Chapter 1

760 Words
WARNING: THIS CHAPTER MIGHT CONTAIN ELEMENTS OF ABUSE, s*x AND VIOLENCE WHICH MAYBE HARMFUL OR TRAUMATIZING TO SOME. READER DISCRETION IS ADVISED. ————————————————————————— NAPAIGIK si Ysabella nang dalawang malalakas na sampal ang magkakasunod na tumama sa kanyang pisngi. Muntik pa siyang mahulog sa silyang kinauupuan kung hindi kaagad siya nakahawak sa gilid ng mesa. "Ahh! Andrew ta—ma na. Ma—awa ka nasasaktan a—ako." Nasasaktang pakiusap niya sa asawa nang pilipitin nito ang kaliwang braso niya sabay sabunot sa kanyang buhok. Bumuhos ang maraming luha sa mga mata niya. "Talagang masasaktan ka sa akin, babae ka!" Muli ay napaigik siya nang malakas siya nitong itinulak at bumangga ang likuran niya sa pader. Pakiramdam niya ay hihiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. "'Di ba, ang sabi ko sa'yo ay h'wag na h'wag kang aalis ng bahay! Pero tang 'na ka! Sinagad mo ang pasensiya ko at talagang nagpunta ka pa sa opisina at nagdala ka pa ng basura!" "Ahhh!" Napahiyaw siya nang walang pagdadalawang isip nitong hinagis sa pagmumukha niya ang lunch box na may laman pang pagkain. Nagkalat ang pagkain sa mukha niya. At nagpapasalamat siya at hindi na iyon mainit dahil kapag nagkataon ay malalapnos ang balat niya sa mukha. "Sorry... t-tumawag—ahh!" Napahiyaw ulit siya ng hawakan nito ang kanyang leeg at sinakal siya. Mabilis niyang hinawakan ang wrist nito at pilit inaalis ang kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa kanyang leeg. Pero anong magagawa niya? Galit na galit ito sa kanya na tila nakalimutan nitong asawa pa rin siya nito. Tila nakalimutan na rin nito na kung mamatay siya ay makukulong ito. Kahit kailan hindi niya pinangarap na mamatay na si Andrew ang may kagagawan. Pinakasalan niya ito para iligtas ito sa kapahamakan at kailanman ay hindi niya inisip na sa ganito hahantong ang lahat. Akala niya maiintindihan siya nito kapag maipaliwanag niya rito ang dahilan niya. Pero bingi ito sa lahat ng sasabihin niya. Ayaw siya nitong bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Napakatigas ng puso nito. Nagsisimula nang lumabo ang kanyang paningin. At unti-unti ay ipinikit na niya ang mga mata at handa ng tanggapin ang kanyang kamatayan nang bitawan siya nito. Hawak ang kaniyang nanakit niyang leeg ay inihit siya ng ubo. "Next time, h'wag na h'wag mo na akong susubukan at baka mapatay na talaga kita!" galit na bulyaw nito sa kaniya. Marahas na dinutdot pa ng hintuturo nito ang noo niya. Hindi naman talaga siya pupunta ng opisina nito kung hindi lang tumawag sa kanya si Alex, ang Executive Assistant nito, at sinabi ng lalaki na hindi pa kumakain ng tanghalian si Andrew. Nag-aalala lang naman siya dahil hindi rin ito kumain kaninang umaga ng almusal na inihanda niya. Kahit naman kasi galit ito sa kanya at ayaw siya nitong makita ay ipinagluluto pa rin niya ito at kinakain rin naman nito iyon. Pero kanina ay hindi man lang ito nag-abalang tikman man lang ang hinanda niyang almusal para dito. "O-Oo, sorry... hindi na mauulit." Napasinghap siya nang marahas nitong hinablot ang kanang braso niya. Pinatalikod siya nito at itinulak padapa sa ibabaw ng mesa na agad ikinalaki nang kaniyang mga mata. Agad na binundol siya ng sobrang kaba nang ma-realize niya ang gagawin nito sa kaniya. "A-Andrew, please h-h'wag..." Nanghihinang pakiusap niya rito nang wasakin nito ang kanyang suot na damit. Ngunit tila ito walang narinig at bingi sa mga pakiusap niya. Hindi ito ang unang beses na may nangyayari sa kanila dahil halos araw-arawin sa pagpapasasa nito ang katawan niya. Pero ito ang unang pagkakataon na gagamitin siya nito sa ganitong posisyon at dito pa sa loob ng kusina. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. Natatakot siya. Pero ano ba ang kaya niyang gawin? Isa lang siyang babae na walang kakayahang lumaban at ipagtanggol ang sarili laban sa pananakit nito sa kanya. Gustung-gusto nang sumuko ang katawan niya pero kabaliktaran naman ng puso niya. Mahal niya ito kahit sobrang sakit na. Pero kung susuko siya, paano na ito? Hindi niya kayang nakikita ito na naghihirap. Kaya hangga't hindi pa siya makahanap ng paraan para maprotektahan ito laban kina Tita Conchitta at ate Lauren niya, hindi muna siya susuko.Kakayanin pa niya. Napapikit na lang siya nang magsimula ng maglakbay ang mga kamay ni Andrew sa buo niyang katawan, kasabay niyon ang pagdaloy ng isang alaala sa nakaraan kung bakit humantong sila sa ganitong sitwasyon. Kung bakit naging ganito ang nangyari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD