Isang matagumpay na ngisi ang sumilay sa magandang mukha ng dalaga habang nakatitig sa folder na hawak niya.
"May usapan tayo,sasabihin mo sakin kung sino yang lalaki na yan at pinabackground check mo pa sakin?" nakataas ang isang kilay na turan ng Kuya Tyron niya.
Nagkita sila nito sa isang coffee shop.
"Well,he's my mate.."
Nanlaki ang mga mata nito."Seriously?"
Natawa siya rito hindi mo aakalain na mukha itong bad boy dahiL may pagkakwela ito kung makareak.
"Yep,sana wag mo muna ipaalam sa kanila saka na kapag naayos na ang sitwasyon niya," saad niya sa seryoso tono.
"Okay,kung kinakailangan niya ng pera,pwede naman namin siya tulungan ni Dave since he is your mate dapat lang na tulungan siya dahiL ang ending naman magiging parte din siya ng pamilya natin..saka arkitekto siya pwede siya kunin nina Dave para sa susunod na branch nila," anang ng Kuya Tyron niya.
Iyun ang gustong-gusto niya rito.Mabait ito hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa iba.
"Kung ganun pwede mo ako tulungan?" aniya.
"No problem! " agad nito sagot.
May naiisip siya paraan para mapalapit sa Gael Riczon na yun.
"Kuya!!" agad na pagsalubong ng kapatid niya si Eloisa pagkababa niya ng tricycle.
"Eloisa.."aniya.
Mahigpit na niyakap siya nito." Akala ko pati ikaw iiwan mo na rin ako,"maktol nito.
"Sorry,ayaw ko lang kasi madistract kaya pinatay ko ang phone."paliwanag niya rito.
Malaki ang tutol nito sa pagluwas niya ng maynila pero sa huli siya rin ang nanalo.Nangako na lang siya rito na makakabalik pa siya ng buhay.
"Kamusta ang laban?" usisa ng kababata niyang si Ryan na siya muna tumingin-tingin sa kapatid niya habang wala siya.May pamilya na ito pero may time para sa kanila.
Umiling siya.Agad na tinapik siya nito sa balikat.
"Okay lang yan,Tol! Marami pang paraan ang mahalaga buhay ka," simpatya nito sa kanya.
"Imposible na yun kuya Ryan .."masama ang loob na sabad ng kapatid niya.Nagtataka siya napatingin rito.
" Kuya..binenta na sa ibang tao ang ari-arian natin ni Mr.Arevalo.."saad nito.
Agad siya nakaramdam ng paghihimagsik para sa matanda iyun.Damn that old man!
"Pwede ko bang mahiram ang sasakyan mo,kakausapin ko si Mr.Arevalo.."paalam niya sa kababata.
" Sige ,ito ang susi.."agad nito pagpapahiram sa kanya ng motor na ginagamit nitong pangservice.
"Kuya,useless na kausapin mo pa si Mr.Arevalo! Naibenta na niya hindi na natin mababawi ang hacienda at ang iba pa natin ari-arian!" sigaw ng kapatid niya pero hindi siya nagpapigil rito.
Hindi tumupad sa usapan ang matanda. Hindi nito ibebenta ang mga pag-aaari nila hanggat hindi natatapos ang limang taon na hiningi niya palugit at magtatatlong taon pa lang!
Isang oras din ang lumipas bago siya nakarating sa bayan kung saan naroroon ang opisina ng matanda.Ngunit tila inaasahan na nito na susugurin niya ito.
Hindi siya umupo ng pinauupo siya nito sa kaharap na upuan nito.
"Hindi niyo tinupad ang usapan natin!" puno ng galit at kastigo sabi niya rito.
Bumuntong-hininga ang matanda.
"Hijo,pasensya na..biglaan din kasi ang pagdedesisyon namin mag-asawa na manirahan na sa america..kaya binebenta ko na ang lahat na pag-aaari ko rito sa pilipinas," sagot nito sa kanya.
Naikuyom niya ang mga palad."Pero paano na kami? Ang usapan ay usapan?!"tiim-bagang niya turan.
May inabot itong kung ano sa ilalim ng desk nito.Isang long folder iyun.
"This is a agreement paper..pinabibigay niya ito sayo pagkatapos mo mabasa puntahan mo siya,ang nakabili ng hacienda niyo at ng iba pa.." anito.
Agad nagsalubong ang kilay niya.What the hell?!
"Agreement para saan?"
Ngumiti ang matanda."Mabait ang tao pinagbentahan ko ang gusto niya mangyari ay mabawi mo pa rin ang hacienda at ang iba niyo pang lupain.."
Tila naghang ang utak niya sa sinabi nito.
"Hindi ko maintindihan kung bakit niya gagawin yun?"
"Well,ang sabi niya kilala ka niya,and she's very beautiful and she has a kind-hearted to do this," nakangiti hanga ng matanda para sa babae iyun.
Kilala siya ng babae? Pero sino?
Bigla sumikdo ang puso niya ng isang pangalan ng babae ang bigla isinigaw ng isip niya.
No fuvking hell! That's Impossible .
Naguguluhan na umalis siya ng opisina ng matanda.Bitbit niya ang agreement ng babaeng nakabili ng kanila lupain.