UMUWI si Vanessa sa Laguna para sa dalawang bagay isang araw matapos ang komprontasyon nila ni Stacy. Mas mabuti nang lumayo siya sa condo kung saan tumutuloy ang babaeng iyon dahil baka bigla siyang topakin at magtanim ng bomba sa building nila. Pero siyempre, hindi niya iyon magagawa. May mga sensible na dahilan naman siya sa pag-alis. Una, birthday ng daddy niya at hindi niya iyon puwedeng ma-miss. Isa pa, gusto na rin naman niyang makasama uli ang mga magulang. Lalo siyang nangulila sa pag-aalaga at pagmamahal ng mga ito dahil sa kalungkutan niya. At doon naman pumapasok ang pangalawang dahilan ng pansamantalang pagbabakasyon niya: gusto niyang lumayas pansamantala sa condo niya dahil bawat parte ng kanyang tirahan, pinapaala si Fern at ang maiinit nilang pinagsamahan. Tuwing nasa k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


