CHAPTER3:NIGHTMARE

1275 Words
Alas singko nang hapon ng magising ang dalaga mula sa mahimbing na pagtulog, laking gulat niya ng mapansing nasa loob na sya ng kwarto niya. “Kakahiya ka Patricia!” Aniya sa sarili ng maalalang binuhat siya ni Damianne papasok ng kwarto niya na buong akala niya ay panaginip lamang. Agad na nag–init ang pisngi nya ng sumagi sa isip niyang hinalikan sya ni Damianne o baka panaginip nya lang yun. Pero parang totoo talaga ang halik na yun, nararamdaman pa ng dalaga ang mainit at malambot na mga labi ng binata. “Ang damuhong yun, sanay na sanay na talaga syang hinahalikan ako, kainis!” Padabog na tinungo ng dalaga ang banyo at nag shower. Simpleng pajama at t–shirt ang suot ng dalaga ng lumabas ng kwarto para tumungo sa verandah upang panuorin ang paglubog ng araw ng marinig niya mula sa verandah na kausap ni Damianne ang anak niyang si Drey. “Oh see, your mommy is here kiddo!” iniharap sa kanya ni Damianne ang cellphone. Napangiti ang dalaga ng masilayan ang maaliwalas na mukha ng anak niya. “Hey baby, miss ka na ni mommy!” aniya ngunit natigilan siya ng nagsumiksik si Damianne sa kanya upang makishare sa cellphone at makita silang dalawa sa screen. Bumibilis ang pagtibok ng puso niya sa ginagawa nito lalo na ngayong naamoy niya ang natural na scent ng katawan nito na tila nagpalasing ng katauhan niya. “Ang bango talaga ng damuhong ito?” “Mommy you'd finally meet my dad? He is handsome, right? I told you magkamukha kami ng daddy ko!” bulalas ng anak niya. “Damianne umusog ka nga don,” tulak niya sa binata. “Yes baby boy, kumusta ka na anak?” balik tanong niya sa anak niyang masayang naglalaro. Kumunot ang noo ni Damianne matapos nyang tinulak. Lumipat ito sa likuran niya. Nagkadikit yung likod niya sa malapad na katawan nito. Damang–dama niya ang init ni Damianne at tila dinig niya ang malakas na pagtibok ng puso nito . “Mommy, Daddy look! Daddylo has caught a big fish!” anitong patakbong lumapit sa lolo nito na nasa gilid ng pond. “Hey kiddo, slowly!” nag alalang turan ni Damianne nang makitang tumatakbo si Drey palapit sa lolo nito. Inabot din ni Damianne ang hawak niyang cellphone,ngayon ay halos yakap na siya ng binata. “Dad, I won't fall. I can run as fast as you!” pagmamalaki pa ng bata. “Okay, just be careful son! Dad is not there to treat your wound.” Natigilan si Patricia sa sinabi ni Damianne at sa nakikita niyang sobrang pag–alala nito sa bata. Oo nga pala, noong isinilang nya si Drey ay si Damianne ang tumayong ama ng anak nya. At ito ang nag-aalaga kay Drey. Habang sya ay busy sa negosyo ni Don Mateo. “Look, sobrang likot talaga ng anak natin!” anitong muli siyang pinatakan ng mabilisang halik sa pisngi at lumayo na rin sa likod niya. Napapailing na lamang si Patricia, namumuro na ito sa kakanakaw ng halik nya. Tumungo ito malapit sa mesa kung saan nakapatong ang malamig na juice, nagsalin ito sa baso at uminom. “Huh,init!” anitong hinubad ang suot na t-shirt na suot. Napalunok ang dalaga ng makita ang maskuladong katawan ni Damianne. Kaagad na ibinaling niya ang tingin sa kausap niyang bata dahil nagmistula syang naging maniac sa pagtitig niya kay Damianne na walang pang-itaas na damit. Madami pa silang napag-usapan ng anak niya hanggang sa di niya namalayan ang oras na medyo dumidilim na. “Tara sa loob, medyo umaambon oh!” untag ni Damianne sa kanya habang hawak na nito ang kamay niya. Tila napaso siya na agarang binawi ang kamay niya at nagpatiuna ng pumasok sa loob, diretso sa sala. Kinagabihan, pabiling biling sa higaan si Pat at di makatulog. Ginugulo ni Damianne