Hindi mapalagay si Julia habang nag-mamaneho. Pinakikiramdaman niya ang galaw ng kasamang si Conrad. At dahil siya ang inaasahan ng CEO nila na mag-tour sa binata, kahit hindi niya naiisin ay kailangan niyang pakisamahan ito. Actually she wants to laugh at how playful life is, biruin mo, matapos niyang gawin lahat para maka-wala sa anino ng mga San Martin, here she is having no other choice between “DO OR DIE”. Pumasok rin sa isip niya kung sinadya ba ito ni Conrad, o baka naman isa lang ito sa mga utos ng lolo nitong si Don Lucio para mapa-balik siya ng Hacienda? Sa ngayon, wala pang malinaw sa kanya kaya mas makakabuting mag-ingat siya sa kung ano mang itensyon ng binata sa kanya. “We’re here, Mr. San Martin.” Sambit niya matapos i-park sa parking lot ng isa sa mga main branches ng adv

