DRSW#26 HALOS hindi malunok ni Ysabella ang sariling laway nang makaharap na niya sina Sir Alexander at Ma'am Annalise, ang mga magulang ni Andrew at ang lolo at lola nito na mga magulang naman ng ama ni Andrew. "Mom, Dad, Grandpa, and Grandma, si Ysabella po at ang mga anak namin," ani Andrew sa pamilya nito habang nakangiti. "Wife, they are my family," anito naman sa kanya. Nagulat pa siya ng bahagya nang kunin nito ang kanyang kaliwang kamay at pinagsalikop nito iyon, na ipinagpasalamat naman niya dahil medyo nabawasan ang kabang nararamdaman niya. And when she looked at him, he just smiled and his chocolate brown eyes were lovingly staring at her. "Welcome home, Anak." Halos lumukso ang puso niya nang tawagin siyang anak ni Ma'am Annalise, ang ina ni Andrew. Hot tears immediately p