ang isipan nya. Kaiba ito sa kapatid na si Damon at kahit ilang araw niya pa lang itong nakasama ay may namumuo ng atraksyon sa kanya para sa binatang Montenegro. Yung kampante siyang kasama ito at magaan ang loob niya rito kahit pa man napapansin niya ay laging panunudyo nito sa kanya na tila nagugustuhan na naman niya. Nakatulog ang dalaga na laman sa isipan si Damianne. Alas diyes nang gabi ay hindi pa rin dinalaw ng antok si Damianne. Lumabas siya ng kwarto niya para lumanghap ng hangin sa verandah ng marinig niya ang malakas na pagsisigaw ni Patricia na tila nananaginip ng masama. *** “Patricia, you're not leaving me!” dumadagondong ang boses ni Damon sa loob ng kwartong kinaroroonan nila, bakas sa mukha nito ang sobrang galit. “Damon ayoko na, maawa ka!” pagmamakaawa ng dalaga. “No Pat, you are mine. Akin ka lang you hear me!” “Damon wag, ayoko na please, please tama na!” “No Pat, I’ll punish you dahil sa panloloko mo sakin!” sinugod si Patricia ng lalaki na nanlilisik ang mga mata sa galit. Nagsusumiksik sa headboard ng kama ang dalaga. “Damon stop, stop it! Tama na, no Damon please no! Ayoko na” takot na takot si Patricia nang hablutin siya ni Damon at pinunit ang suot niyang damit. **** “Patricia…Pat!” tawag ni Damianne sa labas ng kwarto nito ngunit tila hindi siya narinig ng dalaga. Kaya mabilis niyang tinulak ang pinto. Tumambad sa kanya si Patricia na kakawag–kawag ang kamay habang umiiyak at pumapalahaw sa ibabaw ng kama. Nanginginig din ito sa takot sa kung ano man ang napanaginipan nito. “Patricia, wake up…gising!” niyugyug niya ang dalaga upang magising. “Patricia, wake up honey!” aniyang ibinabangon ang dalaga hanggang sa magising ito. Takot na takot ito at nangilid ang luhang yumakap sa kanya ng makita siya. “ShhH…it's okay now! Nandito na ako, Patricia.” “Damianne,” hikbi nito habang nanginginig. Para itong bata na nagsusumiksik sa katawan ni Damianne. Awang-awa sya kay Patricia. “Damianne, your twin r***d me. Binaboy niya ako Damianne, paulit ulit!” anitong parang batang humagulgol. “It’s just a bad dream honey!” aniyang hinahaplos ang buhok ang buhok ng dalaga. “Totoo yun Damianne, ginawa niya yun sakin!” “Totoo yun Damianne, paulit ulit. Ginawa niya yun!” nanginginig na humagulgol ang dalaga sa dibdib niya. “Damianne, natatakot ako kay Damon," “Binaboy niya ako. Paulit-ulit yun Damianne, paulit-ulit!” ani ng dalaga sa pagitan ng pag iyak. “Sinira niya ako, dinumihan niya ako ng paulit-ulit!” Naikuyom ni Damianne ang kamao sa narinig, nakaramdam siya ng sobrang pagkamuhi para sa kambal niya. “Ssshh, it’s okay now hon, nandito na ako! Hindi ko hahayaang madantayan ka kahit daliri ni Damon!” “Ikukuha kita ng tubig, sandali lang!” niyang tatayo na sana ngunit pinigilan siya ng dalaga. “Wag mokong iwan Damianne, natatakot ako!” nanginginig na tugon niya sa binata. “Halika!” aniyang inabot ang dalaga at binuhat palabas ng kwarto upang painumin ng tubig. Nararamdaman niya pa rin ang panginginig ng katawan nito. Sobrang pagkahabag ang naramdaman niya para sa dalaga. Tama nga ang ina niya, nagkaroon ng trauma si Patricia dahil sa kagagawan ni Damon. Tinabihan ni Damianne ang dalaga na nahiga sa kama hanggang sa nakatulog itong nakayakap sa kanya. “Simula ngayon, hindi ka na malalapitan ni Damon!” “I’ll protect you from that monster! Mamahalin kita hanggang sa makalimutan mo ang masalimuot mong nakaraan kasama ang gago kong kakambal.” bulong ni Damianne sa nahihimbing na si Patricia habang hinahaplos ang malambot na buhok ng natutulog na dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD