CHAPTER2:SELOS

1478 Words
Sa bahay ng mga Alquizar. Inis na pinatay ni Madame Olivia ang cellphone matapos makausap ang taong inupahan niya upang imbestigahan si Damianne Drey Montenegro. Legal itong anak ni Don Mateo at Doña Amelia Fonacier Montenegro na sa Netherlands lumaki. Isa itong cardiothoracic surgeon na sikat sa larangan ng medisina sa bansang Netherlands. “Mom, kapatid ko ba talaga ang Damianne na yun?” untag ni Damon sa ina habang tinutungga ang dalang bote ng whiskey. “Hindi mo ba nakikita para nga kayong—” Hindi naituloy ni Madame Olivia ang sasabihin ng biglang may naalala ilang taon na ang nakalipas. Ang isang nakaraang pagkakasala nya sa buhay na hinding-hindi nya na nais pang balikan kahit na sa isipan. Isang pagkakasalang nagiging panggabing bangungot sa buhay nya bilang ina. 25 years ago-sa loob ng Montenegro Medical Hospital “Nurse, ilayo mo sakin ang batang yan baka mahawa tong anak ko sakit niyan. Ilayo niyo yan!” Dalawang bata ang isinilang niya. Dalawang batang lalaking Montenegro. Hindi niya matatanggap na mahahati ang kayamanan ni Mateo Montenegro pagdating ng panahon. Hindi pwedeng makasira ang sakiting bata na ito sa mga plano niya.. “Nurse makinig ka, p*t*yin mo ang batang yan bibigyan kita ng 100k kapag nagawa mo ang iniutos ko.” Nag aatubili pa ang nurse na sumunod sa gusto niya noong una. Ngunit nang makita ang malaking pera ng iniabot niya rito ay agad naman itong sumunod sa kagustuhan niya. Napabuga nang malalim na hininga si Madame Olivia. “Nakaraan na yon? Nakaraan na!” Napailing si Madame Olivia sa isiping yon dahil sinigurado niya mismo non na patay na ang kambal ni Damon bago pa man niya ito ipinatapon sa basurahan. “No, ikaw lamang ang nag-iisang anak ni Mateo at tagapag mana ng Montenegro Group of Companies son. May hinala akong ampon ni Amelia ang Damianne na yun dahil naalala ko hindi siya magkaanak dahil sumailalim siya dati sa ovary removal process dahil sa ovarian cancer niya.” Paliwanag pa ng ina habang si Damon ay nakatutok lamang sa hawak niyang bote. “And that leech! Hinuhuthutan niya ang ama mo at ang Damianne na yun. Kailangan mapasayo uli si Patricia, son!” Palatak ni Madame Olivia. “We need her sympathy right now!” Nakangisi si Damon sa inang parang kailan lang ay naririnig niya pa ang mga masasakit na salita nito sa dating kasintahan nya–kay Patricia para layuan lamang siya. “Di ba ngat ayaw mo si Patricia noon?” nakangising sumbat ni Damon sa ina. “Dati yun! Wala naman syang silbi dati pero sino bang mag aakala na maging right hand siya ng iyong ama. She's using her brain well and now, magagamit natin siya kapag naging kayo ulit anak!” Anitong tinapik siya sa balikat bago siya iniwan doon sa mini bar ng mansion nila. Napatiim bagang si Damon habang tinungga ang natitirang whiskey sa bote ng isiping sobrang gahaman talaga ng ina sa pera na nakahanda nitong gamitin si Patricia para sa pang sarili nitong interes. Pero sa kabilang dako medyo pabor naman sa kanya. Napangiti siya ng maalala ang nalamang may anak na ito na si Damianne Drey Montenegro Jr. Malaki ang hinala niya na anak niya si Damianne Drey Jr dahil sa paulit ulit niyang inangkin si Patricia noon, bago pa man ito nawala noon na parang bula. Ipinangalan pa talaga sa ampon na si Damianne ang anak nila ni Patricia. Kinabukasan, maagang inihatid nina Damianne at Patricia si Doña Amelia sa airport dahil kailangan na nitong bumalik sa Netherlands. Habang nasa loob sila ng sasakyan ay maya mayang sinusulyapan ni Damianne ang dalagang katabi na nasa labas ng bintana ang mga tingin. Tila ba may malalim itong iniisip. Lalo itong naging maganda dahil sa maiksi na ang buhok nito na pinaputulan kahapon nong magkasama sila ng ina niyang tumungo sa parlor. Napapangiti ang binata sa isiping nagugustuhan niya na ito.Maya maya pa ay napansin niyang may kotseng kanina pa nakabuntot sa kanila. Malakas ang pakiramdam niya na si Damon ito kaya hinahayaan na lamang niya. “Anak, mag iingat ka rito. Muntik ka ng patayin ng sarili mong ina noon!” nag–alalang bilin ni Donya Amelia sa kanya. “It’s okay, mom. Hindi niya na ako basta pwedeng patayin ngayon dahil lalaban na ako.” Tugon niya sa kinikilalang ina. “Don’t worry about it muc, mom. Nandito ako, aalagaan