria jusko mahabagin.
Nag punta kami sa park, pagkababa namin maraming nagtitinda ng street foods sa gilid. Agad akong lumapit sa may fishbolan at barbecuehan
"Ate sampung piso nga pong kikiam saka magkano po yung kwek kwek?" I asked.
"Sampu, tatlo neng." she answered.
"Anim nga po niyan." sabi ko saka inabot ang trente pesos.
Tumingin ako kay Lucas na may kausap sa cellphone niya, nang makita niya akong tapos na bumili agad siyang pumunta sa direksyon ko.
"Kakain ka na naman?" He asked saka tumingin sa tindera.
"Oo, masarap naman 'to e, gusto mo ba?" Aya ko pa sakanya.
Tumango siya kaya bumili ako ng betamax at isaw.
Pagkabigay saakin ay binigay ko agad kay Lucas ang betamax.
"What the heck is this?" He asked saka nag make face.
"Dugo." I answered saka ngumiti.
"What the fudge, hindi ako kumakain neto." he panicked.
"Kainin mo na sayang naman oh." pangongonsensiya ko saka kumain ng kikiam at kwek kwek.
"Pag 'to hindi masarap kokotongan kita." banta niya pa, nginitian ko siya.
Kinain niya ang isa, tumingin ako sakaniya saka ngumiti.
"Sarap?" I asked.
"Oum." puno ang bibig niya.
"Sabi sayo e laking mayaman ka talaga siguro kawawa ka naman ngayon ka lang nakatim o eto isaw ikaw na kumain." sinawsaw ko muna sa suka saka binigay sakaniya at kinuha niya.
"Parang di ka rin mayaman ka." Tinawanan ko nalang sakanya.
Umupo kami sa bench, napansin ko ang batang pulubi na nakatingin sa pagkain ko.
"Oy bata!" Tawag ko sa bata.
Agad siyang tumayo at lumapit sa amin.
"You want some?" Tinuro ko ang kwek kwek na dala ko.
Tumango lang ito, kawawa naman mukhang gutom na gutom na. Binigyan ko siya ng isang daan atleast he can buy some food.
"Salamat ng marami ate, boyfriend mo po?" Ngumiti pa 'to saka tumingin kay Lucas.
"Ha? Hi-" he cut me off
"Oo boyfriend niya ako." he answered saka umakbay saakin.
"Ahh, bagay po kayo. Ate salamat dito pagpalain po sana kayo ng boyfriend mo." he said saka tumakbo papunta sa bilihan ng kwekwek kanina.
Agad kong siniko sa tagiliran si Lucas.
"What?" He asked when I glared at him.
"Anong boyfriend boyfriend ka jan."
"Boy-friend, kaibigang lalaki. Ano bang iniisip mo?" Ngumisi agad 'to.
I rolled my eyes saka naglakad pabalik sa kotse niya, tss pahiya naman ako, sumunod siya sakin at sumakay na kami sa loob.
"Anong feeling ng hinahalikan?" I suddenly asked i know it's weird but i'm more curious, I don't even know why! Bwiset na pelikula 'yon.
Napatigil ang pag sstart niya ng engine saka tumingin saakin ng nakakaloko.
"Bakit mo natanong? Curious ka?" He raised his right eyebrow.
Huminga ako ng malalim.
"Yes tatanong ba ako kung hindi." then I looked away, ang awkward ng feeling na toh bwiset kasalanan mo talaga tong pelikula ka.
"Gusto mo try natin?" He asked.
Nanlaki ang mata ko ng nilapit niya ang mukha niya at ngumisi.
Oh Fudge na malagkit.
Pagkauwi ko ay pabagsak akong humiga sa kama ko, paulit ulit nag ssink in sa utak ko ang sinabi ni Lucas even though i already know it was just a joke. Pero ang lakas ng impact saakin.
Napahilamos ako at niyakap ang hotdog pillow ko
"Just what the hell did you just do to me Lucas Akiro Lopez? Why am i feeling this?"
Dalawang araw na akong busy, maraming activities na ginawa at pinagawa. Napatingin ako sa bulletin board ng makitang may bago na namang nakalagay don.
"Manonood ka?" My blockmate asked me.
Tumingin ako sakaniya at ibinalik ang atensyon sa naka post
Basketball game? BsCE vs Bsc Architecture.
Wow.
"Uhm, oo, ikaw?" I answered.
"Nice, oo reserve kita ng seat gusto mo?" She offered.
I just nod and smiled at her.
Pumunta ako sa Cafeteria para kumain. I haven't seen Lucas, maybe he's busy.
"Can I sit here?" A guy asked me.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin
"Sure." I just answered and continued eating.
Nilapag niya ang yakult sa harap ko kaya tiningnan ko siya, ah si Callen lang pala.
"Oh, thank you ikaw pala yan." I smiled
"No problem." he answered and smiled back.
Naagaw ng atensyon ko ang dalawang taong pumasok sa Cafeteria.
Callen saying something pero hindi ko maintindihan dahil nakafocus ako sa dalawang pumasok. Si Cloui at Lucas ang magkasamang pumasok sa cafeteria. Nag tama ang tingin namin ni Cloui she smirks at bigla niyang pinulupot ang braso kay Lucas.
