PROLOGUE: Ang Pagliligtas
"Amelia, kamusta ang pakiramdam mo?"
"May masakit ba sayo?"
"Gusto mo bang kumain, inihanda ko na yung paborito mo," sunod sunod na tanong ni Mateo sa girlfriend nitong nakaratay sa hospital bed.
Katatapos lang ng chemotherapy ni Amelia. Ovarian cancer, stage 3.
"Ano ka ba? Okay lang ako, wag moko masyadong alalahanin," pilit pinasigla ng dalaga ang boses.
"Apple, pagbabalat kita mahal!" Tinanguan na lang ni Amelia ang kakulitan nito. Hindi rin naman sya titigilan ni Mateo hangga't makakain sya.
"Kailangan ubusin mo 'to mahal, dahil pinaghirapan ko itong balatan ng buong pagmamahal", saad pa nitong nakangiti.
Matamang pinagmasdan ni Amelia ang kasintahan sa ginagawa nito. Nakakalungkot lang isipin, hindi niya alam hanggang saan lang ang buhay niya. Hindi niya pa ito mabibigyan ng anak dahil sa sitwasyon niya. Hindi rin naman sya sigurado kung magiging successful ang operasyon na gagawin sa kanya. She decided to undergo an ovary removal operation sa Netherlands para mabuhay pa siya. Yun nga lang wala na siyang chance magkaanak.
"Mahal, kain na," anitong sinusubuan siya.
"Mateo..." Hindi napigilan ng dalaga ang pagpatak ng mga luha na kanina pa niya pinipigil. Natigilan ang binata ng makita ang pagbagsak ng mga luha niya sa mga mata .
"A-amelia, mahal ko!"
Napalunok si Mateo habang nakatitig sa maputlang mukha ni Amelia na napakaganda. Sobra nya na itong na-mimiss. "Can I kiss you?" Bulong ni Mateo sa namamaos na boses.
Mapait na napangiti na lamang si Amelia sabay tango sa binata. Hindi nya ito kayang tanggihan. Miss na rin nya ang bawat halik ni Mateo sa kanya.
Itinaas ni Mateo ang magandang mukha ni Amelia at sandaling pinakatitigan. "I love you so much, Amelia.."he said in a husky voice. At kasunod noon ay ang paglapat ng mga labi nya sa mga labi ng kasintahang si Amelia.
Magiliw na tinugon ng dalaga ang mga halik ni Mateo sa kanya. Maalab hanggang sa naging mapusok. Nagsisimulang gumalaw. Ipinasok ni Mateo ang dila na tinanggap naman ng dalaga. Nakakadarang ang mmga damdaming kumawala sa bawat isa. Buong laya na gumagalaw sa loob ng bibig nya ang dila ni Mateo na tila ba may sarili itong pag-iisip. At sobrang nagustuhan naman iyon ng dalaga.
"Mateo." Ungol ng dalaga sa pagitan ng paghinga niya. Hinawakan ni Mateo ang hapis na mukha ng kasintahan. Napakapit si Amelia sa batok ni Mateo para kumuha ng lakas don. Nanghihina sya sa bawat pagdampi ng mga mamasa-masang labi ni Mateo sa katawan nya.
"Mahal, mis na mis na kita," paos na anas ng binata habang pababa ang mga labi nito sa leeg niya. Tumigil ito sandali don at nilalaro ng dila ni Mateo ang leeg niya na nagdudulot sa kanya ng samot saring sensasyon. Kumawala kay Amelia ang impit na ungol.
Mas lalo pang napakapit si Amelia sa batok ni Mateo ng magsimulang maglakbay ang isang kamay nito sa loob ng hospital gown niya. Kinapa nito ang nakatayo niyang dibdib na mas lalong nag paalab ng damdamin ng dalaga.
"Mahal, yung pinto," anas ng dalaga sa pagitan ng malalim na paghinga.
Pilyong napangiti ang binata. Tumayo ito at nagmamadaling ni-lock ang pinto.
"I'll be gentle mahal, para hindi ka mapapagod," bulong ng binata sa kanya na nakasampa na sa bed niya at sa muli ay pinagsaluhan ng dalawang magkasintahan ang init ng pagmamahalan nila ng mga oras na yon. Napuno ng sigaw nila ang private room ni Amelia sa Montenegro Medical Hospital na pag-aari ni Mateo Montenegro.
Hindi alam ng dalaga kong ilang oras syang nakatulog. Nagising ang diwa niya dahil sa naririnig nyang pagtatalo ng dalawang nurse sa labas ng kwarto nya. Kinapa nya si Mateo ngunit wala na ito sa tabi niya.
