“You are doing a good job, Conrad apo.” ang ideya na lang ng mas malaking pag-hihiganti ang pumipigil kay Conrad na isampal sa pag-mumukha ng kanyang Lolo Lucio ang mga papeles na nag-bibigay katibayan sa mga ginawa nito noon. Pinilit niyang huwag ipahalta kay Don Lucio ang poot na nararamdaman niya habang kinakausap siya nito. He swears, ‘Lubos-Lubusin mo na ito, Don Lucio San Martin. Matatapos na ang kaligayahan mo soon enough!’ "Keep doing what you are doing para mapaamo si Julia at wala nang makaka-hadlang pa sa kasalang magaganap sa pagitan ninyong dalawa," pagpapatuloy na papuri ng Don at tinapik ang balikat ng apo. "You really are a True San Martin." Tumugon ng pekeng ekspresyon ng pagsang-ayon si Conrad kaya't nang makuntento ang Don sa sagot niya'y nilisan na nito ang kwarto. T

