CHAPTER 4

1547 Words
NAGULAT si Chloe dahil sa pagmulat niya ng mata niya. Iba ang suot niyang damit. Nakasuot siya ng wedding gown. "Damn!" Mura niya. "Anong nangyari sa akin?" Napakurap-kurap siya ng maalala na may mga lalaking humabol sa kaniya at kinidnap siya. Napatingin siya sa paligid niya. Nasa isang kwarto siya at may mga kasama siyang babae. "Ma'am, ang ganda niyo po." Puri sa kaniya ng isa. At dahil lutang siya at nagtatanong kung ano ang nangyayari, tumango na lang siya. "Ma'am, ilalagay na po namin ang veil niyo." Sabi ng isang babae. "Óchi! " No! Sigaw niya. Tinangka niyang tumayo pero nakatali pala ang kamay niya sa upuan. Bwiset ang mga kumidnap sa kaniya. Nanggigigil si Chloe pero wala siyang magawa. "Pakawalan niyo ako dito!" Sabi niya sa mga babae na nag-lalagay ng veil sa ulo niya. "Ma'am, pasensiya na pero mahigpit po na ipinag-utos na huwag ka naming papakawalan." Napasandal na lang si Chloe sa upuan at naipikit ang mata. Mapapatay ang mga kumidnap sa kaniya oras na makawala siya rito. Ang sama ng mga ito. Napatingin si Chloe sa pinto ng bumukas ito. Kaagad niyang namukhaan ang lalaki. "Aposyndetheíte! " Untie me! "Ma'am, hindi ko naintindihan ang sinasabi niyo." Sabi ng lalaki. Chloe can't help but to rolled her eyes. "Untie me! At ano 'tong ginagawa niyo sa akin?! You kidnapped me!" "Ma'am, huminahon po kayo." Pagpapakalma nito. "Ako si Leo. Kailangan ko po ng tulong niyo." "Whatever." "Please, Ma'am, pakinggang niyo po muna ako. Tumakas ang bride ng Boss ko at kailangan niya itong palitan." "¡No me importa! " I don't care. "Just let me go." Pagmamatigas ni Chloe. For pete sake. Kaya nga siya umalis sa Greece ay para takasan ang Daddy niya na gusto siyang ipakasal sa lalaki na gusto nito para sa kaniya tapos biglang ganito. Edi useless rin lang ang pagtakas niya dahil dito. "Please, Ma'am." Leo begged. Chloe blew a loud breath. "Kung sakaling hindi ako papayag, anong gagawin mo?" "We will kill you." Deretsong sagot ni Leo at walang pag-aalinlangan. "At kung sakaling papayag ako?" Chloe asked again. "Then you're safe, Ma'am." Leo said. Chloe closed her eyes. "No tengo eleccíon. " I don't have a choice. Naiiling na sabi niya. "Ma'am?" Nagtataka si Leo kung ano ang sinasabi ng babae. Umiling si Chloe. Ayaw niyang i-transate ang mga sinabi niya. "Where's my bag?" "Pasensiya na, Ma'am, pero ibibigay ko na lang kapag tapos na ang kasal." Sabi ni Leo. "Bakit? Pumayag na ba ako?" Umiling si Leo. "Hindi, Ma'am, pero wala na po kayong magagawa. Magsisimula na po mamaya ang oras ng kasal kaya kailangan na po nating pumunta sa simbahan. At kung binabalak niyo naman pong tumakas, marami po ang mga bantay sa labas para pigilan kayo." Chloe rolled her eyes. "Mga sigurista." Napailing siya. "I will untie you, Ma'am." Sabi ni Leo. "Kanina mo pa sana ginawa. Ang sakit na ng kamay ko." Reklamo ni Chloe. "Pasensiya na kayo, Ma'am." Nang matanggal nito ang tali sa kamay niya. Hinilot ni Chloe ang magkabilang pulsuhan. Ang sakit, ah. "Ma'am, tara na po." Aya ng isa mga nag-aayos sa kaniya. Binuhat ng mga ito ang likuran ng suot niyang gown—hindi lang basta gown. It's a wedding gown. Napailing si Chloe. Bakit ang lupit ng tadhana sa kaniya? Akala niya nakatakas na siya? Pero bakit ganito pa rin ang nangyari sa kaniya? Nang makalabas sila ng kwarto na pinagdalhan sa kaniya. Doon lang niya nalaman na nasa isang hotel pala sila. Tama si Leo. Marami ang mga nagbabantay. Bakit ba siya nadamay sa problema ng may problema? Napailing si Chloe. Ano na lang ang sasabihin ng Mamá Anastacia niya dahil dito? Nang makalabas sila ng hotel, isinakay siya sa bridal car. Mag-isa lang siya sa backseat habang si Leo ang driver. May nag-escort sa kaniya. Sa harapan at likod ng bridal, may mga nakabantay. Imposibleng makatakas siya. Panay ang bukas-sara ng mga palad ni Chloe. Hindi niya alam pero kinakabahan siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pagdating nila sa simbahan. May mga nagbabantay din sa labas. Paano siya makakatakas nito? Tumigil ang bridal car sa hagdan na patungo sa pinto ng simbahan. Bumaba si Leo at binuksan ang pinto ng backseat. "Please, Ma'am..." Huminga ng malalim si Chloe bago dahan-dahang bumaba. Nilapitan naman kaagad siya ng mga nag-ayos sa kaniya kanina sa hotel at inayos ang veile niya. "Ma'am, ito na po ang bulaklak niyo." Napatitig si Chloe sa bulaklak bago niya ito tinanggap. "Ma'am," iminuwestra ni Leo ang kamay sa simbahan. Chloe shake his head. "I don't what is happening but I want to say 'goodbye single life'." Aniya bago siya nagsimula ng umakyat ng hagdan papunta sa pintuan ng simbahan. Nakasara ang pinto ng simbahan at nang makatayo na siya sa harapan nito. Dahan-dahan itong bumukas. Kitang-kita niya sa loob ng simbahan ang paglingon sa kaniya ng mga tao. "Estoy nerviosa." I'm nervous. Sabi ni Chloe sa sarili. Huminga siya ng malalim at inihakbang ang paa papasok sa loob ng simbahan. Paanong naging ganito ang kapalaran niya? Naghahanap lang naman siya ng matutuluyan kaninang umaga pero heto na siya ngayon, naglalakad na sa gitna ng aisle. "Ang ganda niya." "She look like a goddess." Ilan lang 'yan sa mga naririnig ni Chloe na komento ng mga tao sa loob ng simbahan. Habang naglalakad si Chloe palapit sa altar. Hindi niya maiwasang manlaki ang mata nang makita kung sino ang groom. No other than...Lawrence the sungit. "Chloe?" Napatingin si Chloe sa taong tumawag ng pangalan niya. It's faith. Nanlalaki ang mata nito kasama ang kapatid nitong si Shawn. Inilingan niya ang dalawa. Tatayo sana si Faith pero pinigilan ito ni Shawn. "Faith, huwag mong sirain ang kasal ni Lawrence." Sabi ni Shawn. "Pero, Kuya, paanong si Chloe ang naging bride niya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Faith. Akala niya kanina kamukha lang ito ng kaibigan pero nang tawagin niya ang pangalan nito, doon niya nakumpirma na totoo nga. Si Chloe ang bride. Paano nangyari 'yon? Chloe reached Lawrence side. Inilahad ng lalaki ang kamay. Napatitig muna doon si Chloe bago niya tinanggap ang kamay ni Lawrence. "This is unreasonable!" Lahat sila ay napatingin sa nagsalita. It was a man who's the same age as Lawrence. Kumunot ang nuo ni Chloe. Sino naman 'to? "Stop this wedding!" "Lander, ano bang ginagawa mo?" Malamig na wika ni Lawrence. Nandito na e. Sisirain pa yata ng pinsan niya ang mga plano. Hindi pinansin ni Lander ang tanong ni Lawrence. Tumingin siya sa pari. "Father, she's not the bride. Tumaas ang talagang bride. At ang bride na 'to," sabay turo sa kaniya, "is fake. Kinidnap lang siya para ipalit sa bride ni Lawrence." Suminghap ang mga bisita. "Damn you, Lander..." Nanggigigil na sambit ni Lawrence. "Marriage is not a joke." The priest said. "Marriage is a holy matrimony between a man and woman. Kung ganun, hindi na matutuloy ang kasal na 'to. Pero gusto kong tanungin ang bride, totoo ba 'yo, hija? Kinidnap ka para maging bride ng groom?" Lawrence was already livid. Nagsimula ng magbulungan ang mga bisita nila. Tumingin siya kay Chloe na nakatingin rin pala sa kaniya. Natigilan si Chloe nang makita ang emosyon ni Lawrence lalo na ang sinasabi ng mga mata nito. They were begging and pleading. In that moment, Chloe wanted to help Lawrence whatever the reason why he choose her to kidnapped her and be his bride. "Father," tawag ni Chloe sa pari. She smiled, "hindi po totoo ang sinasabi ng lalaking 'yan," sabay tingin niya sa lalaking nagtangkang pumigil ng kasal, "wala pong kidnapan na nangyari. Kusa po akong pumunta dito sa simbahan para magpakasal. Wala pong pumilit sa akin. Kusang loob po ako na magpapakasal kay Lawrence. That man," tinignan niya ulit ang lalaki, "wanted to ruin the wedding. He's a bitter because he didn't find the right woman for him." Chloe said. Natigilan si Lawrence at napatitig kay Chloe. Leo told him her name. Kung paano nagawa 'yon ni Leo ay hindi niya alam. "Unbelievable!" Galit na sigaw ni Lander at naglakad palabas ng simbahan. Lihim na napangisi si Lawrence. "Matutuloy pa ba ito?" Tanong ng pari. "Yes, Father." Sagot ni Lawrence. "Explain to me later." Walang emosyong sabi ni Chloe kay Lawrence. Tumango si Lawrence, "thank you." Tumango lang si Chloe. Sabay silang humarap sa pari. Habang dinadaos ang seremonya ng kasal. Sumusunod na lang si Chloe. Hindi niya alam kung paano ang tradisyon ng mga Pilipino kapag kinakasal ang mga ito. Though some of Filipino wedding traditions have similiraties in Greece wedding. Chloe sighed. First is the priest's opening remarks, the priest's addressess her and Lawrence as a couple, the exchange of vows, the exchange of ring and last is the pronouncement of marriage. "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Bahagyang umiling si Chloe kay Lawrence. Nagpalakpakan naman ang mga taong nasa loob ng simbahan. Lawrence lifted her veil. Hindi naman maiwasang mamangha sa ganda ni Chloe. Her beauty is like a goddess. Ibinaling ni Chloe ang tingin. Alam naman ni Lawrence na ayaw ni Chloe ang sinabi ng pari kaya naman ang gilid na lamang ng labi nito ang hinalikan niya. For the first time, he smiled to a woman and that woman is Chloe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD