CHAPTER 2

1605 Words
4 years later... Kade’s POV “DAD, ARE you asking for me and Kade?” my ate asked dad the moment we reached the living room matapos kaming magkasabay ni ate na lumabas sa kuwarto namin dahil pareho kaming ginising ni Lorenzo at Maximus. We saw him in his usual spot, drinking his favorite champagne kahit tirik na tirik na ang araw sa labas. He drinks wherever or whenever he wants, parang walang bukas lagi. “Oh, did I?” tanong n’ya pabalik kay Maximus na nakasunod lang sa likuran namin ni ate. “Don Alessandro, hindi ba at may gusto kayong ibigay kay Soleil dahil sa malinis n’yang misyon kagabi?” si Lorenzo ang nagpaalala sa kan’ya. Mabuti pa nga si Lorenzo tinatapunan n’ya ng tingin pero kami ni my ate na sarili n’yang anak, hindi n’ya man lang magawang tignan. What a great father we have here, right? “Sa kin lang? Then why did you call Kade in here?” Ate Soleil reprimanded. “Ate,” mahina kong bulong sa kan’ya habang hinihila ko ang kamay n’yang nakapulupot sa kamay ko. “Tsk. Mga bata nga talaga ngayon, hindi na natuturuan ng magandang asal,” sagot ni dad na nasa malayo naman ang tingin. Tahimik ang paligid kung hindi lang tumawa ng hilaw si Lorenzo at pumalakpak. “Soleil! Nakalimutan mo na ba? Hindi ba at sabi mo noon na kapag may ibibigay sa ‘yo dapat may ibibigay din kay young master? Mas mabuti pa ay sumunod na lang kayo sa kin at nang makita n’yo na ang tinutukoy ni Don Alessandro,” sambit ni Lorenzo na nagsimula na ngang maglakad papuntang basement. “Mabuti pa nga at naiistorbo ninyo ang pag-inom ko rito,” sagot naman ni Dad at muli kaming tinalikuran. Wala kaming naging imik ni Ate Soleil maliban sa mahinang pag-tsk ni ate. Nakasunod sa likod namin si Maximus at ang mga tauhan nito habang sumisipol-sipol lamang si Lorenzo sa harapan. “Make sure this is worth our time, Lorenzo,” banta ni ate na tinawanan lang ni Lorenzo. “Heiress, maniwala ka, importante kayo sa tatay ninyo,” tugon nito bago sindihan ang sigarilyong nasa bulsa ng kan’yang polo. “We are important because he can get something from us,” my ate clarified. “Heiress, the clan needs you, too. Hindi na rin naman bumabata si Don Alessandro, sooner or later kailangan n’ya na ring bumaba sa kan’yang posisyon,” sabat naman ni Maximus sa likod. “And we need someone like you to lead us after your father, heiress,” dugtong pa ni Maximus. “Stop using your flowery words on me, Maximus. Parang kagabi wala ka pang tiwala sa kin na kaya kung gawin ang pinapagawa ni Dad,” matabang na buwelta ni ate sa kan’ya. “Kagabi ‘yon, heiress. Iba na ngayon, you’ve proven me wrong, and you deserve my loyalty,” anito. “At deserve ninyo ni Kade ang regalo ni Don Alessandro,” anunsiyo ni Lorenzo bago nito buksang ang dalawang bagong kotse na nakabalot pa. “2024 Maserati Granturismo Folgore for the young master, and 2025 Maserati Grancabrio Folgore for the heiress,” Maximus introduced the two cars. My eyes suddenly began to twinkle, napabitaw ako sa pagkakahawak kay ate at agad kung pinuntahan ang sasakyan na para raw sa kin. “My ate, this is the car you were planning to buy for me, right? Ang galing paano ninyo nalaman na gusto ko ‘to?” bulalas ko sa dalawang pinagkakatiwalaang tauhan ni Dad. “Maybe, patikim,” matabang na sagot ni ate sa kin habang naka-cross arms na siya. “Nagkataon lang naman ‘yan, young master. Hindi namin alam na ‘yan ang gusto mong kotse,” paglilinaw naman ni Lorenzo. “Oh, really? Stop with your deceitful words, Lorenzo. You were with me when I was securing a slot for that car. Bakit pati ako? Hindi ko naman kailangan ng bago, I can still use the car that Mom gifted me.” “Kakailanganin mo ng mas mabilis at mas bagong kotse ngayon, heiress. Iba na ang buhay na meron ka,” buwelta naman ni Maximus. Hindi ko na hinintay pang makasagot si ate dahil agad akong sumingit sa usapan nila. “Can I test-drive this, my ate?” paalam ko. “Sure, huwag ka lang lumayo, Kade,” paalala ni Lorenzo and my ate nodded. Naglakad si ate papasok ng mansiyon habang naiwan kaming tatlo roon. “Tell Dad that we love it and thank him.” “Enjoy, young master,” bilin pa ni Maximus as they bowed before I started the engine. Mrs. Nerry’s POV “TSAA, NAK?” salubong ko sa nakabusangot na si Soleil na mukhang kakaakyat lang mula sa basement. “Some tea frappe, Mrs. Nerry,” ani n’ya bago umupo sa mahabang dining