HINDI mapaliwang ni Marie ang kanyang naramdama ng mga sandaling ito. Bakit hindi niya napigilan kanina ang lalaki na gawin ang bagay na iyon? At tila hindi man lang siya nagalit. Napapikit siya ng mariin. “Huwag mong sabihin na nahuhulog na naman ang loob mo sa demonyong iyon?” bulong ng kanyang utak. Umiling-iling siya. Hindi maaari, baka naman hinahanap lang ng kanyang katawan ang init ng lalaki dahil noong mga nakaraang araw ay walang tigil ang pagsiping nila at kagabi ay hindi siya ginalaw ng lalaki. “Tama libog lang ito at wala nang iba pa,” giit niya sa kanyang sarili. At sumandal sa may pintuan ng banyo. Hinihintay niya si Diablo na pinuntahan ang ginang na may ari ng bahay kung asan sila ng mga sandaling iyon para kunin ang isusuot nila. “Marie, heto na ang damit na isusuo

