bc

Del Rio's Selfless Wife(Completed)

book_age18+
164.6K
FOLLOW
932.1K
READ
billionaire
escape while being pregnant
love after marriage
pregnant
CEO
drama
tragedy
bxg
heavy
office/work place
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Warning: R-18+

Some scenes are not suitable for young readers. So, read at your own risks!

TEASER:

Marriage is a sacred sacrament. God bless us as husband and wife, enveloped with love, trust, and care for each other.

But how can you love a man who didn't love you from the beginning, never took care of you, and, worst of all, always hurts you physically, verbally, and emotionally?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAPAIGIK si Ysabella nang dalawang malalakas na sampal ang magkakasunod na tumama sa kanyang pisngi. Muntik pa siyang mahulog sa silyang kinauupuan niya kung hindi lang siya kaagad nakahawak sa gilid ng mesa. "Ahh! Andrew ta---ma---na. Ma---awa ka nasasaktan a---ako." Nasasaktang pakiusap niya sa asawa nang pilipitin nito ang kaliwang braso niya sabay sabunot sa kanyang buhok. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. "Talagang masasaktan ka sa akin, babae ka!" Muli ay napaigik siya nang malakas siya nitong itinulak at bumangga ang likuran niya sa malamig na pader sa may kitchen. Pakiramdam niya ay hihiiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. "'Di ba, ang sabi ko sa'yo ay h'wag na h'wag kang aalis ng bahay! Pero tang 'na ka! Sinagad mo ang pasensiya ko at talagang nagpunta ka pa sa opisina at nagdala ka pa ng basura!" "Ahhh!" Napahiyaw siya nang walang pagdadalawang isip nitong hinagis sa pagmumukha niya ang isang plastic container na may laman pang pagkain. Nagkalat ang pagkain sa mukha niya. At nagpapasalamat siya at hindi na iyon mainit dahil kapag nagkataon ay malalapnos ang balat niya sa mukha. "Sorry... t-tumawag---ahh!" Napahiyaw ulit siya ng hawakan nito ang kanyang leeg at sinakal siya. Mabilis niyang hinawakan ang wrist nito at pilit inaalis ang kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa kanyang leeg. Pero anong magagawa niya? Galit na galit ito sa kanya na tila nakalimutan nitong asawa pa rin siya nito. Tila nakalimutan na rin nito na kung mamatay siya ay makukulong ito. Kahit kailan hindi niya pinangarap na mamatay na si Andrew ang may kagagawan. Pinakasalan niya ito para iligtas ito sa kapahamakan at kailanman ay hindi niya inisip na sa ganito hahantong ang lahat. Akala niya maiintindihan siya nito pero hindi naman niya inakala na ganito katigas ang puso nito. Nagsisimula nang lumabo ang kanyang paningin. At unti-unti ay ipikit na niya ang mga mata at handa ng tanggapin ang kanyang kamatayan nang bitawan siya nito. Hawak ang kaniyang nanakit niyang leeg ay inihit siya ng ubo. "Next time, h'wag na h'wag mo na akong susubukan at baka mapatay na talaga kita!" galit na bulyaw nito at mariing dinuro ang sentido niya. Hindi naman talaga siya pupunta ng opisina nito kung hindi lang tumawag sa kanya si Alex, ang Executive Assistant nito, at sinabi ng lalaki na hindi pa kumakain ng tanghalian si Andrew. Nag-aalala lang naman siya dahil hindi rin ito kumain kaninang umaga ng almusal na inihanda niya. Kahit na galit ito sa kanya at ayaw siya nitong makita ay ipinagluluto pa rin niya ito at kinakain rin naman nito iyon. Pero kanina ay hindi man lang ito nag-abalang tikman man lang ang hinanda niyang almusal para dito. "O-Oo, sorry---" Napasinghap siya nang marahas nitong hinablot ang kanang braso niya. Pinatalikod siya nito at itinulak padapa sa ibabaw ng mesa na agad ikinalaki nang kaniyang mga mata. Binundol din ng sobrang kaba ang puso niya nang ma-realize niya ang gagawin nito sa kaniya. "A-Andrew, please h-h'wag..." Nanghihinang pakiusap niya rito nang wasakin nito ang kanyang suot na damit. Ngunit tila ito walang narinig at bingi sa mga pakiusap niya. At nang sunggaban siya nito ng halik ay hindi siya kaagad nakakilos, hindi sa ito ang una niya dahil halos araw-arawin sa pagpapasasa nito ang katawan niya. Pero ito ang unang pagkakataon na gagamitin siya nito sa ganitong posisyon at dito pa sa loob ng kusina. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. Natatakot siya. Pero ano ba ang kaya niyang gawin? Isa lang siyang babae na walang kakayahang lumaban at ipagtanggol ang sarili laban sa pananakit nito sa kanya. Gustung-gusto nang sumuko ang katawan niya pero kabaliktaran naman ng puso niya. Mahal niya ito kahit sobrang sakit na. Pero kung susuko siya, paano na ito? Hindi niya kayang nakikita ito na naghihirap. Kaya hangga't hindi pa siya makahanap ng paraan para maprotektahan ito laban sa madrasta at kinakapatid niya ay hindi muna siya susuko.Kakayanin pa niya. Napapikit na lang siya nang magsimula ng maglakbay ang mga kamay nito sa buo niyang katawan, kasabay niyon ang pagdaloy ng isang alaala sa nakaraan kung bakit humantong sila sa ganitong sitwasyon. Kung bakit naging ganito ang nangyari...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
510.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

His Property

read
946.0K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.8K
bc

Broken Angel

read
3.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook