Chapter 5

1523 Words
NAGISING si Ysabella nang maramdaman niya ang pagkulo ng kanyang sikmura. Dahan-dahan siyang bumangon at napapangiwi pa siya sa sobrang hapdi ng kanyang p********e. Hindi naman kasi biro ang ginawa ni Andrew sa kaniya kanina. He savagely took her again and again. Marahas man ito at walang pag-iingat pero nakakamangha na ito ang unang pagkakataon na hindi niya nararamdaman na nandidiri ito sa kaniya. Wala sa sariling napangiti siya nang maalala niyang ilang ulit nitong ipinutok sa loob niya ang semilya nitong inilalabas. Wala sa sariling napahawak pa siya sa kaniyang tiyan. Gustong-gusto talaga niyang mabuntis at sana mangyari iyon. Napatingin siya kay Andrew na mahimbing pa ring natutulog sa kaniyang tabi. His face looks peaceful. Ang bait din nitong tingnan kapag ganitong tulog ito. Sinamantala niya ang pagkakataon para pagmasdan ito. Gusto niyang pagsawain ang sarili sa pagtitig sa mukha nito, but she doubt it kung magsasawa siya. She wants to stare at him forever. But too bad, ito na siguro ang huli na mapagmasdan niya ang mukha ni Andrew. Using her index finger, she slowly traced his thick eyebrows, long eyelashes, pointed nose, and red and bow-shaped thin sinful lips. Kaagad nag-iinit ang mukha niya nang maalala niya kung gaano siya pinapaligaya ng mga labi nito kanina. Shocks! This man made her mind a pervert. "I love you," bulong niya malapit sa tainga nito habang marahang hinaplos niya ang mamula-mula nitong pisngi. May lahi kasing banyaga ito. He's a Filipino-Italian. Iyong ama nito ang Italyano at Filipina naman ang ina nito. She smiled and continue caressing his reddish cheeks. How she wished this moment like this would not end. Pero alam naman niyang hindi naman talaga puwede. One more touch and she lowered her head para mahalikan ang noo nito. "I love you, Andrew Miguel. Sobrang mahal kita." aniya, at may luha pang tumulo sa mga mata niya na mabilis naman niyang pinahiran gamit ang kamay niya. Nang muling kumalam ang kaniyang sikmura ay maingat siyang bumaba ng kama para hindi ito magising. Nakita niyang alas onse na ng gabi nang mapatingin siya sa maliit na orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Kaya pala gutom na gutom na siya. Nagtuloy muna siya sa banyo at mabilis na nagbihis, pagkuwa'y lumabas na ng kuwarto at tumungo sa kusina. She heaved a deepest sigh nang makita niya ang mga pagkain na niluto niya kanina. Hindi man lang nagalaw ang mga niluto niyang pagkain. Humila siya ng upuan at kaagad naupo roon. Kahit mabigat ang kanyang nararamdaman ay magana pa rin siyang kumain. Hindi pa man niya nakakalahati ang pagkaing nasa plato niya nang tumunog ang telepono sa may sala. Hindi siya gumalaw at hinintay na lang ang tawag na mag-transfer iyon dito sa telepono na nasa kusina. At hindi naman siya nabigo dahil tatlong minuto lang ang itinagal ng pagri-ring at kaagad na iyong nag-transfer at tumunog ang telepono sa may kitchen counter. Tumayo siya at nilapitan ang telepono. "Hello." "My dear, Ysabella, kumusta ka na? Isang taon na, siguro naman nagawa mo na ang mga ipinapagawa namin sa'yo?" Biglang nanginig ang buong katawan niya nang marinig niya ang boses ng madrasta niya, si Aling Conchitta. Kahit na ini-expect na niya na mangyari talaga ito pero iba pa rin pala kapag oras na. "N-Nay," nanginginig ang boses na sambit niya. "Mukhang nagulat ka yata. H'wag mong sabihin na hindi mo pa nailipat sa pangalan ko ang mga ari-arian ng lalaking iyon!" Galit na sigaw nito sa kabilang linya. "Hindi—ang ibig kong sabihin t-tapos na. Oo, tapos na." Kinakabahang sabi niya. Sana hindi nito mahalatang nagsisinungaling lang siya. Hindi naman talaga iyon mailipat sa pangalan nito dahil bukod sa wala siyang ginagawa ay imposible namang mangyari ang mga ipinapagawa nito sa kaniya. Hindi bobo si Andrew. "Mabuti naman kung gano'n. Bukas magkita tayo sa ****** at h'wag na h'wag mo akong lulukohin dahil alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo at d'yan sa asawa mo sa papel, okay?" May pagbabanta na sa boses na sabi nito. Wala sa sariling napatango na lang siya. "O-Opo. H-Hindi po." Her hands shook in fear kaya muntik pa niyang mabitiwan ang telepono. "Good. Bye my dear, Ysabella." sabi nito at agad nang naputol ang linya. Nanginginig ang kamay niyang ibinaba niya ang telepono. God, please kahit ngayon lang, tulungan niyo po ako sa gagawin ko, piping dalangin niya sa Maykapal. Nagmamadaling pumunta siya sa kanyang kuwarto at hinanap ang numerong ibinigay sa kanya ni Dra. Yu, noong nasa ospital siya. Nang mahanap niya ay dali-dali rin siyang bumalik sa kusina at kaagad niyang i-dinayal ang numero nito. "Please, sumagot ka," aligagang pakiusap niya nang patuloy lang na nagri-ring ang phone nito. Ilang ring pa bago nito iyon sinagot. "My God! Who the heck are you? Why are you calling me at this holy hour?!" Pagalit na bungad nito sa kanya at mukhang hindi uso dito ang salitang 'hello'. "M-Megan, si Ysabella ito. Pasensiya ka na kung naistorbo kita pero kasi kailangan ko ang tulong mo." Malungkot pero nagmamadali ang boses na sabi niya rito. "Shocks! Are you, okay? May ginawa na naman ba sa'yo iyang gag* mong asawa?" Natatarantang tanong kaagad nito. Mukhang tuluyan na yatang nagising ang diwa nito. "Wala. Wala siyang ginawa." "Then, why you called? You want him to be in jail? Magsasampa---" "Megan," tawag niya sa pangalan nito na ikinatigil naman nito sa pagsasalita. "Natatandaan mo pa ba iyong pakiusap ko dati, sa'yo?" Nakikiusap kasi siya rito na tulungan siyang hindi mangyari ang mga gustong ipagawa sa kanya ng madrasta at ate Lauren niya. Naikuwento kasi niya rito kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Noong una, ayaw nito at ang sabi pa nito hayaan ko na lang daw na maghirap si Andrew para naman makaganti siya. Pero syempre hindi naman niya iyon magagawa. Kaya nga siya pumayag sa ganitong set-up dahil hindi niya kayang mapahamak at maghirap si Andrew dahil sa walang kuwentang babaeng minahal nito at ni Aling Conchitta. "Of course, my Bella, napapirmahan na ni kuya sa asawa mo." Sagot nito kaya napangiti siya. "Puwede ba tayong magkita?" pakiusap niya. Saglit naman itong natahimik sa kabilang linya. "As in ngayon na?" anito pagkaraan. "Oo, sana. Kung okay lang sayo?" Narinig niyang bumuntonghininga ito sa kabilang linya. Mukhang labag talaga sa loob nito ang gagawin niya. "Do I have a choice? Knowing you, hindi ka tatawag sa ganitong oras kung hindi iyan importante." Tuluyan na siyang napangiti. Megan is one of a kind friend na sobrang ipinagpasalamat niya sa Diyos at nakatagpo siya ng kaibigang gaya nito. Sa mahigit isang buwan nilang pagiging magkaibigan ay nagiging kampante na siya rito. Nang pumayag ito na tulungan siya ay ito na rin ang nag-suggest sa pre-nuptial agreement para walang magawa ang ate niya at madrasta sa mga plano ng mga ito. Na hindi makapag-demand ang mga ito kapag nagpa-anull sila ni Andrew. Ang kuya nito na si Andrei Steve Yu, ay best friend ni Andrew Miguel kaya ito ang inutusan ni Megan na papermahan ni Andrew ang pre-nuptial paper, pati na ang annulment papers na ipinagawa niya kay Megan. Matapos makipag-usap dito ay dali-dali siyang tumungo sa kanyang kuwarto para mag-impaki. Buo na ang pasya niyang umalis na sa mansion. Dahil kung malaman ng madrasta ang ginawa niya, siguradong babalikan talaga siya nito. Hindi naman siya nag-aalala para kay Andrew dahil may mga kaibigan at pamilya itong handang tumulong dito at ayaw niya ng dagdagan pa ang mga kasalanan niya sa lalaki, at wala siyang ibang gusto kundi ang matulungan ito. Alam na rin ni Megan ang pagbabanta ng mag-ina sa kaniya at sinabi nito na ito ang kuya na nito ang bahala sa safety ni Andrew at ng pamilya ng lalaki. Sana nga lang ay magtagumpay siya sa gagawin niya. Pagkatapos nito ay magpapakalayo-layo na siya. Dahil sigurado siyang may ginawa na naman ang madrasta niya para mapakinabangan na naman siya. Iyong taong bumili sa kanya ay siguradong hahantingin na rin siya nito. Nang matapos niyang ma-impake lahat ng gamit niya ay lumabas na rin siya. Kung ano ang bitbit niya nang dalhin siya ni Andrew rito ay iyon lang din ang kanyang dinala at isinilid sa kanyang maleta. Nang maalala ang asawa ay umakyat siya at tinungo ang kuwarto nito. Nagpapasalamat siya na tulog na tulog pa rin ito. "Mahal na mahal kita, Andrew. Pero kailangan na kitang bitawan dahil ayaw kong madamay ka sa gulo ng buhay ko." Tinanggal niya ang wedding ring na nasa kamay niya. Mapait siyang napangiti. Hindi naman talaga ito para sa kaniya. Para ito kay ate Lauren, ang babaeng totoong minahal nito. Ilang minuto pa niya iyong tinititigan bago dahan-dahan na inilapag sa ibabaw ng drawer nito ang singsing kasama ang sulat niya para sa lalake. Marahan niyang pinahiran ang mga luhang naglalandasan sa pisngi niya at kaagad ng tumalikod at lumabas na ng silid. Goodbye, Andrew Miguel. I wish you all the best. And I know we'll not be meant with each other. Forever. At sana makahanap ka ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka. Kasabay nang pagsara ng pintuan ay ang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD