BANGGAAN Mayamaya pa ay nasa opisina na si Patricia ng Montenegro Towers habang si Damianne ay nagtungo na sa MDC para sa meeting nya kasama ang mga board of directors ng kompanya. Natigilan si Patricia at napatayo sa kinauupuan matapos marinig ang sinabi ng secretary niya. “Anong sinabi mo? Anong ginawa ni Olivia Alquizar sa mga board of directors ng kompanya?” Seryosong tanong ni Patricia na nakapameywang. “Señorita hindi sumipot ang lahat ng board of directors dahil tinipon silang lahat ni madame Olivia sa Alquizar squares!” Pag-uulit ng secretary sa sinabi. Inis na isinara niya ang laptop at tinawagan si Damianne na kaagad namang sumagot ng telepono. “Yes Hon!” “Hon, hwag ka ng tumuloy sa MDC, walang sisipot na board of directors don dahil sa naroon silang lahat ipinatawag ni Ol

