"HON, IT'S your mom. Natural lang na mag-alala siya nang gano'n sa 'yo dahil nag-iisa ka niyang anak. Lalo na ngayong malayo ka sa kanila." "Hindi pa rin okay na magbanta siya na titira siya sa condo ko kapag hindi ko na-prove sa kanya na inaalagaan kong mabuti ang sarili ko, lalo na ang pagkain ko." "Ikaw naman na mismo ang nagsabi na noon pa man, problema na sa 'yo ng mommy mo ang pagkahilig mo sa fast-food meals at cup noodles. Ngayong mag-isa ka lang sa condo mo, hindi naman nakakagulat na iniisip niyang puro ang mga 'yon lang ang kinakain mo." Umungol sa reklamo si Vanessa habang tulak-tulak ang grocery cart. "Gusto kong makasama ang mommy ko, pero hindi ko kakayanin kung sa condo siya titira. Promise, mababaliw ako." Napangiti si Fern. Pagkatapos ay inakbayan siya at kinabig pala