table. “Sure! D’yan ka lang muna,” tugon ko naman bago dali-daling naghanda ng paborito n’yang tea frappe. Habang naghahanda ako ay pinagmamasdan ko lang siyang nagkukulikot ng kung ano sa cellphone n’ya. Sinubukan kung tignan ang buo n’yang katawan kung may galos ba o wala, pero mukhang ang talas na ng pakiramdam nitong alaga ko. “Mrs. Nerry, I am safe. No scar, no scratches, or anything,” pagbabasag n’ya ng katahimikan pero nasa cellphone pa rin ang atensiyon. “Here is your tea frappe, young lady,” sagot ko naman bago maupo sa tabi nito. “Naninigurado lang naman ako, iba na ang panahon ngayon. Dumagdag na ang edad mo pero dumagdag na rin ang kaalaman at armas ng mga kalaban mo,” paalala ko naman sa kan’ya. Iniwan n’ya saglit ang hawak na cellphone at nagsimulang inumin ang hinanda ko. “I know, but your husband trained me well, Mrs. Nerry. You don’t have to worry about me. I’ve got Maximus watching my back, too,” panigurado naman n’ya. “Nasaan pala si Kade? Nag-almusal na ba ‘yon?” pag-iiba ko ng topiko. “He test-drove his new car. Maybe, no, he was in his room before dad called for us,” sagot naman n’ya. “Ah, ganoon ba? Pagdumating siya sabihin mong sumabay na kayong--” Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng mabilis pa sa alas kuwatrong tinapat ni Soleil ang cellphone n’ya sa tenga. “Kade, what’s the matter?” Nakuha naman agad n’ya ang atensiyon ko. “You? What?” Nanatiling nakikinig ang tenga ko sa kanilang magkapatid. “For goodness sake, Kade! I’m coming,” aniya at mabilis na tumayo. “Anong nangyari sa kapatid mo?” Pagsusunod ko sa kan’ya habang dire-diretso siyang naglalakad papasok ng kwarto kung nasaan ang susi ng mga kotse nila at mangilan-ngilang armas. “Soleil, may problema ba? Tatawagin ko ba si Lorenzo?” bulalas ko noong makita kong kumuha siya ng baril at pera. “No need, Mrs. Nerry. I can handle that jerk by myself. Just ask someone to come after me to fetch Kade’s car,” aniya at sunod na kumuha ng blazer para patungan ang suot n’yang pantulog. “Ha? Ano bang nangyari?” “Kade bumped into some douchebag’s car on his way back home,” anito bago ako iniwang nakatayo roon. Kade’s POV “KUYA, BABAYARAN ko naman po, eh, wait lang po talaga. Papunta na po ‘yong ate ko,” medyo nag-aalala kung sambit dito sa mayabang na ‘to. I even scratched my nape kasi hindi lang naman kotse n’ya ‘yong nagasgasan, kotse ko rin naman. Dad will surely screw me over finding this, kibago-bago pa lang may gasgas na. “Hindi lang naman po kotse ninyo ‘yong may gasgas, eh,” pabulong kung sambit. “Alam kong gwapo ako, bata, pero hindi pa ako bingi. Kasalanan mo naman kung bakit tayo nagkabanggaan!” anito na parang asal kalye lang ang pagkakabigkas ng bawat letra. Though his car is luxurious, too, pero kasi babatukan ako ni ate nito. “Hindi ko lang naman kasalanan, kuya, hindi ka rin naman nag-signal light na liliko ka pala, eh. Alam kung gwapo ka nga po pero hindi naman ako manghuhula para hulaan ang sunod mong gagawin,” sagot ko naman. “Aba’t namimilosopo ka pa, ha!” aambahin na sana n’ya akong batukan pero nakahanda naman akong saluhin ang kamay n’ya pero hindi na n’ya natuloy noong dumating na si ate. Napangiti na ako. “My ate!” “Don’t you ever lay your dirty hands on my brother. Magkano?” sambit ni ate bago n’ya winaglit ang kamay noong kuya atsaka deretsong tinutukan siya ng baril. “Woah! Chikababes, kalma ka lang! Baril naman agad!” ani noong lalaki na napataas kamay na lang. “I hope this will be enough,” hindi siya pinansin ni ate at agad na nilagay ang pera sa hood ng kotse n’ya. “If you need more, just mention my name in your insurance claim - Savannah Soleil Verona. Our insurance will handle it,” aniya bago ako hilahin papasok ng kotse n’yang dala. “Ganoon lang ‘yon kabilis? Matapos mo akong tutukan ng baril, aalis lang kayo na parang walang nangyari? Huwag mong sabihing hindi mo kaya ang kagwapuhan ko, chikababes?” Napalingon ako roon kay kuya at napangiwi. Pinasok ako ni ate sa passenger seat bago siya naglakad ulit para lapitan ‘yong lalaki. Ngumisi si ate. “Ikaw? Gwapo? Dream on, boy,” aniya bago mabilis na naglakad para paliparin ang kotse n’ya pabalik ng bahay. Habang ako nanatiling nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Isang dangkal na lang ang distansiya nilang dalawa sa isa’t isa kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD