VIII - Fame

2395 Words
Ever since I joined the band, everything became easier for me to fit in. Some of my schoolmates are waving at me, some naman are chatting through direct or private messages. Mas dumami na rin ang mga followers ko sa iba't-ibang social media accounts ko. Mayroon pang iba na nagpapapicture sa'kin at 'yung iba ay kusang lumalapit para makipagclose, and some are just giving foods, drinks, and gifts. And I really appreciated them all. Na-speechless ako kasi hindi ko naman in-eexpect na ilang buwan lang ako rito ay marami na agad akong kaibigan at kakilala. But not to brag, hindi naman ako 'yung tipo ng tao na typical loner and shy. Kahit dati pa sa old schools ko, I usually joined organizations and participate in different events sa school. Marami rin naman akong acquaintances, but nasabi ko nga na isa lang ang timututing kong best friend. In just a glance, MIS became a comfortable place for me. Knowing na may mga sumusuporta at humahanga sa'kin. Especially na nacocompliment ako ng mga friends ko at ng mga co-members ko sa banda. Ang Reve band ay isa ngang sikat na banda sa MIS. Pinakilala nila kami ni Cy bilang new members noong araw na natanggap kami at nagcelebrate for us, dahil kumpleto na ulit ang banda. Pumunta kami n'on sa studio nila which is malapit lang sa campus ng MIS High School. And nakakamangha dahil malaki ito at talagang hindi sila basta-basta. They're like professionals na because sometimes they performed in some gigs sa Merionnes City and other cities na malapit lang din dito. Mas nakilala ko rin ang other members namin. Si Ate Xyriel ay 2nd year College sa MIS College and she's taking a Music course. She's the second eldest here in our band. Siya rin ang pinakamatagal na member sa Reve with almost 7 years. Siya ang naka-assign sa arrangement ng music, minsan ay composer and songwriter din, and she's the lead guitarist and back vocals. Si Kuya Miguel naman ang pinakamatanda sa'min dahil siya ay 3rd year na in College. He's in the band for 5 years. Siya naman ang naka-assign sa violin and percussions. Siya ang usually nagcocompose ng mga songs nila and siya na rin ang producer. Si Louis naman ay classmate namin ni Cy, kaya kilala ko siya. He's the lead vocals, bassist, and songwriter. He's in the band for almost 3 years. At sabi ni Ate Jennifer na siya ang pinakafamous na member ng Reve dahil sa ganda ng boses niya at dahil gwapo. Si Ate Jennifer ang Stage Manager ng banda. Siya na ang gumagabay sa'min at siya rin ang producer with Kuya Louis. She's Grade 12 and 2 years na siyang Manager ng Reve at 3 years nang President ng Music Club. She's very hardworking and caring pagdating sa mga members niya. Si Cy naman ay ang pinakaclose ko rito sa Reve so far, dahil friends naman na kami. He's assigned to the back vocals and drums din pala. At ako naman ay lead vocals, pianist, accoustic guitarist. Sinabi naman nila na pili ang mga instruments na ginagamit so they're glad na marami akong alam na instruments bukod sa piano na kailangan nila. It's been 3 months since I've been a member of the Reve band. Mas maraming nakakilala sa'kin bilang isang transferee na lead vocals ng Reve. Mas nakilala ako ng karamihan, lalo na n'ong madalas akong makitang kasama ang grupo nila Vivian. Hindi ko alam na sikat din pala ang grupo niya, at hindi naman ako nagdududa dahil my friends are excellent in different fields. "Hey Iris, are you even listening to me!?" rinig ko na ang matinis na boses ng best friend kong si Cess. Tumawag kasi siya sa'kin at may kwinekwento siyang chika na nangyari sa dati kong school. Updated pa rin ako dahil sa kanya. "Oo, nakikinig ako Cess," I said while checking the strings in my guitar. Actually, naka-video call naman kami. Mas nalalaman niya kung busy ba ako sa ibang bagay o nakatuon ang atensyon ko sa kanya. "Kanina ka pa d'yan sa gitara mo, 'di pa ba 'yan tapos!?" reklamo niyang tanong. I just laughed dahil sobra pa rin niyang impatient. I decided to put guitar sa tabi muna para kausapin na si Cess nang maayos. "So, ano bang meron?" ulit kong saad. Bumagsak ang mga balikat niya at napahilamos sa kanyang mukha. "Okay, nothing. Anyways, oo nga pala. Nakwento mo sa'kin na sobrang sikat pala ng banda mo! Ngayon tuloy gusto ko nang pumunta d'yan at panoorin kayong magperform!" excited niyang saad. I just smiled, it's been almost a year na hindi na kami nagkikita kaya she's very excited to see me. Lalo na yata n'ong nakwento ko nga 'yung about sa banda ko. Madalas kaming pumupunta sa mga karaoke at kumakanta. At mahilig din siya mga banda. "Hindi mo naman din nasabi sa'kin na ang gwapo pala nung Louis ba 'yun? Basta 'yung sa vocals din! OMG grabe, kung ako sa'yo haharot na 'ko r'on," singit niya. Umirap ako dahil nagawa pa pala niyang usisahin ang profile ng mga ibang members. "Pero in fairness, gwapo naman lahat ng boys d'on, si Miguel din! Pero feel ko he's too old for me. Gwapo rin si Cyrus, ang cute and he looks very charming!" saad pa niya. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi niya kasi alam na kaibigan ko rin naman 'yun. "Gusto mo i-reto kita?" aya ko. Napasinghap siyang tumingin sa'kin. "Enebe, kakahiya ehe," she cutely said, kahit hindi naman cute talaga. Napailing na lang ako sa kaharutan ng babaeng 'to. "Girl, wala ka bang natitipuhan sa kanila? Hindi ako naniniwala kung sasabihin mong wala," kantayaw niya sa'kin. Ang lakas talaga mang-trip nito eh. "Wala pa naman, pero I'm interested to Louis," diretso kong pag-amin. Tumili naman siya. Nagulat pa ako dahil mukha siyang kinikilig. Hindi ko alam kung bakit. "In fairness, bagay kayo! Ship na 'yan agad!" komento niya. "Ano bang sinasabi mo? Baka nga may girlfriend na 'yun," saad ko. Sumingkit ang mga mata niya. "Edi tanungin mo, duh?" she said na para bang ang dali lang ng suggestion niya. "Nako, gwapo pa naman 'yan. Baka maunahan ka," kantyaw pa niya ulit. "Bahala ka d'yan, 'di ko gagawin 'yan," I refused her suggestion. Nagkibit-balikat na lang siya na parang kinokonsensya pa niya ako. Natigil naman kami sa pagkukwentuhan nang tumunog ang TeleVerse, ang tawag na mula kay Claudette. Nagpaalam na si Cess at sinabing sagutin ko na lang daw ang tawag ng 'kambal' ko, may gagawin din daw siya kaya we both end our video call. Sinagot ko naman ang call ni Claudette at nakita ko na may pinakita siya sa'kin. "Look!" masaya niyang saad. Napasinghap ako. She has an organ piano on her side. "Wow! P-paano?" tanong ko. "Well, dahil nakwento mo nga sa'kin na sumali ka sa isang banda at isa kang pianist at guitarist kaya nagpabili rin ako ng mga instruments na gan'on," magiliw niyang kwento. I was amused, hindi naman niya kailangang bumili pa at matuto rin. "Sobrang madalang lang makita ang mga ganitong instrumento. Madalang lang din sila gumamit ng instrumento o musika eh," saad niya. Mas lalo akong napasinghap. What? Isn't like music is one of the powerful things in the world? Dahil sa music, nagkakaroon ng buhay sa mundo. But I guess our worlds are really different. "Buti naman at meron kayong nakita," sabi ko pa. Tumango siya. "Mula pa 'to sa malayong lugar, ang lugar ng mga musikero," pahayag niya. Wow, there are a place for musicians? That's really interesting. "Talaga? Ang laki nga kaibahan ng kultura at pagkakakilanlan ng mundo niyo at sa'min," I commented to what she said. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. "Teka, marunong ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Actually, hindi pa nga eh. Kaya nagbabakasakali akong tuturuan mo 'ko!" She giggled while talking and I just smiled. "Syempre naman, baka 'yan pala ang gusto mong career. At least may pinagkakaabalahan ka bukod sa pag-aaral ng English at Science," saad ko. "Yeah, thanks to you!" masaya niyang tugon. Sa loob ng ilang months naming pag-aaral, ang bilis niya matuto ng mga naitituro ko sa kanya. Sabagay, she has a background na rin naman kaya hindi na mahirap sa kanya. Nadagdagan na rin ang schedule ko simula n'ong naging Reve member ako. Every Friday, may practice kami after ng uwian. And every Saturday, pumupunta kami sa studio mismo para magpractice and hangout. Pero hindi naman siya as in every week, may times pa rin na napagdedesisyunan ng grupo na hindi muna magkita dahil sa busy schedules, lalo naman kung walang gigs or events na pupuntahan. "Hi po, Ate Iris! Ang galing niyo po!" bati ng isang Sophomore na babae. Me and my friends are currently eating here in the Canteen. I smiled and waved at her. Nakita ko naman na mukha siyang kinilig at umalis na. "Iris, sikat na sikat ka na talaga!" puri ni Ciana sa'kin. "Yeah, everyone's keep noticing you even sa College campus. Especially n'ong nagperform kayo sa isang event d'on," Vivian cheerfully said. Nanatili ang ngiti ko dahil sa paulit-ulit nilang pagsabi sa akin ng mga ganitong bagay. "She should be, hello? She is Reve's vocalist and she's one of us, kaya natural lang 'yun," Mara sassily uttered. Everyone chuckled when we heard her. "Basta Iris, support lang kami sa lahat ng decisions at mga gagawin mo ah? And we're proud of you!" Ciana cheered me up. Ngumiti naman ako, gan'on din si Vivian na tumatango-tango rin. Days passed, at nandito na ako sa studio for our genereal rehearsal. Malapit na kasi ang Foundation Day, at magpeperform kami. "Iris, ito 'yung mga list of songs na nirequest at recommendations nila. Pipili na lang tayo kung ano ang tatlong kakantahin niyo," saad ni Ate Jennifer. Tumango ako at kinuha ang list. Tumungo ako sa sofa at tahimik na binasa ang mga nasa list. Karamihan ay mga kanta na mula sa iba't-ibang banda rin. 'Yung iba naman ay hindi ko alam, kaya sinearch ko na lang at papakinggan. "Hey," rinig kong bati ni Louis. Napatingin ako sa kanya habang siya naman ay umupo sa tabi ko. Agad akong umusog nang kaunti dahil hindi ko naman in-expect na tatabihan niya ako. "Pahiram. Anong mga nagustuhan mo rito? Ang dami palang songs nito ah," saad niya habang hawak ang kanyang coffee sa kaliwang kamay niya at hawak naman ang listahan sa kanan niya. "Uh, wala pa akong napipili. 'Yung iba, gusto kong pakinggan kasi 'di ko pa yata naririnig haha," I honestly said. Tumango-tango naman siya. "Sure let's listen," pag-aya niya. Kinuha niya 'yung earphones ko at sinalpak niya ang isa sa tainga niya. Medyo nagulat ako r'on, pero syempre hindi ko na pinahalata at nag-go na lang din ako sa idea niya na pakinggan namin. Solomon - MuniMuni ft. Clara Benin Noong ika'y dumaan Ano'ng nakita ko? Hindi ko alam Basta naramdaman Basta natuklasan... "Hindi mo pa 'to napapakinggan?" tanong sa'kin bigla ni Louis. Napatingin naman ako sa kanya nang kaunti. "Yeah, hindi kasi ako into PPOP bands. OMG don't judge me," saad ko sakanya. He chuckled as I quickly defended myself. "Okay, I won't judge. Pero what do you think of this song?" tanong naman niya, then sumabay siya sa pagkanta. "Ang boses mo'y waring Bulong ng puno Sa umagang kay tahimik At doon ko narinig Ang awit ng pag-ibig..." Kinanta niya 'yun kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya habang nakangiti na parang feel na feel niya ang pagkanta. Not in a bad way tho, it's actually pretty good. His voice is very soothing, katulad ng kanta na 'to. It makes me blush a little bit, to be honest. Hindi ko naman kasi inaakala na ganito kaganda 'yung kanta. "Uh, It's actually good! Lalo na sa voice mo, nasasabayan mo 'yung original," I calmly commented. Napatango naman siya. "Munimuni ang name ng band, if you might wanna check their songs later," saad niya. "Yeah, sure!" I replied and he smiled. Nagpatuloy na kami sa pakikinig. Nalaman ko na mostly ng mga 'di ko alam na mga kanta ay from the local bands pala. I feel bad tuloy, kasi parang hindi ako interested sa sariling atin. Pero n'ong narinig ko 'yung ibang mga kanta, I'm sure na mapapakinggan ko na ang mga 'to for like the next weeks or even years haha. Halo-halo naman ang mga recommendations at requests ng songs. May mga western songs from western bands or singers, may mga local din, at meron pa ngang Korean music. N'ong nakumpleto naman na kami sa studio, nagdiscuss na kami agad kung ano 'yung mga kakantahin namin. We stick to the songs na comfortable ang grupo namin na tugtugin and syempre 'yung alam namin. The Scientist - Coldplay Somebody That I Used To Know - Gotye ft. Kimbra The Only Exception - Paramore "Okay, that's the list. At ang schedule natin ay every after ng class ng pinakahuling time ng class niyo," saad ni Ate Jennifer. Tumango na lang kami at inayos na ni Ate 'yung schedule. Bilib din talaga ako sa kanya dahil inaasikaso rin niya ang schedule ng mga performers from Music Club. Ilang sandali pang meeting about the arrangement of the songs, pina-uwi na rin kami. "Goodbye everyone!" paalam ni Ate Xyriel at mabilis na umalis ng studio. Tatawa-tawa namang sumunod si Kuya Miguel, habang si Cy ay nagpapractice pa rin sa pagda-drums, at si Ate Jennifer ay tahimik lang sa mesa n nag-aasikaso pa rin ng mga schedules and all. Hinanda ko naman na ang mga gamit ko para umuwi na rin. "Uh, Iris. Uuwi ka na ba?" rinig kong tanong ni Louis nang makalapit siya sa'kin. Tumingin ako sa kanya. "Yeah," tipid kong sagot. "Nice! Sabay na tayo," pag-aya niya. Natigilan ako, like OMG? Sabay kami? Uuwi? "Uh, sige haha!" tangi kong tugon. Nagmadali na akong magligpit para hindi na siya maghintay pa sa'kin. "Uy, Iris! Uuwi ka na?" narinig ko namang tanong ni Cy. Napatingin ako sa kanya. "Oo eh, hindi ka pa ba uuwi?" saad ko naman. Nakita ko naman na tumabi na sa'kin si Louis habang kausap ko si Cy. "Hindi pa eh," sagot niya. "Magkasama na kami, don't worry," bigla namang sabat ni Louis. Saglit pa akong lumingon sa kanya. "Nice, ingat kayo!" Cy said while waving goodbye. Kumaway na lang din ako at umalis na kami ni Louis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD