Kabanata 47 HINDI mawala-wala sa isipan ni Marie ang sinabi ni Diablo sa kanya kaya’t heto siya nakatulala. Iniisip kung ano ba dapat ang kanyang isasagot sa lalaki. “Hoy, ayos lang? Kanina ka pa tulala, ah. Kinakabahan na ako sa iyo, magsabi ka lang kung natatakot ka o may masakit sa iyo,” sabi ni Maica sa kanya at umupo ito sa tabi niya. Nasa loob sila ng silid nila ni Diablo, madalim na kasi sa labas kaya’t pumasok na sila at napagdesisyunan nilang sa kwarto na lang nila ni Diablo sila kakain total may lamesa naman. Ang dalawang lalaki ang nag-order ng kakainin nila. “Marie? Hoy!” pukaw ni Maica sa atensiyon niya kaya’t napatingin siya rito. “Ano iyon?” aniya sa mahinang boses. “Ayos ka lang ba? May gumugulo ba sa isip mo? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako,” seryosong sabi n

