Nagising si Patricia dahil sa masakit na sinag ng araw na nagmula sa bukas na bintana ng kwarto niya. Wala na si Damianne sa kanyang tabi, sinamahan siya nitong matulog dahil dinalaw na naman siya ng masama niyang nakaraan at muli niyang naranasan sa nakaraang gabi ang trauma niya.
Hindi napigilan ni Patricia ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi sabay unat ng braso. “Ang ganda ng umaga…” aniyang nakangiti ng masilayan ang gintong araw na pumasok sa bintana ng kwarto nya.
Malaki ang pasasalamat niya sa binatang Montenegro dahil sa tulong na ginawa nito sa kanya. Naghilamos siya bago bumaba at hinanap si Damianne.
“Manang, nakita mo si Damianne?”
“Nandon sa swimming pool señorita.” sagot ng isang katulong na abala sa ginagawa.
Pagbungad niya sa likod bahay ay nakita niya si Damianne na nasa itaas ng diving board. Tanging swimming trunks ang suot nito at kitang kita niya ang maskuladong katawan nito. That chiseled chest at ma–abs na tiyan nito.
Isang doktor si Damianne so she doesn't expect him to have an apollo's build. Nagmistulang itong diyos na bumaba mula sa Mount Olympus sa ganda ng mga muscles sa katawan. Nag inat ito ng mga braso bago tumalon sa malalim na pool. Lumapit si Pat sa binata na kasalukuyang lumalangoy papuntang gilid ng pool at itinaboy ang malaswang isipan.
“Hey, join me!” Nakangiting pagtawag nito.
“Hindi ba malamig?”
Napatawa naman itong sinabuyan sya ng tubig mula sa pool. “Hindi naman a..” Nakatawang wika ni Damianne.
“Magbibihis lang ako ng panligo!” Tatalikod na sana siya ng biglang hilahin ni Damianne ang kamay niya.
Bumagsak siya sa pool. Paglitaw niya sa tubig ay halos magkadikit na sila ni Damianne. Ang matipunong braso nito ay nakapulupot sa balakang nya. Napakaganda ng ngiti ni Damianne na sandaling nagpabilis ng pintig ng kanyang puso.
“f**k damianne, I’m wearing pajamas!” Bulalas ni Patricia.
“Problema ba yun? Then just take off your pajamas and t-shirt honey!” natatawang tugon nito na mas hinapit pa ang katawan nya palapit sa matigas na katawan nito.
“Sh*t nananadya ba ang taong ito?” Bulalas nya sa sarili.
Pinamulahan ng pisngi ng dalaga ng maalalang wala syang suot na bra, bumakat ang n*pples ng mabasa ang suot niyang t shirt.
“Damianne wala akong–” hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita niya ang paggalaw ng adams apple ng binata habang matamang nakatingin sa dibdib niya. Nagmamadaling lumangoy si Patricia palayo kay Damianne, tinungo niya ang gilid ng pool.
Hiyang-hiya syang inirapan ito at pinagkrus ang dalawang braso sa mayamang dibdib.
Papunta na sana ang dalaga sa loob ng bahay nang niyakap siya ni Damianne mula sa likuran at binalot ng towel ang katawan niya. “I’m sorry about that, hon!” anitong pinatakan ng halik ang ulo nya. Napasinghap na lamang si Pat sa ginagawa ng binata.
“Go get changed, hihintayin kita rito and don’t keep me waiting. Susugurin kita sa loob ng kwarto mo.” anitong kinindatan ang dalaga.
“Pilyo!” aniya sabay nagmartsa papunta sa loob ng mansion na hawak hawak ang tuwalyang ibinalot ni Damianne sa kanya. Hindi nya mapigil ang masarap na ngiti sa labi.
Aaminin man nya pero kinikilig sya sa kalokohan ni Damianne Drey Montenegro.
Para silang mga bata ni Damianne na naghahabulan sa paglangoy. Napagpasyahan nilang doon na rin kumain ng almusal, pagkatapos ay muli na naman silang nagtampisaw sa pool. Masayang kasama si Damianne, it’s like there's no dull moment to be with him.
Alas nuebe na nang umaga ng maramdaman ng dalaga na medyo mainit na ang sikat ng araw, umahon siya sa pool at naglagay ng sunscreen sa balat.
“Damianne halika, lagyan kita ng sunscreen, masusunog yang balat mo.” Pagtawag niya sa binata. Mabilis namang umahon ito sa tubig.
“Wow naman, maalaga yung misis ko ah!” natatawang tugon nito na nagpupunas ng towel palapit sa dalaga.
“Misis ka diyan, yun ay kung papayag ako!” ani ng dalaga habang nilalagyan ng sunblock cream ang likod ng binata, humagod ang kamay ng dalaga papuntang batok nito.
“Hindi ka ba papayag?” anitong hinuli ang kamay niya at biglang humarap sa kanya. Kamuntik ng magdikit ang mga pisngi nilang dalawa sa kalokohan ni Damianne.
“Bakit, nililigawan mo na ba ako?” balik tudyo niya rito upang itago ang mabilis na pag uunahan ng t***k ng puso niya.
“Do I need to court you, lady?” Anitong inilapit ang mukha sa kanya.
“Hmm, I think so.” aniyang bahagyang umatras upang magkaroon sila ng pagitan dahil konti na lang ay didikit na ang labi nito sa mga labi niya dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa.
“So, should I start now?” Anitong hinapit ang beywang niya at tuluyan na siyang walang kawala rito.
“Honey boss, hindi ako marunong manligaw e, hindi ko pa naranasan ang manligaw. But with you, I’ll do just to have you, just to make you mine!” halos pabulong nitong wika sa kanya.
“Honey boss starting from now, liligawan na kita!” Paos na wika ni Damianne.
Hindi nakapagsalita si Patricia sa mga sinasabi nito. Hindi nya alam kung anong isasagot pero pakiramdam nya ay dinala sya sa mga ulap habang magkahinang ang mga mata nilang dalawa ni Damianne ng mga oras na yun.
Ilang minuto pa silang nanatili sa ganitong posisyon ng makarinig sila ng komosyon sa loob ng mansion papunta sa kinaroroonan nila.
“Sir, sandali lang kasi!” Pigil ng isang batang katulong sa panauhin nila na palapit sa kanila dahilan upang mapahiwalay siya kay Damianne, ngunit ang mga kamay nito ay nasa balakang pa rin nya.
“Excuse me, ayaw akong papasukin ng maid nyo e!” sigaw ni Damon kay Damianne.
“It’s because you're not welcome here Damon!” Si Damianne sa galit na boses.
“If I remember, bahay ito ng ama ako. Paano akong not welcome here?” Asik ng binatang Alquizar.
“You said it so, bahay ng ama mo–hindi mo pag aari!” Tugon naman ni Damianne na napatayong sinalubong ang nangangalit na si Damon.
“Naghahanap ka ba ng away, bro?” Inis na sambit ni Damon.
“No I’m not, pero kung ikaw lang din, hindi kita aatrasan!” naghahamong tugon ni Damianne.
“Damon, please get out of here! Sinisira mo ang araw namin e,” sa wakas ay nakasingit rin si Pat sa dalawang nagtatalo.
“Oh really, love hindi mo man lang ba ako namimiss? Kasi ako, mis na mis na kita..” ani ni Damon at akmang lalapitan si Patricia na kaagad namang napaatras.
“Umalis ka na!” Hiyaw ni Patricia na namumula sa galit.
“Love, don't be like that miss na miss na talaga kita–ang dating tayo!” Tugon ni Damon kay Patricia. Hahawakan na sana nya ang dalaga nang biglang sumalubong ang mukha nito sa kamao ni Damianne. Sargo nito ang dumudugong ilong.
“Bullsh*t Damianne! What was that for huh?” sigaw nito kay Damianne.
“Hindi lang yan ang aabutin mo,next time na lalapitan mo si Patricia.!” ani ni Damianne na mabilis siyang kinarga papasok ng mansion.
Hindi naman napigilan ni Patricia ang panginginig ng katawan sa takot kay Damon. Bumalik na naman sa alaala ang mga masamang pinagdaanan nya sa mga kamay nito.
Nang makapasok sila sa kwarto nya ay mahigpit na niyakap sya ni Damianne. “Huwag kang matakot honey boss! Narito na ako. Hindi ko hahayaang may manakit pa sayo, trust me Patricia.” napapapikit na lamang si Patricia na sumandal sa malapad na balikat ni Damianne.
“Can I really trust you? Ibang tao ka ba na hindi kagaya ng kakambal mo?” tanong nya sa sarili.