NANLULUMO pa rin si Vanessa nang pauwi na siya sa condo niya. Makabuluhan naman ang naging usapan nila ni Eleanor. Iyon nga lang, kahit alam na niya ang totoong nararamdaman para kay Fern, hindi naman niya alam kung nasaan ang binata. Ilang beses na niyang tinext at in-e-mail si Fern pero hindi ito sumagot. Nang tawagan niya ito, hindi naman niya ito ma-contact. Dumaan din siya kanina sa restaurant nito pero ang sabi ng mga tauhan nito, nagbakasyon ang lalaki. Obviously, pinagtataguan siya nito. Fern... nasa'n ka na ba? Huminto si Vanessa sa harap ng pinto ng condo ni Fern. Bigla niyang naalala ang unang beses na pinagbuksan siya ng binata kung saan tanging pantalon lang ang suot nito. Iyon ang naging simula ng pagiging malapit nila sa isa't isa. Siguro kung hindi niya kinailangan ng f

