LEA GAYLE'S POV
"Fudge na malagkit, ugh." napabangon ako sa sahig dahil nahulog ako sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko kaya umupo muna ako.
Nilibot ko ang tingin ko, hindi ko 'to kwarto ah. Hala!? Napatingin agad ako sa suot ko.
Nagulat ako ng makitang iba na ito, sumigaw ako at nagpanic. Biglang pumasok si Lucas kaya pinagbabato ko agad siya ng unan.
"Manyak ka! Manyak!" akusa ko agad sakaniya.
Sinalo niya lahat ng unan na ibinato ko.
"Anong manyak ka manyak ka na pinagsasabi mo diyan?" tanong niya saka binato pabalik ang mga unan sa'kin.
"Ba't iba na ang suot ko? Bakit nasa kwarto mo ako?" Sunod sunod kong tanong sakaniya na sinasamaan siya ng tingin.
"Unang una po sa lahat senyora, ikaw ang nag bihis sa sarili mo. Pangalawa, hindi kita inuwi ayon sa kagustuhan ko, kasi sabi mo hindi mo makita ang susi mo." he rolled his eyes saka lumabas ng kwarto.
Medyo napahiya naman akong sumunod skaniya, nagluluto siya ng hotdog.
"Sumuka ba ako?" Tanong ko sakaniya.
"Oo bwiset ka."
Napangiwi ako sa sagot niya, hindi ko naman ginusto yun e malay ko bang malalasing ako ng ganon!
Hinain niya ang mga pagkain, merong tocino at hotdog tapos sinangag saka binigyan niya ako ng kape.
Ngumuso ako habang sinasandukan niya ako ng kanin.
"Oh?" Tanong niya saka tinaasan ako ng kilay.
"Sungit." umirap ako saka kumuha ng hotdog at tocino.
"Bakit ba, anong problema? Parang ikaw kanina ang nagsusungit ah." angal niya saka kumain.
"Gusto ko lang mag sorry." ngumiti ako ng matamis sakaniya.
"Tch" inirapan niya lang ako saka kumain, daig pa babae ang wala.
Sumubo nalang ako ng sumubo, arte arte netong lalaking 'to. May regla ata.
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas.
Nanood kami ng netflix, puro romance pa nga kadiri naman ang cringe, just kidding.
May kumatok, kaya ako na ang nag bukas ng pinto. Nagulat ako sa bumungad, ba't pumunta dito si Cloui?
"Oh, Cloui. Pasok ka." i said saka binuksan ng malaki ang pinto.
Tiningnan niya lang ako saka pumasok na, nagulat din si Lucas.
"What the hell Lucas, tinatawagan kita hindi mo sinasagot!" Panimula ni Cloui.
Luh warfreak ka ghorl?
"Nakacharge phone ko saka naka silent." sagot ni Lucas.
"Damn, eh bakit kasama mo 'yan?" Tanong ni Cloui saka tumingin sa'kin.
"Bakit? Masama?" Lucas shot back.
"Without my permission?" she raised her eyebrow.
Wow ah? Siya ba may ari ng bahay ni Lucas?
"Bakit kailangan ng permission mo? Sino ka ba?" nag iba na ang aura ni Lucas.
"I'm your ex!" sagot ni Cloui.
I bite my lower lip, pinapigilan ko makisawsaw.
"Oh really? You're my ex then. My EX. So you don't have any rights para bastusin si Lea sa harapan ko. She's my bestfriend and you're just my ex, stop this bullshit Cloui, umuwi ka nalang baka ano pa ang masabi ko sayo." seryosong sabi ni Lucas sakaniya.
"Damn it! Fine! But we're not done yet." bago pa lumabas si Cloui ay inirapan pa ako.
Attitude ka? Tanggalin ko 'yang mga mata mo.
Hipokrita!
"I'm sorry Lea." Nahihiyang paghingi ng tawad ni Lucas.
"Baliw, Bakit ka nag sosorry ayos lang yun." kumamot pako sa batok ko.
"Badtrip." pumasok siya sa kwarto niya.
Hindi na ako nag abalang guluhin siya. Halata sa mukha niya na gusto niyang manakit HAHAHA.
I opened my telegram para ichismis kela Seannah ang nangyari.
Lea :
I have a chika.
Yvette:
omg
Andrei :
what's the tea?
Seannah:
ano 'yan
Lea:
so eto nakakaurat alam niyo ba 'yon?
Andrei:
hindi
Lea:
kasi diba nandito ako kela Lucas
Yvette :
wtf bakit ka nandiyan
Seannah:
Omg first mo siya?
Lea:
boba anong first first ka diyan, dito ako nakatulog mga tanga.
Andrei:
oh so ano na nga ang tea baka lumamig pa yan
Lea:
etong epal na hipokritang ex ni Lucas biglang pumunta dito.
Yvette:
tapos?
Lea:
nag wala si tanga kasi hindi raw sinasagot ni Lucas ang tawag tapos bakit daw ako kasama ni Lucas.
Seannah:
hipokrita nga
Andrei:
baka mahal pa
Lea:
tapos inirapan ba naman ako bago tuluyang umalis.
Seannah:
dapat tinusok mo ang mata
Lea:
kung pwede lang, piste siya.
Yvette:
kalma ka
Andrei:
resbak na ba kami?
Seannah:
asan si Lucas?
Lea:
nasa kwarto niya nabadtrip 'yon.
Yvette:
Kain na kayo
Seannah:
tapos na
Andrei:
Kain lang ako babush
Lea:
Sige luto lang ako dito
Tumingin ako sa orasan, ambilis naman alas dose na agad ng hapon.
Nagluto ako ng sinigang, hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Lucas ih.
Kumatok pa ako sa kwarto niya kaso walang sumasagot kaya pumasok nalang ako.
"Lucas, kakain na." Panggigising ko dahil nakatulog pala.
Tinapik ko siya ng mahina.
"Hmmm" ungol naman niya.
"Hala sobrang init mo." hinawakan ko ang noo niya, sobrang init.
Pumunta ako sa cr at nag lagay ng tubig sa maliit na planggana saka binasa ang towel don. Bumalik ako sa kwarto at pinunasan ang leeg ni Lucas saka ang kanyang noo. Piniga ko ulit ito at nilagay sa noo niya.
"Anyare ba sayo?" Pagtatanong ko sakaniya.
Minulat niya ng dahan dahan ang mata niya.
"I don't know, biglang sumama pakiramdam ko." sagot niya sa'kin.
"Bibili ako ng gamot, akin na ang susi ng kotse mo."
Itinuro niya ang susi, kinuha ko 'yon agad at lumabas na. Bumili ako ng gamot sa Mercury Drugs saka umuwi.
"Kumain ka muna nito, bago uminom ng gamot." Sabi ko saka sinubuan siya ng sinigang.
"Ako na, kayo ko pang kumain ng mag-isa." he smiled saka kinuha ang kutsara sakin.
Tumayo na ako at hinanda ang gamot niya.
Pagkatapos niya kumain ay ininom na rin niya ang gamot.
"Magpahinga ka na nga muna." Sabi ko saka tumayo para i-ayos sana ang mga pinagkainan niya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't leave." he said.
Tumingin ako sakaniya, ramdam kong pinisil niya ang kamay ko, seryoso ang tingin niya sa'kin.
"I won't, aayusin ko lang ang pinagkainan mo." I answered.
Tumango siya saka binitawan ang kamay ko.
Niligpit ko na ang pinagkainan niya saka bumalik sa tabi niya. Putakteng lalaking 'to bigla biglang inaatake ng sakit.
"Wag ka masiyadong dumikit sakin, baka mahawa ka ng lagnat." Sabi niya.
"Lagnat lang naman 'yan, malakas resistensiya ko." Sagot ko sakanya
"Kahit na." depensa naman niya.
Binantayan ko lang siya at chinecheck ang temperature niya kada lipas ng ilang minuto.
Lumipas ang dalawang oras at medyo bumaba ang lagnat niya. Hindi na tulad noong mga unang check ko.
"Sleepwell." i said kahit hindi niya rin maririnig kasi tulog na tulog na siya.
Pumunta ako sa kabilang kwarto at huminga rin, may hang over pa ako at inaantok din kaya natulog na rin muna ako.
Nagising ako around 6pm, pumunta ako sa kwarto ni Lucas at chineck ang temperature niya. Mababa na, sure ako na ayos na ulit siya bukas.
"Gutom kana?" Tanong ko saka pinigaan ulit ang towel at inilagay sa noo niya.
"Medyo." Simpleng sagot niya.
"Anong gusto mong ulam?" Tanong ko saka tinitigan siya.
"Adobo."
"Baboy or manok."
"Try mong baka." pamimilosopo niya.
"Gusto mong mamatay na lang sa gutom?, Ano nga kasi?" Inirapan ko siya kasi kahit na may sakit siya namimilosopo pa rin.
"Kahit ano, pareho ko namang paborito 'yon." ngumiti siya sa'kin.
Pinagluto ko na siya ng adobong manok, hinain ko na 'to at pinalabas siya.
"Kakain na, labas na diyan." tawag ko pa sakaniya.
Lumabas siya, he look so hot! Messy hair tapos naka v neck tapos naka gray pants, sa lahat ang gwapo tignan kahit may sakit at gulo gulo ang buhok na nakapambahay.
"Ang sarap." para siyang batang tuwang tuwa habang kumakain.
Natatawa nalang ako sakaniya.
After namin kumain ay mag presinta pa siyang siya na raw ang maghuhugas.
Hinampas ko pa siya ng mahina para lumayo sa hugasan.
"Ako na, mag pahinga ka na ron."
Pumunta siya sa sofa saka humiga at nanood. Tinapos ko ang pag huhugas ng mag ring ang phone ko.
Auntie is calling you...
"Hi Auntie, Bakit?" Bungad ko.
「where are you? 」
"Po?"
「wala ka sa apartment mo, Asan ka?」
I bite my lower lip, baka ano isipin niya kapag sinabi kong na kela Lucas ako.
"Nasa kaibigan ko." I didn't lie kasi nasa kaibigan ko naman ako.
「ahh oh siya, Uuwi ang mommy mo rito bukas. Ituloy daw ang dinner. 」
"Ah, okay Auntie"
「 sige na, Ingat ka diyan」
Pinatay ko na ang tawag at huminga ng malalim.
Tinapik ko ang binti ni Lucas para maka upo ako sa sofa.
"Ano pinapanood mo?" I asked.
"365 days"
Nagulat ako ng may bed scene na, Ang awkward ng feeling ko. Titig na titig si Lucas doon.
"Sarap na sarap si Laura oh" bigla niyang sabi.
"Oo nga no, hehe" I smiled awkwardly
Ngumisi siya saakin.
"Hindi ka ata sanay manood ng ganito?" May halong pang aasar ang tanong niya.
Umirap lang ako saka ibinaling ko nalang sa phone ang atensyon ko.
"Gusto ko rin niyan." napatingin ako kay Lucas.
"Gusto mo ng fubu?" Tanong ko saka tinaas ang kilay.
Pinitik niya ang noo ko.
"Gusto ko kako maging ganon kayaman." Pagpapaliwanag niya.
"Ah akala ko gusto mo ng fubu e." Sabi ko pa.
"Ba't pa 'ko mag hahanap ng fubu? Andiyan ka naman na." he smirked.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ako, binato ko siya ng unan sa sofa at mag walk out.
"Hoy Lea! Joke lang naman eh i mean i already have you, my bestfriend" pageexplain niya pa, nakaramdam naman ako ng disappointment ay char bakit ang harot mo naman Lea.
Di ko siya pinansin at nagpahinga na lang sa kwarto, damn Lucas.