I rolled my eyes saka inalis ang tingin sakanila. Ibinalik ko ang atensyon kay Callen na kanina pa nag sasalita.
"So are you going to watch?" Callen aske.
"I'm sorry i spaced out, watch what?" I asked him with confused face.
"The game." he answered.
"Oh, the game. Uh yes actually irereserve na raw ako ni Risa ng seat" sagot ko saka ininom ang yakult
"Good to hear that, kitakits bukas sa game." he said saka tumayo na.
Inubos ko na rin ang pagkain ko at lumabas ng Cafeteria. Pumunta ako ng gazebo at tinawagan sila Seannah.
「 hey, bigla ka atang napatawag 」 bungad niya.
"Wala lang, masama ba? Ang annoying ng mga tao rito eh." Irap na pagsumbong ko sakanya.
「 oh chill, what happened? 」 Yvette asked ng makapag join siya sa call.
"Nothing, sobrang busy ko ngayon. Kamusta kayo diyan?"
「 we're all okay naman, nag papa doms kami nung nakaraan 」 may halong pang iingit na kwento ni Andrei
Umirap ako sakanya.
"Oh, talaga? I didn't even asked kung saan kayo pumunta nung nakaraan, i just asked if okay ba kayo." Pagtataray ko sakaniya, kainis.
「 HAHAHAHA chill ka diyan babygirl 」 humagalpak ng tawa sila Seannah, Yvette at Andrei.
"Babygirl your ass." I raised my pinky finger with matching asar na peslak, para makita nila sa camera, goodgirl ako kaya ganyan.
Nagtawanan sila at inasar asar pa ako.
"Saya kayo niyan?" Hilig akong pagtripan pag magkakasama ang tatlo, parang gusto kong umuwi bigla para lang sampalin silang tatlo.
「 May red war 'yan kalmahan niyo 」 humagikhik pa si Yvette.
Pinatay ko agad ang call, baka mabasag ko ang laptop ko sa inis. Huminga ako ng malalim at nag unat unat pa.
Mommy is calling you...
I answered it immediately.
"Why mom?" Bungad ko sakaniya.
「 how are you? 」 she asked.
"I'm fine." I lied I'm not fine I'm tired.
「 how's your school? One month ka na diyan ah nakapagadjust ka na ba? 」 she asked again.
"Uhm, ayos naman nakakapagod lang ng unti." huminga ako ng malalim saka kinagat ang lower lip ko.
「 I'm going to your Auntie's house diyan sa Valencia, I want to have a dinner with you. Punta ka ha. 」 aya niya sa'kin
"Okay po, nga pala may gagawin pa ako sige na mom bye." Pamamaalam ko habang inayos ko na ang mga gamit ko.
「 okay honey, bye i love you 」I ended the call saka bumalik sa building last subject na namin 'yon at uuwi na ako.
Natapos ang last subject ng alas tres ng hapon, pumunta ako sa comfort room at nag ayos saglit.
Lucas:
Sabay tayo umuwi
Lucas:
Punta ka hintayin mo ako
Lucas:
Btw imy:>
Hindi ko na lang siya nireplyan at bumaba na ng building. Hinintay ko siya sa may building nila dahil alas kwatro pa raw ang labas niya.
Tumingin tingin lang ako sa paligid, dahil wala akong magawa.
"Lea!" Tawag ni Lucas saakin kaya lumapit ako sakaniya.
Ibinigay niya ang hydro flask niya sa'kin.
"Anong gagawin ko jan?" Tanong ko saka itinaas ang left eyebrow ko.
"Try mong kainin." pambabara niya sa akin.
Kinuha ko at hinawakan, hindi to masarap kainin masarap to ipukpok sa ulo niya.
"Manonood ka ng game?" Tanong niya habang inaayos ang bag niya.
"Oo." sagot ko agad.
"Let's make a deal." tumingin siya saakin at ngumiti.
"Anong deal naman 'yan?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Kapag nanalo kami sasama kita sa celebration kapag natalo naman kami treat mo ko." ngumisi pa siya sa'kin.
"Wow baka mamaya sadyain mong matalo kayo, sugapa ka pa naman." Sabi ko ay siniko ko pa siya.
"Hindi ah, grabe ka naman saakin, just incase lang na matalo malakas kaya ako." humawak pa sa dibdib at nagkunwaring nasasaktan.
"Umayos ka nga, hindi bagay sayo pangit mo umarte." umirap p ako saka sumakay sa kotse ko, pero sa totoo lang natatawa ako sakaniya HAHAHA.
Pagkauwi ay tumawag si mommy, cancel daw ang flight nila papunta rito dahil may urgent meeting daw sila. I didn't bother to ask kung ano 'yon, sanay naman na ako.
Nagluto na ako ng kaldereta for my dinner. Nag half bath muna ako bago kumain. Tinapos ko ang assignment pagkatapos kumain saka natulog.
》♡《
"Gayleee, bilisan mo na diyan mag sisimula na maya maya ang game." yaya ni Risa saakin.
Inayos ko na ang gamit ko saka sumunod sakaniya. Pumunta na kami ng gym at marami raming tao na ang nandoon, mukhang magandang laban nga ito at maraming nag aabang.
I saw Cloui holding a banner nandon pa ang name ni Lucas.
I rolled my eyes. Umupo kami sa may front seat kung saan kitang kita talaga namin sila.
Maya maya pa ay lumabas na ang mga players.
Naka maroon ang mga CE at naka white naman ang mga Archi.
Napuno agad ng hiyawan ang gym, tumingin saakin si Callen saka kumaway, nginitian ko lang siya. Nung nagtama naman ang tingin namim ni Lucas bigla niya akong kinindatan kaya tinarayan ko siya at nag iwas tingin, ayan ka na naman Lucas ang unfair mo.
Anyways sino kaya mananalo dito? Ay wait sino pala muna ang iche-cheer ko?
"Risa, sino iccheer mo?" Pagtatanong ko sakaniya.
"Syempre Architecture, nandun ang crush ko e, ayun oh." tinuro niya pa ang matangkad na moreno na naka number eleven.
Kung Archi ang iccheer ni Risa, sa CE na lang ako, kaya na niya yan kaya CE ako.
Nag simula na ang laban, 1st quarter palang magkadikit na ang score 23 ang CE 22 naman ang Archi.
Nagsimula ang 2nd quarter puro sila cheer karamihan ay sa CE. Nakuha ni Lucas ang bola kay Callen agad akong napatayo at sumigaw.
"GO LUCAAAS!! GO! GO! GO!!" I shouted.
Ngumiti siya, tumingin muna siya saakin bago ishoot ang bola, naka three points agad siya.
Phew, nice shot.
Pareho silang magagaling kaya hanggang last quarter ay tabla sila.
Isang minuto nalang ang natitira at matatapos na ang laro, naagaw ni Callen ang bola. Isho-shoot na sana niya nang maharang at maagaw ni Lucas.
30 seconds nalang maraming naka harang kay Lucas, napakagat ako ng labi at napapikit ayokong makita, kinakabahan ako sa magiging resulta.
Narinig ko ang pag time out at minulat ang mata bigla silang naghiyawan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, owemjiii.
"Omygod nanalo ang CE!!" Inalog alog ko pa si Risa.
Lalapit na sana ako kay Lance nang biglang lumapit sakaniya si Cloui. Niyakap siya ni Cloui at hinalikan sa pisnge agad naman nag hiyawan ang mga ka-team mates niya. Umiwas ako ng tingin dahil sobrang cringe ew gross, tsk.
"Lea!" Tawag ni Lucas saakin saka tumakbo papunta sa direksyon ko.
"Uy congrats!" Bati ko saka inabot siya para akbayan.
"Yung deal ah, sama ka samin mamaya. I'll pick you up." He said saka inaya ako papunta sa mga ka-team mates niya.
"Guys this is Gayle, Bestfriend ko nga pala." pagpapakilala niya saakin sakanila.
"Hi Gayle." bati ng isa teammate niya saakin.
"Diba Bshrm ka?" Tanong naman ng isa pa kaya tumango ako.
"I'm Ryle ako yung pinagtanungan mo sa library." pagpapakilala niya.
Kinamayan ko silang lahat pagkatapos nila mag pakilala. Pagkatapos ay lumabas na rin kami ng gym.
Pagkatapos ni Lucas mag bihis ay hinatid niya ako pauwi. Mag ayos na raw ako at babalikan niya ako maya maya.
Nagpalit ako ng fitted black dress, I put light make up para naman mag mukhang fresh ulit. Plinantsa ko ang hair ko saka nag sandals.
After 30 minutes ay sinundo na niya ako. Lucas wearing a polo shirt saka gray short tapos naka white shoes. He look so hot. Pumunta kami ng Restau Bar, may dinala ring babae ang mga ka team mates niya.
Hinawakan ni Lucas ang bewang ko para ilapit sa tabi niya.
"Ayoko uminom bagong buhay ako." bulong ko sakaniya.
"Minsan lang 'to, sumabay kana miss mo na 'di ba?" bulong niya saakin.
Tumango ako saka ininom ang alak.
Nakailang shot na ako at medyo may tama na dahil nahihilo na ako.
Inaawat na ni Lucas ang mga ka team mates niyang bigyan pa ako ng alak.
"Last shot, dali Gayle last na." kinuha ko ito saka ininom.
"Lucas..." Tawag ko sakaniya.
"Hm" sagot niya habang umiinom.
"Uwi na tayo." yaya ko sakaniyam
"Wait lang." bulong niya saakin saka itinayo ako.
"Mga dude, uuwi na kami ni Lea. Uwi na rin kayo, tama na 'yan" Sabi niya saka inalalayan ako maglakad.
Pumikit ako nang maka sakay kami sa kotse.
"Damn it."
Huling narinig ko kay Lucas, dahil sa hindi ko na kaya at hilong hilo na ako kaya natulog na agad ako sa kotse niya.