DRSW#13 MULA sa screen ng kanyang laptop ay napaangat ang tingin ni Andrew Miguel sa pintuan ng kanyang opisina nang bumukas iyon at magkasunod na pumasok doon ang dalawang kaibigan niya. "Hey bro, we have some good news for you," bungad kaagad ni Jacob at naupo sa visitor's chair na nasa harap niya. May bitbit itong long brown envelop pero hindi na niya iyon pinagtutuunan ng pansin. "What?" walang emosyon niyang tanong. "She will be here tomorrow." Napanganga siya, alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Ang asawa niya. Si Ysabella. "W-What? I-I mean how? Bakit ngayon lang?!" kandautal niyang tanong at medyo tumaas din ng bahagya ang boses niya. Sa anim na taong paghahanap nila ay ngayon lang nagkaroon ng positive lead na para bang may humaharang sa kaniya at sa lahat ng mga binabay