"Nababaliw ka na Sheilla, bakit ka pumayag?"
"Marie, kailangan ko ng pera at malaking halaga ang ibibigay sakin ni Ms.Olivia."
"At ano? Magagawa mo bang patayin ang kawawang sanggol. Hoy, babae ka, oras na malaman ni señorito Mateo ang gagawin mo, kulungan ang bagsak mo."
Nabahala si Amelia sa narinig. Kilala niya ang dalawang nurse. Naka-assign ito sa delivery room. Kilala niya ang mga ito dahil isang doctor si Amelia Fonacier sa Montenegro Medical Hospital. Dati itong public hospital na na- privatized ni Mateo at pinaganda lalo na sa high tech na kagamitan ngunit libre ang hospital na ito para sa mga mahihirap.
"Marie, tulungan mo ako. H-hindi ko papatayin yung bata! Natatakot talaga ako, hindi ko alam ang gagawin ko."
"Ay naku, pahamak ka talaga. Oy ayoko sumali sa gulong yan. Bahala ka sa buhay mo, Sheilla!"
"Itatakas ko na lang yung bata matapos kung makuha yung pera. At ilalayo ko na lang nang hindi makikita ni Ms. Olivia."
"Ay tanga talaga oh! Hindi mo maaaring ilabas ng hospital yung kambal. Naka oxygen nga yun e, di mamatay yun pag inilabas mo sa hospital."
Galit ang nadama ni Amelia sa narinig mula sa nurse. Yes, anak ni Mateo ang napag usapan nilang ipapatay ni Olivia Alquizar. Isa ito sa maraming babae na naghahabol sa kasintahan nyang si Mateo Montenegro at kababata talaga ni Mateo. Sinuwerte itong pinaburan ng ama ni Mateo na si Don Ignacio.
Isang multi-millionaire at a very young age si Mateo. Alam ni Mateo na hindi siya magkaanak kaya gumawa sila ng isang kasunduan na anakan si Olivia para merong taga pagmana sa Montenegro Group of Companies.
Kapalit nito ay ang pagkakaroon ng partnership ng Montenegro sa Alquizar Holdings pero sa kalaunan hindi nalang pagbubuntis ang gusto ni Olivia kundi ang pakasalan siya ni Mateo at ngayon ay nais nitong iligpit ang isang sanggol sa di niya mawaring kadahilanan. Talagang lumalabas na ang tunay na kulay ng babaeng to at hindi na naiintindihan pa ni Amelia ang tinatakbo ng utak nito.
"I cant let you harm Mateo's son, hayop ka, Olivia! Hindi ka na talaga natuto.." Ani nya sa sarili.
Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa bata. Kahit hirap sa kalagayan ay binuksan niya ang pinto at gulat na natigilan ang dalawang nurse nang bumungad sya sa harapan ng mga ito.
"Sheila, Marie, pumasok kayo rito!" Asik niya sa dalawa.
"Doc Amelia, narinig mo ang pinag-uusapan namin?" Natatakot na tanong ni Shiela. Nagmistula itong labanos sa putla na tinakasan ng kulay ang mukha.
"Lahat-lahat. Now tell me everything she planned and do, kundi pareho ko kayong ipapakulong kasama si Olivia!" Asik niya sa dalawang nurse. Utal-utal na nagpapaliwanag sa kanyang harapan ang dalawa at ikinuwento kay Amelia ang lahat.
Kambal ang isinilang ni Olivia. Mahina ang isa sapagkat meron itong ATRIAL SEPTAL DEFECT sa puso at ito ang nais ipapatay ni Olivia. Sa kadahilanang ayaw nyang mahahati ang kayamanan ng binatang Montenegro. Gusto nitong buong buo na mapasa kanya ang lahat pagdating ng araw sa pamamagitan ng anak nya.
Kaya, isang plano ang ginawa ni Amelia para iligtas ang batang inayawan ng ina. Pero para sa kanya ay isang regalo ng Diyos na dumating sa buhay nya.
"Hindi kita hahayaan sa masama mong balak Olivia, hindi ako papayag," wika ni Amelia habang giliw na giliw na nilalaro ang maliliit na daliri ng bagong silang na sanggol na kinakabitan ng suwero ng oxygen para masuportahan ang paghinga.
"Simula ngayon ako na ang magiging mommy mo baby boy, p-protektahan kita. Lalaban si Mommy para mabuhay, para sayo anak ko," nakangiting wika ni Amelia at inihanda ang mga gamit sa pag alis. Lalayo siya, ilalayo nya ang bata sa kasamaan ng tunay nitong ina.