ko ang unico hijo mo!” sabat ni Patricia sa usapan ng mag ina. “Hindi ko talaga mapipigilan ang mag alala sayong damuho ka e. Ngayon ka lang mawalay sakin. Ano ba kasing pumasok sa kokote ng ama mo at bigla kang pauwiin dito at pag trabahuin sa kompanya niya.” maktol ng butihing ginang. “Nah, I know mamimiss mo lang ako e.” paglalambing ni Damianne sa ina na niyakap ng mahigpit sa matitipunong braso nya. Matapos naglalambing ang butihing si Donya Amelia sa anak na si Damianne ay nagpaalam na siya kina Patricia at Damianne. Naiwan ang dalawa sa loob ng airport na kasalukuyang nag uusap. “So, where are we going next?” Tanong ni Damianne sa dalaga. “Diretso tayo sa Montenegro Shoppers, Damianne,” kaswal na sagot ng dalaga sa binata. “Mmm grabe ka naman honey boss trabaho agad hindi ba pwedeng tumakas muna saglit.” Pagbibiro niya sa dalaga habang hinawakan ang kamay nito. “Damianne, kamay ko!” saway nito. Damianne smiled sweetly. “Ang lambot kasi ng kamay mo honey boss, saka sarap pagselosin ng ex mo na kanina pa nakabuntot sa ‘tin!” aniyang sinenyasan si Patricia. Inginuso niya ang kinaroroonan ni Damon na nakaupo sa medyo di kalayuan sa kanila. Kinabahan agad si Patricia ng makita sa gilid ng mga mata niya si Damon. Kaya agad siyang nagsumiksik at kumapit sa braso ni Damianne. “See, I told you!” Anitong napangiti at hinapit ang beywang ng dalaga palapit sa katawan niya. Maliliit na kurot sa tagiliran ang inani ni Damianne mula sa dalaga na nakasiksik pa rin sa katawan niya hanggang sa tuluyan na silang nakapasok sa loob ng kotse. Hindi napigilan ni Patricia ang amuyin ang katawan ng lalaking katabi nya. “In fairness, sobrang bango naman ng lalaking ito bonus pa yong ka-guwapuhan nya.” ani ni Pat sa sarili. Nagbabaga sa galit ang mga mata ni Damon sa nakikita niyang sweetness nina Patricia at sa taong nagpakilalang kapatid niya. Nilamon ang puso niya ng sobrang selos dahil sa nakikita niya ay may relasyon ang dalawa. “Akin ka lang Patricia, walang pwedeng mag mamay ari sayo, ako lang!” inis niyang pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar na yon dahil parang sasabog ang puso niya sa galit sa mga nakikita niya. Nagtungo na sa condo unit niya si Damon. Gusto niyang mapag- isa dahil sigurado siyang kapag umuwi siya ay mag–iingay na naman ang kanyang ina ng tungkol sa ari arian ng kanyang ama na dapat sa kanya lang. Samantalang mula sa Montenegro Shoppers ay diretso na sila ni Damianne at Patricia pauwi sa mansion ni Don Mateo. Hindi na napapansin ni Damianne ang kotse ni Damon na nakasunod sa kanila. Maya maya pa ay nakatulog si Patricia sa loob ng kotse niya. Tantiya niya ay napagod ito sa paglilibot nila sa mga malls na pag aari ng ama niya. Nakangiting pinagmasdan niya ang dalaga na mahimbing na natutulog. “Ang ganda naman ng sinayang mo brother, matalino pa.” “So, I guess. Ikaw yung bobo. Hindi ko na siya ibabalik sayo, akin na si Patricia starting this day. Hindi kita hahayaang makalapit pa sa kanya!” aniya sa sarili habang papasok na sila sa Sta.Fe kung nasaan matatagpuan ang malawak na Hacienda Montenegro. Nasa kalagitnaan nito nakatayo ang malaki at matayog na mansion ng ama niyang si Don Mateo. Isang mahalagang misyon ang ipinatong ng kanyang ama sa balikat niya na hindi siya sigurado kong magagawa niya dahil sa nakikita niyang kasamaan at kasakiman ng kambal niya. Imposible yatang maging maayos sila ni Damon at magkasundo? Napapailing siya habang binaybay ang kahabaan ng daan papasok ng mansion nasa Hacienda Montenegro na sila. Nang binuksan niya ang bintana ng kotse niya dahil nais niyang makalanghap ng sariwang hangin. Binuhat niya ang natutulog na dalaga at hindi na ito ginising dahil sa sobrang tulog na ito ng dumating sila sa mansion. Nagpatulong na lang siya kay aling Julianna na buksan ang kwarto ni Patricia at sinenyasan niya ang katulong na wag mag ingay upang hindi ito magising. Maingat niyang inilapag ang dalaga sa kama nito at inayos sa pagkakahiga. Tinanggal niya ang suot nitong sandals bago niya ito kumutan ng maayos. “Sleep well, honey boss. I will be your husband soon!” nakangiti niyang turan saka pinatakan ito ng halik sa noo. Pagkatapos ay lumabas na sa kwarto ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD