TAHIMIK na nakatitig si Conrad kay Don Lucio na payapang natutulog sa kama ng ospital. Ayon sa mga doktor ay mabuti ang lagay ng matanda ngayon, ngunit wala pa ring makapagsasabi kung ligtas na ba talaga ito o kailan aatakihin muli ng sakit. Sa pagtanaw niya sa matanda, parang gusto niyang pagsisihan ang mga panahong ginugulgol niya upang kamuhian ito. He didn't realize until now that this old man already suffered enough. Nabulag siya ng pag-hihiganti at pag-nanais na damayan sa pighati si Julia. "I'm sorry, Lolo." mapait na bulong niya at hinawakan ang kamay ng tulog na matanda. "Hindi ko inaakala na ganito na pala kalala ang sakit mo. Kung nalaman ko lang----" Natigil ang pagsasalita ng binata nang pumihit pabukas ang pintuan. Ibinaling niya ang tingin sa direksyong 'yon at nakita si

