Kabanata 31 (SPG) MULA noon hanggang ngayon ay walanh kupas ang pagsinta niya kay Marie sadyang tanga-tanga lang siya dati kaya’t nawala ito sa kanya. “Hindi na mauulit iyon, hinding-hindi ko na siya sasaktan,” mahinang usal niya. “Huh? May sinasabi ka?” takang tanong no Juan sa kanya kaya’t napatingin siya dito. Napailing siya. “Ah, wala. Nagagandahan lang talaga ako sa saya na suot ng misis ko ngayon ko lang siya kasi nakitang nakasuot ng ganiyan.” “Ah, mura lang naman ang ganiyan kung gusto mo ay ituro ko pa sa iyo kung saan iyan mabibili. Maganda ang tela at magaganda ang desenyo nila,” tugon ni Juan sa kanya. Napaisip siya. Bakit hindi, mukha naman kasing nagustuhan ng dalaga ang saya. “Sige, salamat, Juan,” aniya at tinapik ang balikat ng lalaki. HABANG hindi naman makapaniwa

