Chapter 4

1979 Words
NAGISING si Ysabella na halos hindi niya maigalaw ang katawan. Kaagad naman niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. She smell alcohol all over the place and that conclude she's in the hospital. Dahan-dahan niyang iginalaw ang kamay na may nakakabit na dextrose. Akmang itataas na sana niya iyon nang biglang bumukas ang pinto nang silid na kinaroroonan niya. Agad nabaling ang tingin niya roon. Isang babaeng naka-coat na puti at may nakasabit na stethoscope sa may leeg nito ang pumasok. Ito siguro ang doctor na umasikaso sa kanya. May babaeng nurse rin na nakasunod dito. "Mabuti naman at gising na kayo, Mrs. Del Rio." Nakangiting sabi ng babaeng doctor. Namangha pa siya sa hitsura nito, parang bagay itong maging modelo kaysa ang pagiging doctor. "P-Puwede na po ba akong umuwi, Dok?" Paos ang tinig na tanong niya rito. Napatingin pa siya sa nurse nang abutan siya nito ng isang basong tubig na kaagad naman niyang tinanggap. Uhaw na uhaw siya kaya mabilis niyang nasaid ang laman niyon. "T-Thank you," aniya at ibinalik ang baso rito. Ngumiti at tumango naman ito. "Well, yes but not today. Tomorrow will be fine. By the way, I am Dra. Megan Yu." Pagpapakilala nito sa kanya habang nakangiti kaya napangiti na rin siya rito. "Ysabella," pagpapakilala rin niya. "Uh, can I call you, Bella?" Napatango lang siya. "Anyway, wala ka bang balak na kasuhan ang asawa mo?" Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Saka lang niya naalala kung bakit siya napunta rito sa ospital. Pero paano nito nalaman na ang asawa niya ang gumawa nito sa kanya? Teka, paano ba siya napunta rito sa ospital? Sino ang nagdala sa kanya rito? "Andrew Miguel Del Rio. Your assh*le husband is one of my kuya's best friends. At si Manong Rad ang nagdala sa'yo rito." sabi nito na tila nabasa nito ang mga katanungan sa isip niya. Pero siguro dahil halatang-halata iyon sa mukha niya. "Ilang araw na po ba akong nandito?" tanong niya. "Tatlong araw na." Tatlong araw? Gano'n siya kahaba na natulog? "T-Tatlong araw?" Hindi makapaniwalang ulit niya sa sinabi nito. Tumango ito. "Kung gusto mo siyang kasuhan, handa kitang tulungan. I can provide you a lawyer." sabi nito sa madilim na hitsura. Gone the beautiful smile on her beautiful face. Kakasuhan? Siguro kung naiba lang ang sitwasyon niya, siguro, magsasampa talaga siya ng kaso pero mahal niya si Andrew, mahal niya ang asawa niya. Sa loob ng mahigit isang taon nilang pagsasama ay hindi niya nga ito maiwan-iwan, kakasuhan pa kaya? Kung nagkataon naman na hindi niya ito mahal, eh hindi rin niya magawang kasuhan ito dahil sa sobrang yaman nito ay wala pa rin siyang laban kung pera ang pag-uusapan. Napayuko siya at marahang umiling-iling. "Hindi na, doktora." mahinang sabi niya. Kasalanan din naman niya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito kaya hindi niya masisisi si Andrew kung laging pasakit ang pinaparanas nito sa kanya. Narinig niya ang malalim at marahas nitong pagbuntonghininga. "Sabihin mo lang, kung gusto mo siyang kasuhan dahil ako ang magiging attorney mo. For free." Napasinghap siya at gulat na napaangat ang tingin niya rito. Mataman pa niya itong tinititigan. Hinahanap niya sa mukha nito kung nagbibiro lang ba ito. Pero wala sa hitsura nito na nagbibiro lang ito. "Attorney ka?" Namamanghang tanong niya rito nang makabawi na siya sa pagkabigla. "Yep!" Hyper na tugon nito. Napakurap siya at hindi makapaniwala. Kaya pala ang lakas nitong makapagsabi na 'I can provide you a lawyer' dahil ang sarili pala nito ang tinutukoy. Malalim siyang napabuntonghininga. Buo na ang desisyon niya. Ayaw niyang sirain ang pangalan ni Andrew lalo na sa mga magulang nito. Mga mababait ang mga magulang ni Andrew, lalo na ang lolo at lola nito sa kaniya kaya ayaw niyang sirain si Andrew sa mga ito. "Hindi na talaga, doktora." Kasalanan naman niya kung bakit naging ganito ang trato sa kanya ni Andrew. "Uh, puwede bang humingi ng favor sa'yo?" "Oo, naman. Basta