Chapter 3

1866 Words
"Bulshit, slut! Hihilata ka na lang ba buong maghapon, d'yan?" Kaagad napabalikwas nang bangon si Ysabella mula sa couch na kinahihigaan niya nang marinig niya ang galit na boses ng asawa. Nanlalaki naman ang mga mata niya nang makita ito malapit sa may pinto ng banyo. Topless ito at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Basa rin ang clean cut nitong buhok at may tumutulo pang tubig mula sa buhok nito papunta sa matitipuno nitong katawan. Napalunok siya. Sana tubig na lang siya para— "What are you f*****g looking at? Get up and get out of my f*****g room!" Napaigtad siya sa muling pagsigaw ng asawa. Hindi maipinta ang mukha nito at galit na nakatingin sa kaniya. Napakurap siya at kinakabahang agad siyang napatayo. Pero nang makita niya kung paano siya tingnan ng asawa, a disgust look. Saka lang niya na-realize na wala pala siyang saplot sa katawan. Natataranta at mabilis niyang hinablot ang kumot na nasa sahig at kaagad ipinantakip sa hubad niyang katawan. Nalaglag yata ito kanina sa biglaang pagbangon niya. Napahigpit ang paghawak niya sa magkabilang dulo ng kumot. Matapos ang ilang ulit na nangyari sa kanila kagabi, ganito pa rin siya nito kung tingnan. Walang bakas na pagmamahal o kahit pagkaawa man lang sa mga mata nito. Tanging pandidiri lang ang nakikita niya roon at nasasaktan siya sa kaalamang iyon. Minsan napapaisip siya, kung sa loob ba nang mahigit labing-isang buwan ay nakaramdam ba ito nang kahit kunting awa sa kaniya. "Andrew, pasensya ka na. Pangako, h-hindi—" Hindi niya na naituloy ang sinasabi dahil pinanlisikan na siya nito ng mga mata. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya. At bawat mabibigat na paghakbang ng mga paa nito ay ramdam niya ang galit doon. "Sorry?"sarkastikong ngumisi pa ito. "Pang ilang ulit na ba 'yan, ha?! Sana nakakain iyang sorry mo. Sana kayang ibalik lahat sa dati iyang sorry mo." Napadaing siya nang hawakan nito nang mahigpit ang kaliwang braso niya, nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. "Andrew, n-na...nasasaktan a-ako." nakangiwing aniya. Nangingilid na naman ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. "Kailan ka ba mawawala sa buhay ko, ha?! Napakawala mo talagang kuwenta, mga mukha kayong pera!" Agad nagpanting ang taenga niya sa sinabi nito. Hindi siya mukhang pera! Dahil kung mukhang pera siya, 'di sana matagal na itong gumagapang sa hirap. Hindi siya magpapaka-martyr ng ganito, maprotektahan lang ito mula sa madrasta at kinakapatid niya. Itinaas niya ang kanang kamay at sinampal niya ito. Narinig niya pa ang malakas na tunog ng pagsampal niya at um-echo pa iyon sa loob ng silid nito. Nanginginig na ibinaba niya ang kamay. Kita niya ang pagtatagis ng bagang nito. "Andrew, s-sorry..." nanginginig ang mga labing sabi niya. " H-Hindi ko sinasadya—" Napaigik siya nang bigla na lang siya nitong sinakal. Sa totoo lang ngayon lang siya naglakas loob na sampalin ito. Sa loob ng ilang buwang pagsasama nila ay ngayon lang nangyari na sinaktan din niya ito, physically. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nagawa. Pero kasi sumusobra na ito. Kahit kailan ay hindi pera nito ang gusto niya. Oo, mahirap lang siya. Kahit anong raket noon ginagawa niya para lang magkapera, pero ni minsan hindi niya inisip na manloko ng tao. At kung hindi lang nanganganib ang buhay nito kng natuloy ang kasal nito kay ate Lauren, hindi niya ito gagawin, hindi siya magpapakatanga ng ganito. Nagawa man niya itong lokohin pero dahil iyon sa sobrang pagmamahal niya rito at ayaw niya itong mapahamak. Kung sana natuturuan lang ang puso niya—. "You, b***h! You don't have the right to slapped me!" Napaigik siya nang binalya siya nito at tumama ang balakang niya sa may dingding. Agad nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang tumaas ang nakakuyom nitong kanang kamao. Napasinghap siya at napaigtad nang suntukin nito ang dingding malapit sa gilid ng ulo niya. Akala niya sa mukha na niya iyon pinatama. "Get out! Now!" malamig at mariin nitong utos sa kaniya. Sa nanginginig niyang mga kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Kahit masakit ang buong katawan niya ay pinilit pa rin niyang makalayo rito, sa takot na baka masuntok na talaga siya nito. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto nito. Kagabi kasi matapos ang nangyari sa kanila sa kusina at sa sala, akala niya tapos na ito sa kanya pero hindi pa pala. Pinuntahan siya nito sa maids' quarter at bigla na lang siya nitong kinaladkad paakyat sa second floor. Ipinasok siya nito sa kuwarto nito at ginamit ng paulit-ulit ang katawan niya. Lahat na yata ng sulok ng kuwarto nito ay nagawan na nila ng milagro. Pati sa may veranda ay hindi nakaligtas. Maliban nga lang sa ibabaw ng kama nito. Ni minsan ay hindi pa sila nagtatalik sa ibabaw ng kama nito. Hindi naman niya alam kung bakit. At kung hindi pa kusang sumuko ang katawan niya ay hindi pa siya nito titigilan. Andrew is a s*x monster. Insatiable. Pero kung papipiliin siya sa buhay niya dati at sa buhay niya ngayon, kahit na magkapareho lang naman ang mga pasakit na kanyang natatanggap, ay ang buhay pa rin niya ngayon kasama si Andrew ang kanyang pipiliin. Napaka-imposible man na isipin pero nangangarap at naghihintay pa rin siya kung kailan siya mamahalin ng kanyang asawa. Sana kung dumating man ang araw na mangyayari iyon, sana hindi pa siya sumuko at sana hindi sa araw kung kailan aalis na siya. Pero alam niya na lahat ng iyon ay mananatiling sana na lang. Hinding-hindi na iyon mangyayari pa. Ilang beses na nga niyang hiniling na sana mabiyayaan sila ng anak ni Andrew. Para naman may katibayan siya na minsan ay naging asawa niya ang isang Andrew Miguel Del Rio, ang tinaguriang rare business genius ng buong Asia. Kahit malabo naman na mangyari dahil lagi itong handa kapag may nangyayari sa kanila, pero umaasa pa rin siya. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pagkuwan ay agad niyang tinungo ang kusina at nagluto ng almusal. Ham, boiled egg at hotdog lang ang niluto niya para sa almusal ng asawa. Matapos niyang maihain iyon sa ibabaw ng mesa ay mabilis din siyang lumabas ng dining area. Ayaw ni Andrew ang presensiya niya habang kumakain ito kaya sinisikap niyang hindi siya nito maaabutan sa loob ng dining area kapag oras na ng pagkain nito. Tumungo siya sa may laundry room at kumuha siya ng walis at dustpan. Mula nang ikasal sila ni Andrew ay siya na ang gumagawa nang lahat ng gawing bahay. Pinaalis kasi nito ang mga kasambahay nito dahil ayaw nitong buhay prinsesa siya rito. Syempre, hindi naman asawa kung ituring siya nito kundi isang katulong at parausan. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paglilinis sa may sala nang makitang pababa na ng hagdanan si Andrew at kasalukuyang inaayos ang necktie nito. Base sa hitsura nito, mukhang kanina pa ito nayayamot dahil hindi nito maiayos iyon ng mabuti kaya nilapitan na niya ito. Lihim siyang napangiti. Kahit pala lagi itong nagsusuot ng necktie pero nakakatuwa lang isipin na hindi pa rin nito alam kung paano iyon aayusin. "Gusto mo bang ako na ang mag-aayos?" pagbuluntaryo niya. Nang hindi ito umiimik ay kaagad siyang lumapit dito at inayos ang necktie nito. Tiningnan lang siya nito ng masama at pagkuwa'y ibinaling sa ibang direksyon ang paningin nito. Mabuti naman at hindi ito nagrereklamo. "Ayan okay na." aniya at nakangiting pinasadahan pa niya ng kanyang palad ang suot nito para mawala ang kunting gusot doon. "Kumain ka na muna, nakahanda—" "I don't have a f*****g time for your s**t, b***h!" Bulyaw nito sa kanya at agad na naglakad palabas ng mansion. Napakurap siya at malungkot na sinundan na lang niya ito ng tingin. "Let's go, Manong Rad." Narinig pa niyang sabi nito sa personal driver nito. Hinatid na lang niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng mansion. Malalim na bumuntonghininga na lang siya, pagkuwan ay pinagpatuloy na lang niya ang pagwawalis. Nang tumunog ang may kalumaan na niyang cellphone ay dali-dali niyang kinuha iyon mula sa back pocket na suot niyang maid's uniform. "Hello." sagot niya nang hindi man lang niya tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello, ate." Kaagad sumilay ang magandang ngiti niya nang marinig ang boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya. Kahit anong lungkot niya ay kaagad talagang mapapawi kung marinig na niya ang masiglang boses ng kanyang kapatid. Kung meron man siyang ipinagpasalamat sa mga nangyari ngayon, iyon ay ang hindi siya nagkamali nang magdesisyon siyang piliin niya si Andrew at hinayaan ang madrasta niya na ibenta nito si Brian. Kahit masakit at pakiramdam niya ay wala siyang kwentang ate dahil pinapabayaan niya ang kapatid at nagpaubaya na ibenta ito ni Tita Conchitta pero ngayon na naririnig niya itong masaya sa bagong pamilya nito ay masaya na rin siya. At nangako naman ang mag-asawang nakabili kay Brian na ipapagamot nito ang kapatid niya. "Hi, bunso. Uh, napatawag ka? May problema ba?" Pilit niyang pinapasigla ang boses niya kahit na naiiyak na siya. "Ate, aalis na po kami mamaya. Gusto ko sanang makita ka, kahit sa huling pagkakataon." Natigilan siya at hindi kaagad nakapagsalita sa sinabi ng kapatid niya. Noong isang araw nang nagkita silang dalawa ay sinabi nito na gusto ng mga umampon dito ay sa London na ipagpapatuloy ang pag-aaral nito at doon na rin ito ipapagamot. Kinausap na rin siya ng mag-asawa at pumayag siya pero kahit hindi siya papayag wala naman na siyang magagawa kasi mula nang tanggapin ng madrasta niya ang pera ay wala na siyang karapatan pa sa kapatid niya. Mabuti na nga lang at mga mababait ang mga ito at hindi inilalayo sa kanya ang kapatid niya hangga't nasa Pilipinas pa ang mga ito. "Oo naman, Brian, magkita tayo. Saan mo gustong makipagkita sa'kin? I-text mo sa'kin ang add—" Nagulat siya nang may humablot ng kanyang cellphone at hinagis iyon sa pader. Wasak. "A-Andrew..." gimbal na sambit niya sa pangalang gumawa niyon. Napasinghap siya nang makitang madilim ang hitsura nito at magkasalubong ang makapal nitong mga kilay. "Sinong kausap mo? Lalaki mo?!" Nanlilisik ang mga mata nitong tanong sa kanya. Sa takot ay hindi kaagad siya nakapagsalita. "Answer me, b***h?!" Halos mabali ang leeg niya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kaniya. Hawak ang pisnging nasampal nito ay umiling-iling siya. "A-Andrew, hindi—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla na lang siya nitong sinakal. "Malas ka ng buhay ko! Alam mo ba iyon, ha?! Ikaw ang gumawa nito sa sarili mo! Ikaw ang may pakana kung bakit tayo umabot sa ganito! You married me and I let you carry my name and now you're seeing another man! That was bullshit, b***h!" Sigaw nito. "Ta-ma-a na..." nanghihinang sambit niya. Halos panawan na siya ng ulirat nang ihampas siya nito sa may dingding at kaagad itong umalis. Nanghihinang bumagsak ang katawan niya sa sahig. At sa nanlalabong mga mata ay nakita pa niya ang malapad nitong likod na papalayo sa kaniya Halos isiksik niya ang katawan sa may dingding nang bumukas ulit ang pinto pero boses ni Manong Rad ang huli niyang narinig bago siya tuluyang nawalan ng malay. "Miss Bella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD