CHAPTER1: AGAWAN NG MANA

1988 Words
Mabilis ang kabog ng dibdib ng dalagang si Patricia Javier habang mula sa verandah ng mansion ni Don Mateo ay natatanaw niya si Damon Grey Alquizar na pababa sa sasakyan. Kasunod naman ang inang si Madame Olivia na bagaman may katandaan na ay mababakas pa rin sa mukha ang kasamaan, pagiging ganid sa pera at mabalasik. "Kaya mo yan, Pat!" aniya sa sarili habang tinungo ang sariling kwarto upang makapaghanda na dahil ngayon ang itinakdang araw upang ipamana na ni Don Mateo sa mga anak niyang sina Damianne Drey Montenegro at Damon Grey Alquizar ang mga ari-arian nito. Isang puting simpleng bestida ang napili ni Pat na isuot. Above the knee and elegant ang damit na iyon. May mga rose design na made of laces sa bandang dibdib nito indulging her beautiful cleavage. Pinaresan niya ito ng pearl earrings na regalo pa sa kanya ng butihing asawa ni Don Mateo na si donya Amelia. Naglagay siya ng kaunting makeup at lipstick pagkatapos ay ipinusod ang mahabang buhok. Isinuot niya ang isang silvery white sandal niyang flat. “Senyorita Pat, narito na po sina donya Amelia at Senyorito Damianne. Narito na rin ang mag inang Alquizar,” pagbibigay alam sa kanya ng katulong. "Sige po,susunod na po ako!" tugon niya kay Manang Julianna ang mayordoma ng mansion ni Don Mateo. "I can do this!" Sino nga bang mag-aakalang after five years ay muling magtatagpo ang kanilang mga landas ng pamilya ALQUIZAR. Sobrang kalupitan ang dinanas niya sa mga kamay ng mag inang Damon at Olivia bago paman siya nakatakas at nagtago sa poder nina Don Mateo at Donya Amelia. After five years ay heto sya at buhay na buhay. Sa pag-ikot ng gulong ng buhay ay sya na ngayon ang namamahala sa kompanya ni Don Mateo. Haharapin ni Patricia ang pinakamaitim nyang kahapon na matagal na sana nyang tinakasan. Napatingala si Damianne Drey sa kagandahang pababa mula sa ikalawang palapag ng mansion ng ama. "She is Patricia Javier?'' Si Patricia-ang babaeng sa mga larawan niya lang nakikita sa cellphone. Ito ang nangangalaga sa mga negosyo ng kanyang ama dito sa Sta. Fe. Ito rin ang ina ng batang kinahuhumalingan niya ng sobra na naron kasama ng kanyang ama sa Netherlands. Umuwi siya ng Sta. Fe dahil sa pakiusap ng ama na pamahalaan ang kanilang kompanya kasama si Patricia at magpanggap bilang kasintahan ng dalaga upang ilayo ito sa kanyang kakambal na si Damon Grey Alquizar. Damianne painted a smile on his face. “Not bad! Very beautiful…” hindi napigilang bulalas nya sa sarili. Napatayo naman si Damon Grey Alquizar nang makita ang babaeng hinahanap niya sa loob ng limang taon na pababa mula sa ikalawang palapag ng hagdanan ng mansion ng amang si Don Mateo. Limang taon niyang hinanap si Patricia matapos siya nitong iwanan sa pamamahay nila. Ito ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya. Ito ang babaeng nilalaman ng puso’t isipan niya sa matagal ng panahon.Hinala nya ay sumama ito sa ibang lalaki. “Son, sit!” pigil sa kanya ng inang si Olivia habang matalim siyang tinitingnan. “You can talk to her but not now.” pabulong nito sa kanya. Tutol na tutol ang kanyang ina noon sa relasyon nila ni Patricia, kaya muli siyang naupo mula sa kinauupuang sofa. Sinalubong ni Damianne na nakangiti ang dalagang si Patricia. “Hon, I miss you! Do you miss me?” anitong mabilisang pinatakan ng halik sa labi. Nagulat si Patricia ngunit agaran namang bumawi ng matamis na ngiti kay Damianne nang mula sa sulok ng mga mata niya ay kitang kita nya ang pagkalukot ng mukha ng dati niyang kasintahan. “I miss you more, honey Damianne!” aniyang ikinawit ang mga kamay sa matipunong braso ng binata. Dumiretso sila ni Damianne sa bakanteng upuan katabi ni Donya Amelia. Nagagalak namang niyakap ni Donya Amelia ang dalagang si Patricia. It’s been a year nang umalis ito ng Netherlands para pamahalaan ang negosyo ng kanilang pamilya sa Sta. Fe. “Kumusta ka na, iha? Youre getting more and more beautiful!” papuri pa ng ginang. “I’m fine Mommy, namiss ko kayo ni Dad at lalo na si Baby Drey.” nakangiting sagot naman ni Patricia. “Sila lang, what about me?” nakabusangot na tanong ni Damianne sa dalaga. Hindi napigilan ni Patricia ang matawa ng pagak. Ang cute nitong tingnan na nakabusangot pa. “Especially you!” malambing nyang wika kay Damianne na kinurot ito sa tagiliran. Natigilan naman sila nang biglang magsalita si Madame Olivia na naiinis sa mga nakikita nya. “Just who are you? Why there's so many unnecessary people around here? Kami lang dapat ng anak kong si Damon ang narito…” N “Patricia Javier po, Madame. Ang dali mo namang makalimot. It’s just been five years since nasa pamamahay mo pa ako!” Patricia smiled. “It’s not that I forgot everything about you. What I mean, anong ginagawa mo rito? Ninyo? Bakit kayo narito sa mansion ni Mateo?” tanong ni Olivia Alquizar. “Mommy, watch your words!” pigil ni Damon sa ina. Kunti na lang kasi ay magwawala na ito sa inis. “Si Patricia ang kasalukuyang overall acting CEO ng Montenegro Group of Companies habang wala si Dad at nasa Netherlands pa.” Sabat naman ni Damianne dahil di niya matantiya ang ginawang pang uuyam ng tunay niyang ina sa dalagang katabi. “At ikaw, sino ka naman at bakit ka nandito?” tanong ni Madame Olivia sa lalaking kasama ni Amelia. Kanina pa kinakabahan si Olivia habang nakatitig kay Damianne. He look’s like her son Damon. Kahit saang anggulo tingnan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawa ay ang clean aura na si Damianne habang si Damon ay dirty look lalo na at mahaba ang buhok nitong kulot at balbas sarado ang mukha. “Olivia, he is Damianne Drey Montenegro, anak namin ni Mateo!” Nakangiting sagot ni Donya Amelia. “What, nagpapatawa ka ba Amelia? Kelan ka lang ba nagkaroon ng anak!” palatakn ni Olivia. “Mom, just shut up!” pigil naman ni Damon sa ina. Baka kasi kung ano-ano na naman ang sasabihin nito. No doubt na kapatid nya nga ang Damianne Dey na ito dahil kamukhang kamukha naman nya ito. Ang hindi nya lang matanggap ay ang paglalambitin ni Patricia sa mga bisig nito. Kanina pa syang nagtitimpi sa kinauupuan. “Ang sarap upakan sa mukha ng lalaking hambog na ito.” Ani ni Damon sa sarili. Natigil ang pag-uusap nila nang dumating ang hinihintay nilang si Attorney Romero Santibañez–Ang personal lawyer ng pamilya Montenegro.. “Good morning everyone! Mabuti at nandito na kayong lahat.” panimula nito at isa–isang kinamayan ang mga naroon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We shall start sa will and testament ni Don Mateo!” anitong isa-isang ibinigay sa kanila ang kopya ng testamento. Maya maya pa, matapos mabasa ang nilalaman doon ay sumiklab ang galit ni Madame Olivia na hinarap ang abugado. “No, this is insane! Ano 'to attorney, lokohan?” "Well, I respect dads will!" tugon ni Damianne habang si Damon ay nakakunot ang kilay na wala sa papeles ang atensyon kundi nasa babaeng kaharap na naka hilig pa sa balikat ni Damianne. “Madame Alquizar wala akong magagawa regarding this matter. This is all the decision made by Don Mateo himself.” Pangangatwiran ng abugado. “Katunayan, may video pa siyang inihanda para sa inyo!” saad ng Attorney at binuksan ang dala dalang laptop. Mula roon ay napanood nila ang video ni Don Mateo while making his will na isinulat naman ng abugado. “Good day everyone, hope everyone is well. I left my company to my one and only grandson na si Damianne Drey Montenegro Jr. Ang anak ni Patricia dahil sa ayokong mabuwag ang Montenegro Group of Companies dahil hindi naman kayo magkakasundo na dalawa, Damianne at Damon.” ani ng Don. “Well, baby Drey is still young so, I will give you both the tasks to manage our companies. You Damon, you will manage the Montenegro Development Corporation and the Montenegro Airlines under sa pamamahala ni Patricia. And you, Damianne being a doctor. I have hopes that you will do good in managing the Montenegro Medical Hospital along with the Montenegro Cancer Research and Institute. Also, the Montenegro Shoppers under ka rin sa pamahala ni Patricia!” “And you my dear Pat, ikaw na ng bahala sa Hacienda. I hope the three of you will get along with each other and join hands sa pagpapalago ng MONTENEGRO GROUP OF COMPANIES. Good luck! Anyway Pat, I may remind you. You will just have the ownership of the Hacienda after you get married so make a good choice!” ani pa ng Don matapos ang video na ginawa nito. Natahimik si Madame Olivia matapos napanood ang video ni Don Mateo. “Damn this foxy old man! Let’s go Damon wala tayong mahihita dito ni peso." “Attorney tell this to Mateo, I will file a disagreement case against this wrong move na ginawa niya. Si Damon lang ang nararapat na mag mamay-ari ng buong Montenegro Group of Companies dahil nag-iisang anak siya ni Mateo!!” Inis nitong bulyaw sa abogado matapos ay tumayo na at padabog na lumabas ng mansion. Habang si Damon naman ay nakangising lumapit kay Patricia na abala sa pagliligpit ng mga dokumento. “Hey Love, sabi ni dad you can have the Hacienda once you'll get married. So, meron naman tayong nakaraan, why not marry me right away para hindi ka na mahirapan pa to fulfill Dad’s wish!” nitong nakangisi sa harap ng dalaga. “As you said Damon, nakaraan na-so let's bury everything in the past!” matapang na saad ni Patricia. “Love common tell me, si Drey ba ay anak ko? kaya ka ba umalis at iniwan ako dahil ipinagbubuntis mo si Drey?” Nakangising tanong ni Damon sa dalaga. “Nababaliw ka na ba? Damon, hindi mo anak si Drey!” asik nya. Napakabilis ng pintig ng puso ni Pat habang kaharap si Damon. Muling nanumbalik sa kanyang balintataw ang ginawa nitong kahayupan. Napalingon siya kay Damianne at Donya Amelia na abala pa sa pakikipag-usap kay Attorney Santibañez nang lalo pang lumapit si Damon sa kanya. “Love, why not tell me about our son huh!” anitong hahawakan sana ang dalaga ng biglang may pwersang tumabig sa mga kamay nito… “Damianne,honey!” Bulalas ni Patricia kay Damianne. Mabilis na pumulupot ang braso ni Damianne sa maliit na beywang ni Patricia. “Excuse us brother but, I need my wife to be!” anitong inaalayan siyang palayo kay Damon. Tinungo nila ang kusina. Ramdam ni Damianne ang panginginig at takot ni Patricia kaya niyakap niya ang dalaga. “It’s okay hon, nandito na ako!” aniyang hinagod ng haplos ang likod ng dalaga. “Thank you Damianne for saving me this time!” Pasasalamat niya sa binatang Montenegro na bagama’t unang pagkakataon niya pang nakasama ngunit nakaramdam na siya ng kaginhawaan at seguridad kasama ito. Nakakagaan ng kalooban niya unlike her feelings about Damon dati pa man noong panahong minahal niya pa ang binatang Alquizar. “Nah, don't say thanks yet! Alam kong ngayong nakita ka na ng kambal ko ay hindi ka na nito tatantanan!” anitong pinagbuksan siya ng tubig na kinuha nito mula sa ref. “Well, nandiyan ka naman right? Tulungan mo naman ako di ba?” nakangiti niyang tanong sa binata. “Sure in one condition!” “Anong condition?” “You owe me a kiss!” sagot nito sabay kindat sa kanya. Tinabig niya ang kamay nitong akmang hahapitin ulit siya. “Pilyo!” aniyang natatawang iniwan ito at tinungo niya ang verandah kung saan kasalukuyang naron ang ginang na si DonyaAmelia. Naiwan na lamang si Damianne na napatawa ng pagak habang naisuklay ang mga daliri sa kanyang buhok. “She’s kind’a cute!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD