Kabanata 46 PAGKABABA niya ng baso ay kaagad siyang huminga ng malalim at pinikit ang kanyang mga mata at minulat niya din kaagad at tumingin kay Maica. “Okay ka na? Huwag ka mag-alala ginagawa na ng mga police ang kaya nila para mahanap ang lalaking iyon at tumutulong din naman si Diablo,” sabi ni Maica sa kanya. “Ngunit nakakapagtaka lang talaga na ibanggit ni Diablo na kilala ka daw niya at maging si insan?” biglang bulalas ni Maica. Huminga siya ng malalim. “Dahil stalker ko siya, Maica. Inamin niya sa akin at gusto niyang magsama na kami.” Niyukom niya ang kanyang mga kamay nang bumalik sa alala niya ang itsura ng lalaki habang sinasabi ang mga salitang iyon. Napatakip siya sa kanyang tenga dahil tila naririnig niya din ang boses nito. “Marie, ano nangyayari sa iyo?” natarantan

