VII - Friends

2250 Words
Classes started and nagsimula na rin akong maging busy sa studies ko. Pero nanatili pa rin ang communication namin ni Claudette. Of course dahil bukod sa busy nga ako sa pag-aaral, tinuturuan ko rin siya ng ilang lessons ko. She's excellent and fast learner. Kaya I guess, she's really an intelligent person. Lumipas na ang 2 months, at marami na rin ang nangyari. Mas naging comfortable na ako sa school ko at mayroon na ring mga new friends. "Iris, ano nga ang English ng tanggapin?" tanong ni Claudette sa monitor. "To accept; accept," sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nagpasalamat. Sure akong isusulat na naman niya ang mga bago niyang natutunan na salita. Sa ngayon kasi, focus siya sa English subject. Support naman ako kaya tinuturuan ko rin siya. Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko, sa table ko at as usual, kaharap ko si Claudette. Bihira lang ako lumabas ng kwarto dahil madalas ko ring kausap siya. Mabuti na lang at hindi nalolow-batt ang TeleVerse, hindi ko rin alam kung mayroon bang battery 'to eh. Natapos ko na ang mga homeworks ko at on-going ang pag-aadvance study ko sa mga subjects ko bukas. Habang si Claudette naman ay nag-aaral ng English. Napatingin naman ako sa aking phone nang mag-vibrate ito. May tumatawag, tiningnan ko kung sino. Oh, my new friends. Pagkasagot ko ng call, bumungad ang mga mukha nila. Video call pala ang call namin ngayon. Saglit akong sumenyas kay Claudette para sabihin na may tawag ako. Tumango naman siya't ngumiti, then nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Hi," bati ko. "Hi!" tugon ni Ciana. "Hello," Mara said. "Hi, so guys, pwede niyo ba akong samahan sa Saturday? Opening kasi ng Salon namin sa Mall and I want you guys to be there," Vivian announced. "Sure, pupunta kami. Right, girls?" sabi ni Mara. Tumingin naman ako sa small bulletin board ko kung may agenda ba ako for Saturday. "Oo naman, Vivian! Support kami," Ciana cheerfully said. Binaling naman nila ang tingin sa akin. "Eh ikaw ba, Iris, sasama ka 'di ba?" Vivian waited for me to answer. "Uh," tangi kong saad. May pag-aalinlangan dahil actually ang araw na 'yun ay para sa amin ni Claudette. "Wait lang," saad ko saka bumaling kay Claudette. "Claud, is it okay if sa hapon na lang tayo mag-aral?" mahina kong paki-usap kay Claudette na mukhang kanina pa pala nakatingin sa akin. Ngumiti siya't tumango. "Oo naman, Iris! Naiintindihan ko naman na may mga bago ka ng kaibigan kaya dapat na mag-enjoy ka lang," saad niya. Dahan-dahan akong tumango at pinakiramdaman pa kung okay lang ba talaga sakanya. Pero nanatili lang ang ngiti niya na parang naiintindihan naman niya ako. Bumalik ako sa phone ko. "Okay, I'll be with you guys this Saturday," I confirmed. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ng aking mga kaibigan. "Okay then, see you my beautiful friends, mwah!" paalam ni Vivian at nag-end na rin ang call namin. Nilapag ko na ang phone at binaling ang atensyon ko sa gawain namin ni Claudette. "Ang sosyal sosyal naman ng mga bago mong kaibigan. Sabagay, gan'on ka rin naman. Pero, gusto ko lang itanong kung maaarte ba ang mga 'yan?" tanong ni Claudette na ikinabigla ko. Hindi ko kasi ineexpect na sasabihin niya 'yun sa akin. Nakukwento ko naman sila sa kanya, pero hindi naman gan'on ka-chika. Ito rin siguro ang first time na narinig at nakita niyang mag-usap kami ng mga kaibigan ko. "Grabe ka naman sa maarte," I commented and laughed a bit. "Well, sa pagsasalita nila siguro ay matutukoy mo na sosyal nga sila at mukhang maarte kagaya ng sinabi mo. Pero hindi naman sila kasing-arte ng iniisip mo. Halos dalawang buwan ko na silang nakakasama sa iisang mesa, and I sense that they're good influence naman sa akin. Walang problema sa ugali nila, they're also good at academics, and talented also," paliwanag ko kay Claudette, on behalf of my friends. Si Ciana ang pinakauna kong naging kaibigan sa kanila, dahil malapit lang naman ang desks namin. She's soft-hearted and kind. Itinuturing siyang bunso ng klase, 'cause she's one of the youngest and dahil maliit lang din siya. Madali siyang pakisamahan ng lahat kaya walang nangangahas na plastikin siya dahil mabait din ang turing niya sa amin. Kung sino man ang umaway or nangtraydor sa kanya, sigurado akong makokonsensya nang malala. She's too kind to be hurt. May dalawa siyang best friends na ipinakilala niya sa akin. Si Vivian at si Mara. Si Vivian ay matangkad, katamtaman ang kulay ng balat, at balingkinitan na katawan. Ang unique feature na mas lalong nagstand-out at nagpapaganda sakanya ay ang magaganda niyang mata. Hindi ko ma-explain pero maganda talaga ang mga mata niya, it's almost perfect haha. She's friendly, charming, intelligent, at magaling na leader. Lahat din ay madali niyang pakisamahan kaya nagiging comfortable naman ang karamihan sakanya. In terms of her leadership, she's not that strict but more on supportive and chill way. Bagay na nagugustuhan ng mga kaklase namin. Hindi na ako nagtataka na kasali sa Supreme Student Government (SSG). Isa rin siyang officer sa aming klase. Si Mara naman ay katamtaman ang tangkad at hugis ng katawan, palagi siyang nakaponytail, and you can see a strong aura from her. Noong una, siya talaga ang pinaka-intimidating para sa akin at hanggang ngayon naman. She's an athletic and talented person. Kaya siya ang madalas na competitive at determined sa amin. Kung ang dalawa ay madalas makihalubilo sa iba, siya naman ay hindi gan'on ka-friendly. But she's popular dahil sa mga achievements niya sa sports and dancing. Marami ang humahanga sa kanya sa skills and talents niya, at magiliw naman niyang ina-approach ang mga 'yun. "Mabuti naman kung gan'on. Ayaw ko kasing makitang may nakakaaway at nakakatampuhan ang kakambal ko eh," Claudette said while pouting. Tumawa ako dahil sa reaksyon niya. "Ano ka ba? No one will do bad things to me, especially when it comes to my friends 'no. Wala pa akong mga kaibigan na nagtraydor or umaway sa akin ever," kampante kong saad sa kanya. Well, wala nga talaga. May mga kino-considered naman akong mga friends pero hindi naman as in close friends. Isa lang din naman ang tinuring kong best friend mula Elementary hanggang ngayon. Walang iba kun'di si Cess. Si Cess ay ang best friend ko ever since childhood years ko. Classmates kami simula Elementary hanggang Junior High School. At ngayon lang kami nagkahiwalay nang ganito kalayo. Pero sinigurado namin na hindi magtatapos ang friendship namin doon. We're still communicating pero through chats and calls na lang. And usually tuwing night time dahil busy sa kanya-kanyang buhay. Pero kahit hindi na katulad noon na parang hindi na kami mapaghiwalay at palaging magkasama't magkausap, ngayon naman na madalang na lang kami magchikahan, still nananatili pa rin ang closeness namin. Actually, siya nga lang ang nasabihan ko tungkol sa TeleVerse. At sabi pa niya na sa susunod na magkikita kami, na for sure ay mangyayari dahil sigurado akong dadalawin niya ako rito, ay titingnan niya ang gadget na iyon. When Saturday came, my friends picked me up from our house. Dumiretso kami sa Mall, and decided to eat muna before kami pumunta sa Opening ng Salon nila Vivian. We eat in a Korean restaurant and nagkaroon ng kwentuhan. Kwinentuhan nila ako sa mga events na dapat abangan sa school. Katulad ng Foundation Day, Intramurals, and Night Out na malapit nang maganap. "Isa pa pala, saang Club ka nga pala kasali?" tanong ni Mara sa akin. "Uh, sa Music Club. Oo nga pala, actually may nag-invite sa akin na band na sumali ako sa kanila. Share ko lang hehe," kwento ko sa kanila. Bakas naman sa kanila ang excitement at gulat. "Really? That's nice!" komento ni Vivian. "I think you should join, Iris. Usually kasi natugtog ang mga banda sa school kapag may events," saad naman ni Ciana. Ngumiti ako. "What band did invite you naman?" curious na tanong ni Mara. "Reve," sagot ko. Napasinghap sila nang marinig ang sagot ko. "What? OMG, you should definitely join them!" Ciana insisted. Natawa ako sa mga reaksyon nila. "Bakit?" tanong ko. "Sila lang naman ang most popular band sa buong MIS, hindi lang sa High School Campus. Pati na rin sa College! Ang banda na 'yun ay ang pinakamatagal nang banda sa MIS, tradition nang may pumapalit sa kanila nang hindi napuputol or nasisira 'yung genre and style nila which is like dream pop and some chill genres din. Usually ng mga members ng band ay mga popular and they're really talented, so kapag nakasali ka sa kanila, ibig sabihin magaling ka and you can be popular also," paliwanag ni Mara sa akin. Namangha naman ako nang ikwento niya 'yun sa akin. So ang Reve pala ay isang sikat na banda? "Iris, gusto mo na bang sumali sakanila?" nakangiting tanong ni Vivian sa akin. Huminga ako nang malalim. "Actually, hindi pa naman ako nakakapag-audition sa kanila at pinag-iisipan ko pa rin," saad ko. Bumagsak naman ang balikat nila. "Most of the members already graduated in College last year, kaya siguro naghahanap na sila ngayon ng mga papalit," saad naman ni Ciana. "Kung ako'y ikaw, Iris, I would join them at hindi na magdadalawang-isip pa. It's a great opportunity for you," Mara smirked as she said those things. Mas lalo tuloy akong na-pressure. But, actually mas nananaig ang kagustuhan kong sumali sa kanila. Lalo na n'ong marinig ko ang mga kwento nila. And to think of that, I'm sure na mahahati na naman ang academics at other stuffs sa time ko. Isama ko pa ang pagtutor ko kay Claudette. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Vivian sa aking balikat. "Okay, I'll join the band," saad ko. Weekends passed, and so our classes started again. At nang matapos na ang klase ko, dumiretso ako sa Music Room dahil nabalitaan ko na On-going pa rin ang audition para sa mga banda, lalo na sa Reve. Pagpasok ko, naabutan ko si Ate Jennifer na siyang President ng Music Club. Isa rin siya sa Stage Manager ng Reve, sa pagkakaalam ko. Siya rin ang nag-invite sa akin na sumali sa banda nila. "Uy, Iris! Ano, sasali ka na ba?" tanong kaagad sa akin ni Ate Jennifer. I chuckled, lumapit ako sakanya. "Yeah, I decided to audition po sana. Kung pwede pa ba?" saad ko. Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. "Oo naman! Kung gusto mo nga eh, hindi ka na mag-aaudition. You're qualified naman na," sabi niya sa akin. I giggled, I felt lucky tuloy. Naalala ko kasi, nag-audition ako sa Music Club. Tumugtog ako ng piano habang kumakanta. Iyon ang ginawa ko, at pinuri niya rin ako n'on dahil sa sinabi kong I can play various instruments. "Oh sya, tara dito. Nand'on na ang mga members ng Reve," saad niya at sinamahan ako hanggang sa harap ng stage. Bigla ako nakaramdam ng kaba dahil nakita ko na sa wakas ang mga members ng Reve. They're 3 of them, dalawang lalaki at isang babae. "What's your name?" tanong ng lalaki na nasa gitna. Wait, he's familiar. Oh, he's my classmate! "Hello, I'm Iris Llana Dela Costa. I'm from Grade 11- ST-1. I'm a member of the Music Club," pakilala ko. Tumango-tango naman sila. "Classmates kayo?" saad naman ng isang lalaki. "Yeah," ngiting tango ni Louis. I smiled back, akala ko ay hindi niya ako kilala dahil tinanong niya ang name ko kanina. "Okay, Iris, you may start. Good luck!" ngiting saad naman ng babae. Huminga ako nang malalim saka kumanta habang nag-gigitara. I sang Ako Naman Muna by Angela Ken. I ended the song by smiling dahil finally tapos na! Narinig ko naman ang palakpakan ng mga taong nanonood sa akin. Nakikita ko sa kanila ang pagkamangha at tuwa. "Guys, siya ang sinasabi ko sa inyo. What do you think?" singit ni Ate Jennifer. "Oh, Really? I'm impressed, hindi nga nagkamali ng pagpili si Jennifer sa'yo," saad ng lalaki. Napangiti naman ako. "What do you think, Xyriel, Louis?" tuloy niya. "Magaling siya. At wala akong nakikitang dahilan para hindi siya maging member ng Reve," komento ni Louis. Naramdaman ko pa tuloy ang pag-init ng aking pisngi. "Yeah, I'm also impressed. Good thing na nahanap ka agad ni Jennifer. Congrats, tanggap ka na agad!" announced ni Xyriel. Napasinghap naman ako. Hindi ako makapaniwala na mabilis nila akong tatanggapin bilang member nila. "Really?" saad ko habang nakangiti pa rin. I'm just really overwhelmed and glad. "Yes, Congrats!" saad ni Ate Jennifer. "Finally, kumpleto na ulit ang Reve!" saad naman ni Kuya Miguel. "We should call Cy, dahil magcecelebrate na tayo para sakanila ni Iris, our new members," sabi naman ni Xyriel. Lumabas na kami ni Ate Jennifer, busy yata siya tawagin 'yung other new member yata. "Oh, sakto, nandito ka lang pala Cy. Halika na, we should celebrate dahil kumpleto na ang Reve!" masayang pag-aya ni Ate Jennifer. Tumingin naman ako kung sino si Cy. "Cy?" bati ko kay Cy, na kaklase ko rin pala. "Uy, Iris! Congrats, new member ka na rin pala!" saad ni Cy, napangiti ako at yinakap siya. Cy and I are good friends also. Dahil katabing desk ko siya, madalas ko rin siyang matanungan tungkol sa acads and makakwentuhan dahil pareho kaming transferees. Siya rin ang pinakauna kong nakilala rito sa MIS kaya I really considered him as my friend. It's really a great start for me to have some good friends. Friends I can lean on, who will support me. I'm one of the luckiest, indeed, because I have them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD