"Tita, please...nagmamakaawa po ako sa inyo. Huwag niyo pong ibenta ang kapatid ko. Kahit ako na lang po, huwag lang ang kapatid ko." Naninikluhod na pakiusap niya sa kaniyang madrasta.
"Buls**t kang babae ka! Ang tagal kong hinintay na may bumili na kay Brian tapos ngayon pipigilan mo ako? Aba! Sinuswerte ka naman yata!" Singhal nito sa kaniya.
"Tita... ako na lang po. Ako na lang po. Papayag ako kahit ano'ng gusto niyo, h'wag lang ang kapatid ko. Please po..."
Humagulhol na siya sa sobrang pagmamakaawa niya pero ayaw pakinggan ng kanyang madrasta ang kanyang pakiusap.
"At sa tingin mo ba, hindi pa kita naibenta?" anito at ngumisi.
Natigilan siya. "A-Anong ibig niyo pong sabihin?" kinakabahang tanong niya.
Mas lalong lumawak ang ngisi ng kaniyang Tita Conchitta na mas lalong nagpakaba sa kaniya.
"Tapos na kitang naibentang boba ka. Kaya tumayo ka na d'yan at mag-ayos dahil kukunin ka na mamaya ng taong nakabili sa 'yo," sabi nito at sinipa pa siya na ikinasinghap niya.
"No, Mommy, hindi na muna siya sasama sa buyer niya dahil may ipagagawa pa ako sa kaniya. Hindi ba't napag-usapan na natin ito?"
Agad na patingin sila kay Lauren, na bigla na lang sumulpot sa may pintuan ng bahay niya.
Oo, bahay niya at ng kapatid niya itong tinitirhan nila ngayon. Sa kanilang magkapatid ang bahay na ito. Sa kanila ito ipinamana ng kaniyang lola Gina, ang ina ng kanyang Mama Sobina.
Nang magpakasal sina Mama Sobina at Papa Rene ay ayaw ni lola na bumukod ang mga ito dahil wala na itong makakasama sa bahay nito. Sumang-ayon naman sina Mama at Papa. Hanggang sa ipinanganak siya. Sampung taon siya nang mamatay ang Papa niya dahil nagkasakit ito ng cancer. Isang taon lang mula nang mamatay si Papa ay nakilala ni Mama si Tiyo Lando. Nagpakasal ang mga ito at nagkaroon ng anak, at iyon si Brian.
Ngunit limang taon lang si Brian nang mamatay si Mama dahil sa sakit na tuberculosis. Bugbog kasi ito sa trabaho dahil napakabatugan ni Tiyo Lando. Sa Mama pa niya ito humihingi ng perang pangsugal nito at kapag hindi nabigyan ay nambubugbog ito.
Wala pang limang buwan mula nang mamatay si Mama ay dinala na ni Tiyo Lando sina Tita Conchitta at ang anak nitong si ate Lauren. Ito na raw ang bago nitong pamilya.
At sa pagdating ng mga ito ay mas naging mesirable pa ang buhay nila ni Brian. Inangkin na ng mga ito ang bahay nila. Mas lalong lumala si Tiyo Lando sa pagiging sugarol at lasinggero nito.
Sa edad na dalawampu ay natuto na siyang maghanap-buhay kahit high school graduate lang siya. Si Brian naman ay nasa grade 7 pa lang, kaya kayod-kalabaw ang ginagawa niya para lang matustusan ang pag-aaral nito.
Pero muntik na itong hindi makapag-enroll dahil ninakaw ni Tiyo Lando ang naipon niyang pera para sa enrollment at gamit na bibilhin niya.
Nagalit siya nang malaman niya iyon at kinumpronta niya ang Tiyo Lando niya pero nagalit ito sa kaniya at binugbog siya. Mabuti na lang at may naaawang kapit-bahay nila at pinadampot ito sa mag pulis. Sinampahan din ito ng kaso kaya nasa kulungan na ito ngayon.
Akala niya ay magiging maayos na ang buhay nila ni Brian dahil nasa kulungan na ang ama nito. Nakalimutan niyang narito pa sina Tita Conchitta at ate Lauren.
"Hey, b*tch," tawag sa kaniya ni Lauren at umuklo pa ito para magpantay ang mukha nilang dalawa.
Napapikit siya at inihit ng ubo nang binugahan siya nito ng usok sa sigarilyo.
"A-Ate..." nakayukong sabi niya rito nang makabawi na sa paghinga. Pero hindi naman matigil ang pag-agos ng mga luha niya.
"H'wag mo nga akong matawag-tawag na ate dahil hindi naman kita kapatid." Nakataas ang kilay nitong sita sa kanya.
Napayuko na lang siya. Wala rin naman siyang laban doon dahil totoo naman. Pero magkapatid lang ba ang dapat noon? Hindi ba puwedeng dahil ginagalang niya ito kaya tinawag niya itong ate? Kahit napakasama ng ugali nito ay iginagalang pa rin niya ito.
"Siya nga pala, bukas na ang kasal namin ng pinakamamahal mong si Andrew Miguel Del Rio." Nakangising imporma nito sa kanya.
Napasinghap siya at kaagad nag-angat ng tingin dito. Hindi lingid sa kaalaman niya ang nakatakdang pagpapakasal nito sa lalaking mahal niya.
Gusto niyang manlumo. Minahal niya ang fiancé ni Lauren. Alam niyang mali ang mahalin ang lalaking may nagmamay-ari na pero hindi niya napigilang magkagusto kay AndrewMiguel. Kahit alam niyang wala iyong katugon dahil mahal na mahal nito si Lauren.
Tanggap naman niya iyon. Kaya lang nalaman niya na hindi totoong minahal ni Lauren si Andrew Miguel. Tanging kayamanan lang ng lalaki ang habol ni Lauren dito.
Sobrang kinakabahan siya. Hindi puwedeng matuloy ang kasal ng mga ito dahil kapag nangyari iyon, nanganganib ang buhay ni Andrew.
"No, Lauren, please... h-h'wag mong ituloy... maawa ka sa kaniya. Handa kong gawin lahat ng gusto mo h'wag mo lang ituloy ang kasal niyong dalawa, please..." pagmamakaawa niya.
Lumuhod na rin siya sa harap nito. Nakita niya ang malaking ngisi ni Tita Conchitta pero wala na siyang pakialam doon.
"Talaga? Kung sasabihin ko bang ikaw ang papalit sa puwesto ko, gagawin mo ba?"
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa babae.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na medyo pumiyok pa ang boses.
Tumayo ito ng tuwid at maarteng naglakad papunta sa may kaliitan lang nilang sofa at naupo ito roon.
"Well, naisip ko kasi na kung ikaw ang papalit sa akin, puwede naman pero syempre may kapalit iyon," anito at malapad na ngumisi.
Pinag-krus nito ang mga binti at patuloy pa rin ang paghithit nito sa sigarilyo. Biglang nabuhay ang kuryusidad niya. Puwede kaya iyon?
"A-Anong kapalit?" nanginginig ang mga labing tanong niya.
Kahit anong kapalit gagawin niya basta hindi lang matuloy ang balak nito. Bahagya pa siyang napaigtad nang bigla na lang itong malakas na humahalakhak.
"Ang gusto ko ay mailipat sa pangalan namin ni Mommy ang lahat ng mga ari-arian ni Andrew."
Napasinghap siya. No. Hindi niya iyon kayang gawin. Saka puwede ba iyon?
Napayuko siya at umiling-iling. Hindi niya kaya iyon.
"Hindi, Lauren. Ayoko. Kung kaya n'yong manloko ng tao, ako hindi."
"Aww, ang bait mo naman, ikaw rin bahala ka... Oh, siya! Ayaw mo naman, 'di ako na lang. Mas mapapadali pa nga ang gusto kong mangyari."
Nataranta siya nang tumayo na ito. Hindi. Hindi puwedeng mangyari iyon. Mariin siyang napapikit. At sa pagpikit niya ay nakita niya ang hitsura ni Andrew noong huling nakita niya ito rito sa bahay. Naalala niya kung gaano ito kasaya nang hilingin nito ang kamay ni Lauren kay Tita Conchitta.
"S-Sige papayag na a-ako. Pero ipangako niyo sa akin na hindi niyo ibebenta ang kapatid ko."
Bahala na, gagawa na lang siya ng paraan para hindi matuloy ang mga binabalak ng mga ito. Kakausapin na lang niya ang pamilyang bibili sa kapatid niya.
"Hindi puwede, may buyer na ang batang iyon-"
"Cancell it, Mom. Mas malaki ang makukuha natin kay Andrew kaysa sa kapatid niyan."
Natahimik si Tita Conchitta. Siguro iniisip nito na tama ang sinabi ni Lauren. Kumuyom ang mga kamay niya. Mga walang puso talaga ang mag-inang 'to!
"At paano kang nakasisiguro na tutupad sa kasunduan ang babaeng iyan-
"Isang taon. Bigyan niyo ako ng isang taon para mailipat sa pangalan mo Lauren ang mga ari-arian ni Andrew Miguel," sabi niya. Pero duda siya kung sapat ba ang ang isang taon para magawa ang gusto nito.
Humalakhak si Lauren. "No, masyado ng mahaba ang isang taon, Ysabella. At hindi na ako makapaghihintay ng gano'ng katagal."
Napalunok siya. "Pero hindi gano'n-"
"Limang buwan. Gusto kong sa loob ng limang buwan, magagawa mo na ang gusto ko. At kapag hindi, si Brian ang ibebenta namin."
"Ahh! Andrew!"
Napasigaw siya sa sakit ng bigla-bigla ay ipinasok nito sa kanya ang naghuhumindig nitong p*********i. Wala man lang pag-iingat. He's huge and thick, kaya kahit na hindi naman ito unang beses pero parang gano'n pa rin ang nararamdaman niya.