ba simula ngayon best friend na kita, huh?" makulit na sabi nito na ikinatawa niya at ng nurse na busy sa pagkuha ng vital signs niya at kung anu-ano pa. "Sige, best friends na tayo." aniya at mas lalo siyang natawa nang bahagya itong tumalon-talon sa sobrang tuwa sa sinabi niya. Para itong bata na napagbigyan sa gusto nito. Tumikhim ito at biglang sumeryoso ang mukha nang makitang nakatingin lang siya at ang nurse rito. "Wala ng bawian iyan, ah?" sabi nito. Nangingiting tumango-tango naman siya. Nagulat naman siya nang kunin nito ang kaliwang kamay niya at may isinulat doon. "Cellphone number ko iyan. Tawagan mo lang ako kapag nagbago na ang isip mo at gusto mo na siyang ipakulong o di kaya'y gusto mo ng layasan ang gag*ng iyon, okay?" Kiming tumango lang siya rito. "O siya, aalis na rin ako at may rounds pa ako sa iba kong mga pasyente. And don't worry about your bill, I paid it already." Napanganga siya. "Doc---" "Nah-ah..." anito at itinaas pa nito ang kamay para patigilin siya. "Sabi mo best friend na tayo. Kaya 'wag ka ng magreklamo. Consider it as my advance gift, sa anniversary niyo ni gago." sabi nito na ikinangiwi niya. "Thank you." Naluluhang aniya. Tumango lang ito at binalingan ang nurse na kasama nito kaninang pumasok. "Ikaw na muna ang bahala sa best friend ko, okay?" Bilin nito sa nurse na nakangiting tumango naman. Kumaway pa muna ito sa kanya bago lumabas ng hospital suite niya. Nakakatuwa talaga ito pero masaya siya dahil nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan nito at sa ganitong sitwasyon pa niya. Isang araw pa ang pananatili niya sa loob ng hospital bago siya pinayagan ni Dra. Yu na lalabas na. Kaagad siyang nag-ayos ng kanyang sarili. Iyong mga gamit naman niya ay tapos ng ayusin ni nurse Milly. She sighed heavily as she went out in her hospital room. Habang naglalakad siya palabas ng hospital. Naalala niya ang kapatid. Hindi na niya ito nakita pa. That made her devastated 'till now. Nabigo niya ang kapatid. Nabigo rin niya ang pangako niya sa kanyang ina na alagaan niya si Brian. Matapos nilang mag-usap ni Dra. Yu kahapon ay saka lang niya naalala ang hindi natapos nilang pag-uusap nila ni Brian dahil dumating si Andrew. Bigla na lang din siyang umiyak kahapon na ikinataranta pa ni nurse Milly. Nagpupumilit pa nga siya na lumabas para makapunta sa airport. Gusto niyang makita sa huling pagkakataon ang kapatid pero pinigilan lang siya nito dahil hindi niya pa kaya. Umabot pa sa puntong kailangan niyang turukan nang gamot pampakalma dahil naghi-hysterical na siya. Pangako ko, bunso, na kapag dumating ang araw na may pera na ako ay pupuntahan kita diyan sa London at hahanapin kita. Pagkarating niya sa mansion ay tahimik lang siyang pumasok nang pagbuksan siya ng gate ng guard. Mabuti na lang at hindi siya nito tinanong kung saan siya galing. "Miss Bella," napatingin siya sa may garden kung saan nakatayo si Manong Rad. Ngumiti siya sa matanda at lumapit dito. "Manong Rad, salamat po sa pagtulong niyo sa'kin noong isang araw, huh." "Hanggang kailan mo titiisin ang pananakit ng asawa mo, sa'yo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Napayuko lang siya. Hindi naman niya puwedeng sabihin dito ang mga nabuong plano niya. "N-Nasaan nga pala siya?" tanong na lang niya para ilihis sa tanong nito. Ayaw niya muna iyong isipin. Marami pa kasi siyang dapat na gawin bago niya iisipin ang pag-alis ng mansion. "May business trip siya sa Hongkong. Mula nang dalhin kita sa ospital ay hindi pa siya nakakauwi." Sagot nito na ikinahinga niya nang maluwag. Tumango lang siya at nagpaalam na rito na papasok na siya sa loob ng mansion. "Miss Bella." Natigil siya sa akmang pagpasok niya nang tawagin siya ni Manong Rad. Nilingon niya ito. "Magsabi ka lang at handa kitang tutulungan." Kaagad namang nag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata sa sinabi nito. Tumango siya at bago pa siya tuluyang maiyak sa harap nito ay tumalikod na siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng mansion. Lumipas pa ang dalawang araw bago nakauwi si Andrew galing sa business trip nito sa Hongkong. Wala pa rin itong pinagbago. Sa pisikal na kaanyuan ay masasabi niyang sobrang guwapo pa rin nito, matipuno pa rin ang katawan nito at halimaw pa rin ang pag-uugali nito. Hindi pa rin lumilipas ang araw na hindi siya nito pagsasalitaan ng masasakit. Mabuti na nga lang ay hindi na siya nito sinasaktan ng pisikal. Nag-iingat na rin siya at iniiwasan na rin niyang galitin ito dahil ayaw na niyang bumalik ulit sa ospital. Ngayon, abala siya sa pagluluto at excited siya dahil ito ang unang anniversary nila ng kanyang asawa. At the same time, nalulungkot siya dahil ito na rin ang huling araw para makasama niya ito at gusto niya itong yayain ng dinner date kahit dito lang sa loob ng mansion. Gusto niya itong makasama sa huling pagkakataon. Nang marinig niya ang busina ng sasakyan nito ay kaagad siyang lumabas at binuksan ang pinto. "Hi, good evening." bati niya sa asawa at matamis na ngumiti pa siya rito. Pero malamig lang siya nitong tiningnan at walang sali-salitang nilagpasan lang siya. Kaagad naman siyang sumunod dito. "Uh, nagluto ako ng dinner. Gusto mong maghapunan muna tayo?" Nakangiti pa rin na sabi niya kay Andrew. Pilit din niyang pinapasigla ang boses kahit kinakabahan siya sa maaaring reaksyon nito. Kung papayag itong maghapunan kasama siya ay ito ang kauna-unahang pagkakataon at sigurado siyang babaunin niya iyon kung saan man siya mapunta matapos ang gabing ito. Alam niya at ramdam niya na ito na talaga ang huling gabi na makasama niya ang asawa. Napahinto ito sa paglalakad kaya nahinto rin siya sa pagsunod dito. Humarap ito sa kaniya at kaagad niyang nakasalubong ang malalig nitong mga mata. Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kaniya. He smirked. "Yes, I'm hungry, but not the food." Kinilabutan siya nang tumitig ito sa kanya, particularly sa may dibdib niya. Napasinghap siya ng kabigin siya nito kaya agad na nagdikit ang mga katawan nila. Hindi man lang niya namalayan na tuluyan na pala itong nakalapit sa kaniya. Napaigtad pa siya nang marahas nitong pinisil ang baywang niya, pagkuwan ay bumaba iyon sa pang-upo niya at marahas din nito iyong pinisil na agad nagpainit sa buong mukha niya. Kung ito lang ang tanging magagawa niya para paligayahin ito, so be it. Agad na dumaloy sa kanyang kaibuturan ang sensasyon at pananabik na nararamdaman. How could she control the overwhelming feeling she had for him? This time, gusto niyang maging memorable para may babaunin siya sa kanyang alaala kapag nagkahiwalay na sila. She moaned when he took her wanting lips savagely. Nalalasahan pa niya ang alak sa bibig nito. Ang kamay naman nitong pumisil sa baywang at pang-upo niya kanina ay marahas nang nakasabunot sa buhok niya. Hinila nito ang buhok niya kaya napatingala siya. Ang isang kamay naman nito ay nasa dibdib na niya at marahas na pumisil-pisil iyon doon. Napaungol siya nang bumaba ang halik nito sa baba niya at bumaba iyon hanggang sa leeg niya. She tipped her head back and uttered incoherent sounds of desire. Naghahalo ang emosyon sa kanyang kalooban. She wanted Andrew forever in her life. Pero imposible iyon. Sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan na niya itong pakawalan. Mahina siyang napasinghap nang kargahin siya nito at dinala sa itaas, sa kuwarto nito. Nagulat pa siya nang sa kama nito siya dinala at iginiya pahiga. Gusto tuloy niyang maiyak sa tuwa, dahil ito ang unang beses na gagawin nila ang bagay na ito sa kama nito. Bagay na matagal na niyang pinangarap at ikipinagtataka. Shivers of desire shook her, growing with every passing second. Ang sensasyon ay parang lason na unti-unting kumakalat sa buong sistema niya. It swept through her, heating her blood, heightening her anticipation. Bawat haplos nito'y nagbibigay ng matinding kilabot sa kanyang kaibuturan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD