This is life! Enjoy na enjoy siya habang sakay ng kulay itim na kabayo.Nilibot niya ang RICZON property.Napangisi siya,alam niyang hawak niya ang alas para mapalapit kay Gael Riczon.
Malaki ang lupain,napuntahan na rin niya ang coco farm,nadismaya siya na makitang nagtataasan na ang mga damong ligaw dahil mula daw na kunin iyun ni Mr.Arevalo nagsialisan na rin ang mga dating trabahador dun.May mga bakahan din roon pero mukha napabayaan na rin may mag-asawa na lang ang nagbabantay sa mga ito.
"Sayang naman kung ibebenta ang mga baka ,Ma'am malaki ang pakinabang nila.." may panghihinayang sabi ni Mang Oscar.
"Kaya kahit walang sahod sa pag-aalaga namin mag-asawa eh naibebenta naman namin ang gatas nila .." dagdag ng matanda lalaki.
"Pwede ho bang maghanap ulit kayo ng makakatulong niyo sa pagpapastol sa mga baka? Gusto ko ipagpatuloy ulit ang nasimulan ng dating may-ari, "aniya.
Labis na ikinatuwa iyun ng mag-asawa.Kapag nakausap na niya ang binata ito na ang bahala sa coco farm.Nakaplano na ang lahat ang lalaki na lamang ang hinihintay niya.
Pabalik na siya sa hacienda at malayo pa siya may natatanaw na siyang isang babae na nakatayo sa harapan ng gate.
Pinabilis niya ang pagpapatakbo sa kabayo.Agad na napalingon ang babae ng maulinigan nito ang pagdating niya.
Nakatitig lang ito habang bumaba siya sa kabayo.
She's smiled at her.Ang kapatid ni Gael.
" Hi,may maitutulong ba ko sayo?"nakangiti niya tanong rito.
Doon lang natauhan ang dalaga babae.
"U-uhm,Ikaw ba yung nakabili ng hacienda?" maingat nito tanong.
"Oo,Ako si Veron..ikaw?"
"Uhm,Eloisa..uh,anak ako ng dating may-ari ng hacienda.."
Tumango-tango siya."Halika sa loob tayo,"paanyaya niya rito.
"U-uhm,hindi na napadaan lang ako," anito.
"Ganun ba," aniya.
Tumingin ito sa kabayo at bumakas sa mukha nito ang pangungulila.
"Hi,Bogart! Kamusta ka na? Pumayat ka ata," anito.
"Ikaw ba ang may-ari sa kanya?"
"Uh,hindi,si Kuya Gael.."
"Mabuti na lang inaalagaan siya nina Mang Oscar at Manang Doria.." aniya habang hinahaplos ang kabayo.
"Palagi pinupuntahan ni Kuya Gael ang kwardra,si Bogart na lang ang natira sa anim na kabayo namin noon," saad nito.
Ramdam niya ang malaki panghihinayang ng babae sa dating nakagisnan nito.
"Hindi ko naman siya ipagdadamot sa Kuya mo pwede pa rin niya puntahan si Bogart kung kailan niya gusto.."
Napatitig ito sa kanya."Talaga ?"
"Yes," pagtango niya rito."Ikaw din kung gusto mo bumalik rito sa hacienda feel at home lang.."aniya.
Nanlaki ang mga mata nito sa pagkamangha."H-ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo mas maganda kung sa loob tayo mag-uusap," saad niya.
"Mabuti na lang naggrocery ako kahapon!" aniya habang naghahalungkat sa mga pinamili niya na hindi pa naisasalansan sa mga lagayan."Pasensya na hindi ko pa nailagay ang mga ito sa lagayan,"natatawa niya saad.
"Gusto mo tulungan kita maglagay ng mga ito sa lagayan?"pagboboluntaryo nito.
She's smiled at her." Magandang ideya yan,"pagpayag niya.
Ngumiti na rin ito sa kanya.
Mabilis nila natapos ang paglilipat ng mga pinamili niya sa mga lagayan sa tulong nito.Ginawan niya ito ng chicken Sandwich at nagsalin ng fresh orange juice sa dalawang mataas na baso.
"Here,gumawa ako ng sandwich," pag-aya niya sa dalaga.
Agad ito pumuwesto sa center island sa katapat na inuupuan niya.
"Salamat ha," aniya
"Walang anuman kapalit na pagpapasok mo sakin rito.Mula ng kunin ni Mr.Arevalo ang bahay na ito hindi na kami nakapasok uLit rito," may lungkot nito sabi.
"Pero ngayon anytime welcome na kayo uLit rito at sigurado naman sa huli sa inyo pa mapupunta ito."
"Yung sinabi mo kanina,totoo ba yun?"
"Oo naman,may isang salita ako," nakangiti niya sagot.
Namamangha ito napangiti "Ang totoo kasi ayoko talaga sa tinutuluyan namin ngayon ni Kuya Gael.Nangungupahan lang kami," malungkot ito napabuga ng hangin."Hindi ako sanay sa ganitong buhay sa isang iglap naging hikahos kami ni Kuya samantala nabubuhay kami na hindi pinoproblema ang pera pati ang pag-aaral ko naapektuhan din hindi na ko nakabalik sa California para ipagpatuloy ang pag-aaral dahil kapos na kami sa pera,"pagkukwento nito.
Inabot niya ang kamay nito."Nag-aaral ka ba uLit ngayon?"
Tumango ito."HuLing years ko na sa kursong BS Nursing kung tutuusin pagiging doktor taLaga ang gusto ko dahiL ayoko maging pabigat Kay Kuya ako na mismo ang sumuko sa pangarap ko.."
Pinisil niya ang kamay nito."Pwede kita tulungan kapag natapos mo ang nursing this year pwede mo uLit ituloy ang naunang kurso mo sa dating school din.."
Nanlaki ang mga mata nito."P-pero bakit mo naman gagawin iyun?"
"Alam mo bang anim kaming magkakapatid at pulos pang mga babae? Kasing edad mo lang ang bunso namin si Gabbie..ang dalawa ate ko naman may mga asawa na...you will meet them soon.."aniya." Saka kapatid na rin ang tingin ko sayo ngayon."
Napalagok ito sa baso na may juice.
"U-uhm,baka niloloko mo lang ako," anito.
"I'm serious,mangyayari ang lahat na yan sa oras na magkausap na kami ng Kuya Gael mo," pagkindat niya rito.