Soleil’s POV
FEW DAYS had passed, and I hadn’t heard anything from our insurance. Maybe that arrogant boy didn’t bother to fix his old, crawling sports car.
Puro lang yata kahanginan ang alam. Asal kalyeng nagbalat kayong mayaman.
I was playing with my ballpoint pen, waiting for the bell to ring as so I could go home and lie down in bed, when the girls at my university started screaming at the top of their lungs. Agad akong napangiwi dahil sa ingay nila.
“What’s the commotion?” I heard some of my classmates exclaim.
NAGPATULOY ANG kaguluhan sa quadrangle ng university ni Soleil pero wala itong pakialam na naglalakad pababa ng hagdan matapos marinig ang pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang klase.
Hindi alintana ang ingay dahil sa suot-suot na headphones ay dire-diretso ang naging lakad ni Soleil papuntang parking lot ngunit natigil lang ito ng may biglang nagbigay sa kan’ya ng isang puting papel.
“Miss, kilala mo ba ‘to?” ani ng isang pamilyar na boses. Inip na inangat ni Soleil ang tingin sa lalaking nakatayo sa kan’yang harapan ng biglang nataranta ang lalaking nasa harapan nito.
“Chikababes!” hiyaw nito kaya nabigla si Soleil ng nagtinginan sa kanilang dalawa ang mga taong nasa paligid.
“Excuse me?” tanong ni Soleil bago tinanggal ang headset sa tenga.
“Ikaw nga! Chikababes! Hindi mo ba ako tanda? Ako ‘to! ‘Yong gwapong binangga ng kapatid mo, na tinutukan mo ng baril at binigyan ng pera sa daan na para bang wala lang,” sunod-sunod na sambit ng lalaki ngunit wala sa kan’ya ang atensiyon ni Soleil kundi nasa mga flyer na nakakalat sa paligid na may lamang picture at pangalan n’ya.
Agad na hinablot ni Soleil ang papel na ibibigay sana sa kan’ya ng lalaki.
“What the hell is this?” hiyaw nito.
“My ate, isn’t it obvious? Flyers ‘yan na may nakasulat na pangalan at mukha mo. Hinahanap ka nila kasi missing daw ang girlfriend nitong si kuya,” biglang sulpot ni Kade habang natatawang tinitignan ang nakasulat sa flyers.
“Seriously, Kade?”
“Seriously, ate, kanina pa silang naglilibot ng university just to find you. Ang sweet ‘di ba?” tukso pa ni Kade.
“Tsk. Corny,” simpleng sagot ni Soleil sa kapatid.
“Anong corny, ate? Ang sweet nga, eh! Tignan mo he made these flyers just to find you!” panunukso naman ng kapatid.
“Pati ba naman ikaw, Kade? Stop talking nonsense; let’s go. Maximus must be waiting for us,” anito bago hilahin ang kapatid at akmang lalagpasan sana ang binata ng bigla itong humarang.
“Chikababes! Teka lang naman, nandito pa ako! Matapos mo akong paghanapin sa ‘yo buong araw hindi mo man lang kakausapin ang gwapong nilalang na ‘to?” bulalas nito na nakadipa pa para lang maharangan ang magkapatid.
Tatawa na sana ng malakas si Kade sa narinig noong napahinto ito’t pigil na lang ang naging pagtawa matapos siyang bitawan ng ate at tapunan ng masamang tingin.
“Try to laugh, Kade, and I’ll surely cut your tongue out,” pahabol pa nito bago tapunan ng tingin ang lalaki at iikis ang mga kamay.
Sinuyod ng tingin ni Soleil ang binata mula ulo hanggang paa.
“Opps! Chikababes, dahan-dahan lang sa pagtingin baka iba na ang makita mo d’yan!” hirit pa ng binata pero napataas ang dalawa nitong kamay sa ere matapos pagtaasan ng kilay ni Soleil.
“What do you need?” nanatiling salubong ang kilay na tanong ni Soleil sa binata.