"Sh*t, sl*t! Why your pu**y's still tight, when I'm always f*cking you every day? Hmm?" Marahas nitong tanong at mas diniinan pa ang pagpasok sa kaniya.
Wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya.
Andrew abused her physically and mentally. Kung hindi siya nito sinasaktan ng pisikal, sinasaktan naman nito ang isip at puso niya sa mga salitang lumalabas sa bibig nito.
Pero ano pa ba ang bago? P*ta siya sa paningin ni Andrew at siguro hanggang sa mamamatay siya ay puta pa rin ang tingin nito sa kaniya.
"Ahh! Andrew..." ungol niya sa pangalan nito.
She breathed sharply when he caught her hair and held it tight. Pakiramdam niya pati anit niya ay mapupunit sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang buhok at hinila pa nito dahilan para mapatingala siya.
His one hand pressed her right br**st so hard that she moaned in the mixture of pain and pleasure.
"Shut up your filthy mouth, b*tch." Daing nito.
Nasanay na rin siya sa tawag nito sa kaniya. Parang endearment na nga nito iyon para sa kaniya. Kinagat na lang niya nang mariin ang kaniyang mga labi upang pigilan ang pagsigaw.
She gasped loudly as he flips her to face him and kept coming in and out of her. Pagod na pagod na siya dahil ilang beses na siyang nilabasan pero ito parang nagsisimula pa lang.
Mahigpit na kumapit siya sa may gilid ng mesa. Pabilis nang pabilis ang pagbayo nito kasabay ng pag-angat niya mula sa mesa. Kinarga siya nito at dinala sa sala. Umupo ito sa sofa kasama siya.
Pinatalikod siya nito. "Ride me...b*tch... " paos ang boses na utos nito sa kaniya.
Hindi na niya kaya at pakiramdam niya ay bubulagta na lang siya bigla sa sobrang pagod pero ginawa pa rin niya ang inuutos nito sa kaniya dahil ayaw niyang magalit na naman ito at saktan na naman siya.
Mahigpit na hinawakan siya nito sa kaniyang baywang at ilang sandali pa ay nararamdaman niyang lalabasan na naman siya at gano'n din ito.
Pero nagulat siya nang bigla na lang siya nitong itulak paalis sa kandungan nito. Kaya nalaglag siya at napasubsob sa carpeted na sahig dito sa living area.
"Dream on b*tch. You are not the one I dreamed of being the mother of my children," sabi nito na may pandidiri.
Napasigok siya sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.
Sana nagkakakilala sila nito sa ibang sitwasyon. Iyong walang Lauren at siya ang mahal nito. Pero lahat ng sana na iyon ay mananatili na lang na sana.
"Get up sl*t! I don't want to see your face when I get back," malamig na sabi nito sa kaniya.
Tumayo na ito at naglakad paakyat sa second floor ng mansion. Patuloy pa rin ang pagluha niya at dahan-dahan siyang tumayo. At dahil nanghihina pa siya ay kaagad siyang bumagsak sa sahig pabalik. Nagpalinga-linga siya para hanapin ang mga saplot niya.
Ganito naman talaga araw-araw kaya nasanay na rin siya na kung itrato siya nito ay parang p*ta. Kulang na nga lang ay tapalan nito ng pera ang pagmumukha niya, kabayaran para sa araw-araw na pagpapaligaya niya rito. Mula ng ikinasal sila, mabibilang lang niya sa kaniyang mga daliri na hindi siya nito gagamitin.
Ang sakit-sakit na. Pero ayaw naman niya itong iwan hanggang hindi dumating ang araw na napagkasunduan nila ni Lauren at Tita Conchitta.
Nawala na sa kaniya si Brian dahil hindi niya natupad ang kasunduan nila ni Lauren na limang buwan lang at mata-transfer na niya ang ari-arian ni Andrew sa pangalan nito. Kaya ibenenta ng mga ito si Brian.
Ilang beses na bumuntonghininga siya para mapakalma ang sarili at nang makalma ay sinubukan niya ulit na tumayo. This time ay nagtagumpay na siya at kahit nanginginig ang buong katawan niya ay pinilit niyang makarating sa kusina kung nasaan nagkalat ang mga saplot niya na winasak ni Andrew kanina.
Matapos makuha ang kaniyang mga saplot ay dumeretso kaagad siya sa maids' room kung saan ang kuwarto niya. Mahirap na at baka maabutan pa siya nitong pakalat-kalat pa. Siguradong masisigawan na naman siya nito. Or worst, sasaktan na naman siya.
Kailangan na rin niyang makaisip ng paraan para hindi maituloy ang plano nina Lauren at Tita Conchitta dahil isang buwan na lang ay anniversary na nila ni Andrew.
Isang buwan na lang at makakalaya na siya sa sakit na naramdaman niya nitong mga nakarang buwan simula nang ikasal sila ni Andrew.
At sa araw na iyon ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ni Andrew. Masakit man pero iyon na ang sukdulan ng pagsasakripisyo niya dahil kung tatagal pa siya rito ay baka tuluyan na talaga siyang mawala sa sarili.