DRSW#32 NAGISING si Ysabella na mabigat pa rin ang pakiramdam kaya hindi na muna siya bumangon. Nang mapatingin siya sa labas ng bintana ay madilim na. "Gabi na pala..." she murmured. Pero hindi naman siya natatakot dahil may ilaw naman na nanggaling sa lampshade kaya kahit paano ay may nakikita pa rin siya. Pero tinamad naman siyang bumangon. Napangiti siya nang makitang maraming mga bituin na nagkikislapan sa langit. Nakikita niya iyon mula sa floor to ceiling window ng kanilang silid ni Andrew. Hindi pa iyon natatakpan ng kurtina kaya malinaw niyang nakikita ang mga bituin. Another month already had passed. At sa buwang iyon ay marami ang nangyari. Andrew proposed to her the day after niya itong sinagot doon sa Del Rio Empire building. She said yes, of course, na ikinatuwa ng mga

