
Gambling is a filthy habit. Pero para kay Enrico Ace Ford III, ito ang bumubuhay sa kaniyang dugo. Iba ang pakiramdam at sensasyong nararamdaman niya tuwing may tinataya siya, lalo na kung alam niyang ikapapahamak niya ito. Para sa iba, dulot na rin ito sa pribelihiyong mayroon siya. Isang bilyonaryo, tanyag na negosyante, makisig, matalino, magaling sa lahat. What is he to lose? Marami siyang babalikan at panghahawakan kung saka-sakaling matatalo siya nang malaki sa pagsusugal—but Enrico is yet to give up his winning streak. He never once lost. Pero lingid sa kaalaman nila, ito’y bunga ng malaking sikreto na matagal na niyang dinadala: Enrico has a sick obsession with playing with the devil and with a married woman twice his age.
