Kabanata 29 NAPABABA na lamang siya ng tingin sa sinabi ng tindero habang napakamot naman sa kanyang batok si Diablo. “Naku ganun na nga hu,” natatawang tugon nito at hinawakan ang kamay niya. “Sige, iwan ko na kayo para makakain na din ang misis mo at mabigyan ko na din ang iba pang customer ng ice cream,” pamaalam ng tindero at tumalikod na ito. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng tindero na, asawa daw siya ni Dialo ayon dito. Napapikit siya ng kanyang mga mata at niyukom niya ang kanyang mga kamaya. “Utang na loob huwag kang kikilingin!” saway niya sa sarili dahil kumakabog-kabog na naman ang kanyang dibdib at tila ba may kumikiliti sa kanyang sikmura sa mga narinig. “Marie? Ayos ka lang ba?” Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni Diablo at paghawak nito sa kan