“Alam mo naman na hindi basta-basta ang taong katulad ko na gwapo na nga at grabi pa ang eport ---”
“It’s pronounced ‘effort’, you moron,” pagpuputol ni Soleil sa lalaki ngunit mukhang hindi nito alintana ang pagsusungit ng dalaga dahil nagawa pa nitong tumawa.
“Oh, ayon nga ‘effort’! Hindi mo man lang ba pupurihin ang ginawa ko na ‘to? Bibihira lang ang mga lalaking gagawa nito para hanapin ang isang babae, ha!” pagpapatuloy ng binata sa sinasabi habang malapad na nakangiti revealing his small face, with a chiseled and well-proportioned nose and sexy yet innocent lips.
“Ang gwapo n’ya talaga!” rinig na bulungan ng mga estudyante sa paligid na nanunuod lang sa kanila. Napailing na lang si Soleil sa narinig.
“Bakit? Pinilit ko bang gawin mo ‘yon? I even gave you my name so you wouldn’t need to find me just to claim the insurance that I am talking to you baka lang hindi mo alam ‘yon.”
“Eh, baka nga kasi hindi naman tungkol doon kaya ka n’ya hinahanap, ate, you see--” dagdag na panunukso ni Kade pero agad siyang nilingon ng ate.
“Oh, shut up, Kade! I don’t have the time to entertain this kind of nonsense,” ani nito.
“Uy, grabi kayong magkapatid! Kahit nag-iingles ka d’yan, chikababes! Naiintindihan ko pa rin pinagsasabi mo, ha! Hindi naman ako naparito para istorbohin lang kayo!” depensa naman ng binata.
“Gwapo sana kaso salita at asal kalye naman,” komento ng dalawang magkaibigang babae na dumaan.
“At least gwapo, ‘di ba?” asik naman ng binata sa dalawa at kinindatan pa sila matapos nitong tanggalin ang suot na itim na shades at isukbit sa dark blue nitong polong tatlo butones na ang nakabukas showing off his impeccably sculpted chest, with its broad, muscular build and skin as smooth as porcelain.
Napailing ulit si Soleil matapos nitong makita kung paano napahinto at namula ang bilogang pisngi ng dalawang estudyanteng iyon.
“Isn’t this a nuisance to you? Can’t you see we’re about to leave? What more do you need? Kulang pa ba ang binigay ng insurance sa ‘yo to fix your damn old sports car at gumagawa ka pa ng kahihiyan dito?”
“Chikababes! Huwag mong nilalait ang tsikot ko! Hindi pa ‘yon luma, mukhang luma lang kasi hindi na karwash pero bago pa ‘yon!” Napasabunot ng sarili si Soleil sa narinig.
“Whatever! Ano ba talagang kailangan mo? At ng matapos na rin ‘tong nonsense na usapan na ‘to.”
“Ganito kasi ‘yan, chikababes, kanina pa kasi dapat ako magpapaliwanag kaso hindi mo naman ako pinapatapos sa mga sinasabi ko.”
“Because you’re blabbering nonsense!”
“Ayan! Magtatanong ka tapos hindi mo naman papatapusin. Sige ka, hindi ko talaga kayo papaalisin dito!”
“Goddamn it! Go on!” naiinis na ani ni Soleil.
“Alam mo hindi naman talaga ako pumunta rito para sa insyurance na sinasabi mo, eh! May sarili namang insyurance ang tsikot ko kaya hindi ko naman kailangan ng pera mo, ganito lang ako pero hindi lang naman kayo ang pwedeng maging mayaman,” sambit ng binata kaya napa-woah naman ang mga lalaking patuloy na nakatitig sa kanila.
“You know what? Hindi ako interesado sa kwento ng buhay mo. Please, get straight to the point,” sagot ni Soleil habang hinihilot pa ang sentido.
“Naghahanap kasi ako ng babaeng babagay sa kagwapuhan ko.” Nagkibit balikat si Soleil.
“And then? What’s my connection to that?” Tumahimik ang paligid matapos sabihin ‘yon ni Soleil.
“Gusto kitang maging gerlfriend.”