CHAPTER 5

1582 Words
NAKAUPO si Chloe sa sofa ng living room ng mansyon ni Lawrence. Dito sila dumeretso pagkatapos ng kasal sa simbahan. Walang umiimik sa kanilang dalawa. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang sofa habang si Lawrence naman sa kabilang dulo. Nakangalumbaba si Chloe sa armrest ng sofa. Maya-maya ay pumasok ang siyam na lalaki. Mukhang mga kaibigan ito ni Lawrence dahil nakilala na niya ang isa sa mga ito. Ang kapatid ni Faith na si Shawn. Nagkatinginan ang mga ito. Chloe closed her eyes. Pakiramdam niya sa sarili, pagod na pagod siya. Epekto siguro ito ng mga nangyari ngayong araw. "Lawrence, may mga media sa labas ng compound mo." Narinig niyang sabi ng isang lalaki. "Damn! Ano na naman ba ang kailangan nila?" Inis na tanong ni Lawrence at napatingin kay Chloe na nakaupo sa dulo ng sofa. "They want to interview the newlyweds. But don't worry, pinaalis na namin sila." Sabi ni Hendrix. "Thanks." Lawrence said. "So," Shawn looked at Chloe before looking back at Lawrence, "what's your plan?" Tanong niya nang ibalik niya ang tingin kay Lawrence. "I have to explain it to her." He sighed. Tumayo siya at nilapitan si Chloe. "Chloe." Tawag niya sa pangalan nito. "Hmm?" "Magpapaliwanag na ako—" "Chloe!" Lahat sila ay napatingin kay Faith na kapapasok ng mansyon. Dere-deretso ito kay Chloe. "Chloe." Nagmulat ng mata si Chloe nang marinig niya ang boses ng kaibigan. "Faith?" Napabuga ng hangin si Faith. Tumingin ito sa mga kaibigan ng Kuya Shawn niya mas lalo na kay Lawrence. "What happened? Paanong si Chloe ang naging bride mo?" "I choose her." Sagot ni Lawrence. Naningkit ang mata ni Faith at napailing. Tumingin siya sa kaibigan. "Chloe, may sulat para sa 'yo." "Kanino nanggaling?" Tanong ni Chloe. "Hindi ko alam. Basta binigay lang sa akin kanina ng isang lalaki." Sabi ni Faith at kinuha ang isang sobre sa bag niya at ibinigay niya ito kay Chloe. Kinuha ni Chloe ang sulat at tumingin kay Lawrence. "Give me a minute. Babasahin ko lang 'to." Napabuga ng hangin si Lawrence at umupo sa pang-isahang sofa, malapit kay Chloe. Chloe opened the envelope and get the paper inside. Binuklat niya ito. 'They're already here, my lady. They're looking for you.' Nakilala kaagad ni Chloe kung kanino nanggaling ang sulat. Its from her butler. Napahawak siya sa kaniyang nuo. "Bakit, Chloe?" Tanong ni Faith at umupo sa tabi ng kaibigan. Chloe sighed. "Nandito na ang mga tauhan ni Daddy at hinanap ako." "Then what's your plan?" Faith asked. Chloe looked at Lawrence. "When is the divorce?" Nagulat si Lawrence pati na ang mga kaibigan niya. "What?" "Kailangan ko ng umalis sa bansang 'to. Nandito na ang tauhan ng Daddy ko at hinahanap ako." Seryosong sabi ni Chloe. "Chloe, walang divorce dito sa Pilipinas pero merong annulment." Sabad ni Faith. "Whatever that is. Kahit ano pa 'yan. I need to leave this country as soon as possible." Seryosong sabi ni Chloe. She's not kidding about the divorce or annulment. Umiling si Lawrence. "Walang divorce o annulment na mangyayari." "At bakit?" Mataray na tanong ni Chloe. "Because I said so." Lawrence said seriously. "Baka naman pwedeng pag-usapan 'to." Sabad ni Hendrix. Natuon doon ang atensiyon ni Chloe. "I'm Hendrix Callahan, Lawrence's lawyer and friend. Kaibigan kaming lahat ni Lawrence na nandito. I will explain to you. Kailangan ni Lawrence ang magpakasal para manatili sa pangalan niya ang lahat ng ari-arian ng pamilya nila. Dahil kapag hindi siya nagpakasal, mapupunta ang mga ari-arian nila kay Lander, ang pinsan niya. Iyong nanggulo kanina sa simbahan." Hendrix explained. "Eliza, the bride, runaway, and I don't have choice to stole a bride." Sabi ni Lawrence. "And all of people, ako ang pa," Chloe rolled her eyes. "¿Por qué tengo mala suerte hoy?" Why am I unlucky today? Naiiling niyang saad. "What?" Lawrence asked. "Típota." Nothing. She answered in greek. She used Spanish earlier. "I went here in the Philippines to escape the wedding that my Daddy wanted me to do. Pero heto ako ngayon at kasal na sa 'yo." Naiiling niyang sabi. "That's why I wanted to leave this country." "Chloe, kasi naawa rin ako kay Kuya Lawrence. Bakit hindi ka na lang muna dito?" Kumunot ang nuo ni Chloe sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?" "Kuya Lawrence needs you. Tinulungan mo na lang din siya sa simbahan para matuloy ang kasal. Lubusin mo na." Sabi ni Faith. "You can stay here as long as you want. You're safe here." Sabi ni Lawrence. "It's a win-win situation, Chloe. Tutulungan mo si Kuya Lawrence. Tutulungan ka din niya. Tanggapin mo na lang muna ang pagiging mag-asawa niyo ni Kuya Lawrence. Sabi naman niya na pwede kang manatili dito hanggang gusto mo. The security of this house is tight. Hindi ka basta-basta mahahanap ng ama mo." Sabi ni Faith. Chloe sighed. "Sumasakit ang ulo ko." Tumayo siya pero bigla siyang nahilo kaya napaupo ulit siya. "Chloe, are you okay?" Tumango si Chloe habang hawak ang ulo. Tumingin siya sa mga kaibigan ni Lawrence. "Mga kaibigan kayo ni Lawrence." Tumango ang mga ito. "Harrisson Wright." "Ezequiel Mcknight, ako ang pinakamabait sa aming lahat. Harrisson here is a kuripot guy." Nagtawanan ang mga ito. "Jeremy Quinn. I'm a doctor." "Jeremiah. Jeremy's twin. I'm not a doctor." "Reese Everson." "Wayne Huxley." "Theo Harper. I'm a chef." "You know me already." Sabi ni Shawn. Tinanguan ni Chloe ang mga kaibigan ni Lawrence. "Just call me Chloe. That's my name." Chloe smiled. "Are you Spanish?" Tanong ni Hendrix. "Half-Greek, Half-Spanish, Half-Filipino and I also have American blood." Sagot ni Chloe. "Wow." Sabi ng mga kaibigan ni Lawrence. Ngumiti si Chloe. "Kaya naman pala ang ganda mo." Sabi ni Reese. Lawrence cleared his throat. Napangisi naman ang mga kaibigan ni Lawrence. Hindi na lang pinansin ni Lawrence ang ngisi ng mga kaibigan."So are you willing to stay here?" Tanong niya kay Chloe. Bumaling ang atensiyon ni Chloe sa lalaki at tumango. "Susundin ko na lang ang sinabi ni Faith." "No annulment?" Umiling si Chloe.  "Anyway maalala ko. Iyong bag ko." "Leo!" Tawag ni Lawrence sa pangalan ng sekretaryo. Pumasok naman si Leo sa loob ng mansyon at ibinigay ang bag ni Chloe. "Ito na po ang bag mo, Ma'am." "Salamat." Kinuha ni Chloe ang bag kay Leo. Tumikhim ang mga kaibigan ni Lawrence. "Aalis na kami." Paalam ng mga ito. "Baka may gagawin pa kayo." Nakangising dagdag ni Shawn. "Shawn." Lawrence warned. "Chill!" Nagtawanan ang mga kaibigan ni Lawrence. "Chloe, ihahatid ko na lang dito ang gamit mo." Sabi ni Faith. "No need. Ipapakuha ko na lang kay Leo. Basta ipahanda mo na lang, Faith." Sabad ni Lawrence. "Okay." Faith said in a sing-sang voice. Sumunod na siya sa mga magkakaibigan na lumabas ng mansyon ni Lawrence. "So," Lawrence trailed, "gusto mo na bang magpahinga?" Tumango si Chloe. "Want to share the same bedroom or separate room?" Lawrence asked with small grin. "Separate room." Mabilis na sabi ni Chloe na ikinatawa ni Lawrence. "Okay." But not okay when Chloe's phone rang. Kinuha ni Chloe ang phone sa loob ng bag. "¡Mierda! " s**t! Mura ni Chloe nang makitang ang ama ang tumatawag. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Lawrence. Halata sa mukha nito ang pagtataka. "My dad." Sabi ni Chloe. "Sasagutin ko lang ang tawag niya." "Okay." Chloe answered her father's call. "Hola, Dad." Hello. "Chloe," her father sounded strict. "Vete a casa. Ahora." Go home. Now. "No, Dad." Chloe said. "I won't go home. Lo siento, Dad." I'm sorry. "Chloe, listen to me. Go home. Now. Or else your mother and I will continue our divorce. Go home and marry—" "Divorce then." Walang emosyon na sabi ni Chloe sa ama. "No me importa." I don't care. "Chloe, ¡cómo te atreves! " How dare you! "Bye, Dad." Chloe ended the call. "Your father sounded strict." Lawrence commented. Tumango si Chloe. "Yeah, he is. Kaya ngayon hindi na kaya ni Mommy kaya magdi-divorce na silang dalawa." "At okay lang sa 'yo?" "At first hindi pero na realized kong buhay nila 'yon. Gawin nila ang gusto nila. My mamá is a nice woman. She's always submissive. I want her to have a happy life." "That was a nice of you." Chloe shrugged and smiled. "Saan pala ang kwarto ko? Pakiramdam ko kasi bibigay na ang katawan ko?" "Second floor. Come one. We will use the elevator." Tumango si Chloe. Maganda ang mansyon ni Lawrence. Nakita niya kanina na sa labas ng mansyon, sa harapan nito ay may fountain pero hindi na niya masyadong pinagtuunan ng pansin pa. Pagod siya e. Napabuntong-hininga si Chloe habang nasa loob sila ng elevator ni Lawrence. Tanging mga hininga lang ang naririnig nila. Hawak-hawak ni Chloe ang wedding gown nang makalabas sila ng elevator. "Here's your room." Binuksan ni Lawrence ang isang kwarto. "That's my room." Sabay turo niya sa kwarto na katabi ng kwarto ni Chloe. Tumango si Chloe at pumasok sa loob ng kwarto. The room was huge. The wall are painted with white color. May chandeliers na nakasabit sa kisame. May nightstand. There's a set of sofa and a queen size bed. May dresser din. Halatang pang-babaeng kwarto. "Chloe, wala pang gamit ang kwarto mo. Mag-shopping ka na lang bukas para sa mga personal belongings mo." Sabi ni Lawrence. Chloe nodded while removing her veil. "May damit ba?" "Yeah." "Used?" "No." "Okay. Thanks." "Magpahinga ka. I know you're tired." Chloe just nod her head. Lawrence smile a little and closed Chloe's room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD