16th Sizzle

2101 Words

NANG umagang iyon, nagising na lang si Vanessa na naninibago sa sarili niyang mundo. Ang mga unan at bedsheet niya, amoy-Fern na. Ah, hindi. Mas tama yatang sabihing kumapit na ang amoy ng binata sa kuwarto niya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nag-amoy lalaki ang kuwarto niya, pero ngayon lang siguro siya naging komportable. Nang pumasok naman siya sa banyo para maligo, nagulat pa siya nang makitang nasa sink na rin niya ang after-shave cream, razor, at sepilyo ni Fern. Sa tatlong linggo na nagkikita sila ng binata, halos sa condo na niya ito nakatira kaya minabuti nitong ilipat na sa lugar niya ang ilang importanteng mga gamit nito, lalo na't madalas naman ay sa kama niya ito natutulog. Hindi na rin siya nagtaka nang nakasiksik na rin sa closet niya ang ilang mga damit ni Fe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD